Wedding Day

5 0 0
                                    

LAST CHAPTER

Knight's POV

Mabilis na dumaan ang buwan. Nakagraduate kami ng maayos at naiprepara ang kasal ng maaga.

Hanggang sa dumating ang araw na yun, at ito na nga yun.

"Pati ba naman sa kasal nyo, late si Eve?" Sabi ni Greg na siyang bestman ko.

"Oo nga Knight, akala ko sa araw na to ay babawi sya, eh." Gatong naman ni Seven.

Sa totoo lang, kinakabahan ako. May side sa utak ko na: Pupunta kaya sya? At meron ding: Natraffic lang yan.

"Alam nyo, maghintay nalang kayo dyan, hindi yung kung anu-anong pinagsasasabi nyo. Pag nalaman pa ni Eve na binubully nyo sya tingnan nyo, ah." Sabi ko nalang.

Sa mga buwan na lumipas naging malapit na si Eve kina Greg, Alfonce at Seven.

"Hahaha! Under ka talaga kay taray, eh noh?" Nakatawa na sabi ni Alfonce.

"Maiintindihan nyo rin ako pag tinamaan kayo ng pag-ibig. Palibhasa kasi mga playboy kayo." Sabi ko nalang.

Akmang magpoprotest pa yung tatlo pero bigla nalang sumigaw yung wedding coordinator.

"ANDYAN NA ANG BRIDE!"

Kung kanina kabado ako, ngayon naman excitement ang nararamdaman ko.

Bigla ay bumukas ang pintuan ng simbahan.

Nakita ko na nakatayo sa labas ang pinaka magandang babae sa paningin ko, si Eve.

Nang nagsimula na siyang humakbang ay pakiramdam ko nagslowmotion ang lahat.

"When your legs don't work like they used to before
And I can't sweep you off of your feet
Will your mouth still remember the taste of my love
Will your eyes still smile from your cheeks"

Pinapangako ko, na yung moody na babae na to ay aalagaan ko.

Itetreasure ko ang mga bawat araw na dadaan sa pagsasama namin.

"And darling I will be loving you 'til we're 70
And baby my heart could still fall as hard at 23
And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways
Maybe just the touch of a hand
Oh me I fall in love with you every single day
And I just wanna tell you I am."

Araw-araw ko parin siyang pakikiligin. At never ko siyang paiiyakin.

Gagawin ko lahat mapasaya ko lang sya.

"So honey now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Place your head on my beating heart
I'm thinking out loud
Maybe we found love right where we are."

Wala akong pakialam maski matawag akong under. Basta susundin ko siya, at gagawin ko lahat ng makabubuti para sa pagsasama namin.

"When my hair's all but gone and my memory fades
And the crowds don't remember my name
When my hands don't play the strings the same way, mm
I know you will still love me the same"

Kahit na pumuti na ang buhok ko, o kaya makalbo man ako, si Eve lang ang babaeng mamahalin ko at iingatan ko.

Magiging masaya siya habang nabubuhay ako.

"Cause honey your soul can never grow old, it's evergreen
Baby your smile's forever in my mind and memory
I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways
Maybe it's all part of a plan
I'll just keep on making the same mistakes
Hoping that you'll understand"

My Beautiful Evil GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon