Birthday 2

3 0 0
                                    

Chapter 14

Knight's POV

Birthday ko ngayon, kaya nandito si Eve. Ewan ko, pero parang nakalimutan niya yata.

Ano? Magtatampo naba ako?

Ang ginawa ko tinigil ako ang paglalaro ng Xbox. Pagtingin ko sa sala ay malinis. Agad akong pumunta sa kwarto ko, aba malinis rin. Tumakbo ako papuntang kusina.

"Wow!" Bulalas ko. Kasi nawala yung sangkatutak na hugasin ko pati yung gabundok na basura. At lumabas ako sa veranda, nakasampay yung damit ko.

"Incredible! Pano nya nalinis yung ganong kalat?" Manghang-mangha na sabi ko.

Bumalik ako sa sala at naupo sa sofa.

"Sabi niya sandali lang siya." Sabi ko na tumingin sa pintuan.

Teka, dapat ba talaga na magtampo na ako? Kasi nagpapakiss ako sa kanya kanina, pero sa pisngi niya ko ikiniss.

"Galit kaya yun?" Sabi ko pa.

"Ah, alam ko na. Tiyak napagod yun, ipagluluto ko nalang siya para makabawi." Sabi ko na agad pumunta sa kusina at binuksan ang ref.

Pero nadisappoint ako.

"Ay, shit!" Sabi ko na napasabunot sa buhok ko.

"2wks na pala mula nung huling grocery ko." Sabi ko na sinara na yung ref.

"Tiyak naggrocery na yun." Iiling-iling na sabi ko.

"Aaaahhhhh! Knight, ano ba namang klaseng lalake ka! Una, pinaglinis mo siya ng buong dugyot na bahay mo. Pangalawa, pinag grocery mo siya mag-isa! Aaaaaahhh!" Sigaw ko.

Naiinis kasi talaga ko. Bully na bully si Eve ngayon.

Hanggang sa bigla ay may nagdoorbell.

Agad-agad na binuksan ko yung pinto. At nakita ko si Eve, may mga dala siya at may kasama siya na staff ng condo. Di nga ako nagkamali. Naggrocery na siya.

"H-hon." Sabi ko na nagmadali na kuhanin sa kanya yung mga dala niya.

"Thank you." Sabi ni Eve. Sabay baling dun sa naghatid sa kanya.

"Thank you rin." Sabi niya sa staff.

"Welcome ma'am." Sagot nung babae.

Si Eve, maski di ako seloso, di yan nagdididikit sa lalake. Maselan kasi yan. Hahaha. Gwapo lang ang dinidikitan. Eh, ako lang ang gwapo, so sakin lang siya didikit. Hahaha!

Pagkakuha nya sa mga pinamili nya na hawak ng staff ay agad na nyang sinara ang pinto.

"H-hon?" Kanda utal na tawag ko sa kanya.

"Hmm?" Sagot niya na dumiretsk sa kusina. Agad naman akong sumunod.

"Hon, galit kaba?" Kabado na tanong ko.

"Hmm? Galit? Ako? Bakit naman?" Tanong niya na tumingin sakin at nangunot ang noo.

"E-eh, kasi naglinis ka ng buong bahay. T-tapos, naggrocery kapa." Kandautal na sabi ko.

Kinakabahan kasi talaga ako. Alam nyo naman si Eve pagnagalit, diba? Saka special day ko to, debut ko kaya, tapos magkaaway kami, parang ang ampanget naman, diba?

"Hahahaha! Hindi ako galit." Sabi niya na lumapit at yumakap sakin.

"Kala ko kasi." Sabi ko na gumanti rin ng yakap sa kanya.

"Kinabahan kaba?" Sabi niya sakin na hinahalik-halikan ako sa labi.

""Oo, medyo. Ayoko pa naman na nagagalit ka." Sabi ko naman.

"Buti naman at takot ka pala sa galit ko. Hahahah!" Tatawa-tawa na sabi niya na kumalas sa pagkakayakap sakin at lumapit sa mga pinamili nya.

"Luh! Ang saya mo talaga pag nalalaman mong under ako sayo." Sabi ko na lumapit at yumakap mula sa likod niya.

"Aba, syempre naman. Bihira na kaya ang mga takosa. Hahaha!" Sabi niya na natawa na naman.

"Ano yung takosa?" Kunot noo na tanong ko sa kanya.

"Takot sa asawa. Hahahaha!" Tatawa-tawa na sabi niya.

Napangiti naman ako. Gusto kaya nya na maging asawa ako? Sana oo. Kasi plano ko talaga yun, SOON.

"Hon." Di nagtagal ay tawag niya sakin.

"Hmm?" Sagot ko.

"Happy birthday." Mahina pero malambing na sabi niya.

Teka, kinilig ako. Hahaha!

"Naalala mo pala." Sabi ko.

Natutuwa ako syempre, kasi akala ko nakalimutan nya, eh. Akala ko nandito siya para maglinis.

"Oo naman. Ikaw paba? Saka special day to, eh." Sabi niya pa.

"Kaya kaba magluluto?" Sabi ko na ipinatong ang baba ko sa balikat niya.

"Oo, alam ko naman na ayaw mo magpaparty, eh." Sagot naman niya.

Kilalang-kilala na talaga nya ako. Nakakatuwang isipin na nakakita ako ng tao na palagay ako sa kanya at palagay sya sakin. Nakakatuwang isipin na nagtagal kami, kaya wala na yung ilangan at hiyaan.

"Hon." Di nagtagal ay tawag ko naman sa kanya.

"Hmm?"

"Hon, kaya mo ba na magluto na nandito lang ako?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman." Sagot niya.

"Sure ka?"

"Oo, eh ikaw? Makakatagal kaba na ganyan lang pwesto mo? Palakad-lakad ako, kaya mo bang sundan hakbang ko?" Tanong niya naman.

"Tss, sisiw. Tibok nga ng puso mo, nasabayan ko, yan pa kayang hakbang mo?" Sabi ko.

"Hahaha! Gagu, ang keso mo." Nakatawa na sabi niya.

Alam ko kinilig siya.

"Oo, keso ako, tapos daga ka. Pwede bang kainin mo ko?" Sabi ko.

"Weeeeeh! Ayan na naman tayo sa kamanyakan mo!"

"Hahahaha! Biro lang. Ikaw ate, ah? Pavirgin ka."

"Oo, kyah. Virgin pa po ako." Sabi niya na nagpabebe ng boses.

At napuno ng tawanan namin ang buong unit ko.

Hanggang sa nagsimula na sya magluto na nakayakap lang ako sa kanya.

Masayang birthday na naman to.

At yung sa kasal? Malay nyo. Hahaha. Tingnan nalang natin si Author kung magpapabook 2 sa love story namin ni Eve.

My Beautiful Evil GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon