Chapter 12
Eve's POV
Hulaan niyo kung anong meron ngayon? Birthday ni Knight! At 21 na sya. Yessss! Debut niya to. Excited akooooo!
Si Knight kasi, simple yan kahit famous. At ayaw niya ng mga gade-gatherings. Sapat na yung family and close friends.
Nandito ako ngayon sa unit niya. As usual, makalat at madumi. Ganito siya, eh.
"Ano ba naman to Knight! Bat ang dirty ng condo mo?" Sabi ko pagkapasok ko palang.
"Hoy! Makadirty ka naman! Malinis pa kaya yan, winalisan ko pa yan. Judgemental ka!" Sabi niya na sumalampak sa sofa.
"Gosh! Malinis pa to? Meaning may MAS maidudumi pa to?" Sabi ko na dinampot ang mga damit na nagkalat sa kung saan-saan.
"Tingnan mo yung mga hinubad mo? Hanggang dito sa sala umabot, ahas kaba?" Sabi ko na tinambak yung mga damit sa tabi niya.
"Sa gwapo kong to, ahas ako? No! No! No! No! Anghel kaya ako." Sabi niya. At binuksan ang Xbox.
Xbox, yan ang libangan niya. Kahit na maghapon siya tumutok diyan at walang kain, okay lang. 1/2 ng buhay niya yan, eh.
"Ewan ko sayo, maglaro kana nga lang." Sabi ko na pumunta sa kwarto niya at dun naman nagpulot ng mga hinubad niya. Kinuha ko narin yung laundry basket sa banyo para mailagay yung mga labahan niya.
"Hon, may sabon panlaba kaba?" Tanong ko sa kanya. At pagsilip ko sa kanya sa sala ay nakita ko na naglalaro na nga siya.
"Oo, hon. Meron. Pakitingnan mo nalang sa pantry." Sagot niya na hindi man lang tumingin sakin.
"As usual may detergent siya kasi di naman siya marunong maglaba mag-isa." Sabi ko sa isip ko.
Si Knight kasi tamad sa loob ng bahay. Akala mo may katulong.
Pero pagpasok ko sa kusina para pumunta sa pantry ay nadulas pa ako. Buti napahawak ako sa sandalan ng upuan na nasa dinning table kaya di ako natumba.
"Ano ba kasi yung natapakan ko?" Inis na sabi ko. At pagtingin ko ay balat pala ng saging.
"Tsk!" Inis na pinulot ko at dinala sa basurahan yung balat ng saging. Pero paglapit ko sa basurahan ay halos mapamura ako.
Yung basurahan nga kasi apaw-apaw na! Tangina, di nya iniintindi na itapon to maski 2x a week!
Nanggagalaiti na ako sa inis sa totoo lang. Pero kailangan ko na kumalma. Ayoko na awayin siya kasi birthday niya.
"Relax kalang, Eve. Relax kalang." Sabi ko sa sarili ko na napabuga ng hangin.
"Dyan kalang, ah? Babalikan kita." Sabi ko sa basurahan at daling pumunta sa pantry para kuhanin ang sabon. Ibababad ko muna yung mga damit ni Knight.
Kinuha ko yung sabon, nagbabad ng damit sa washing, saka ako bumalik sa kusina para sa basura. Lintek na basura yan.
Halos magkanda-suka-suka pa ako sa pag-aayos ng basura kasi sobrang baho na at inuuod-uod pa. Yuckkk talaga! Nang matapos ko yun ay daig ko pa ang namission complete! Haha!
At sinunod ko naman ang mga hugasin. Tambak narin kasi. Di talaga sya marunong sa bahay. Ito minsan ang pinag-aawayan namin, eh. Galawang boss, eh. Busabos naman.
Hanggang sa nakapaglinis na ako ng halos buong bahay nya. Nalabhan ko narin ang mga damit nya.
"Okay, pagluluto nalang." Sabi ko na binuksan ang ref niya.
"What!?" Sabi ko.
Nagulat kasi ako, walang laman ang ref nya maliban sa tubig at beer.
"Tubig? Beer? Lintek, mailuluto ko ba to?" Sabi ko na pabalagbag na sinara ang ref.
Ngayon, kailangan ko pang mag grocery. Pero sa baba lang naman ng condo niya. If ever na madami akong bibilhin, pwede naman na magpahatid ako sa mga staff dito sa unit.
"Hon, lalabas lang ako sandali." Sabi ko kay Knight.
"Okay, sige Hon." Sagot naman nya. Tapos nagnguso.
Pag ngumuso siya, automatic na kailangan ko siya ikiss.
Kaya lumapit ako at hinalikan siya sa pisngi.
BINABASA MO ANG
My Beautiful Evil Girlfriend
أدب المراهقينHindi ko alam kung ba't sa dinami-rami nang babae sa mundo ay siya pa ang nagustuhan ko. Siya na pinaka sa lahat ng napaka. Napaka taray niya, napaka suplada, napaka maldita at napaka sungit. Lahat ng ugali na panget nasa kanya na. Maganda lang siya...