Chapter 18
Knight's POV
Oo, sinadya ko na hindi gisingin si Eve. Kasi gusto ko talagang malate siya.
Kasi may inaayos ako. May inihahanda ako para sa kanya. Alam ko na medyo magugulat at maiiyak siya sa gagawin ko, pero okay lang, alam ko naman na sa bandang dulo matutuwa rin siya.
Pinasara ko ang buong gym, pinababa ko lahat ng tapalodo both side para maging madilim. Saka ko pinalagyan ng mga ilaw. Christmas light na maliliit, mula sa entrance gate hanggang sa gitna. Ang gusto ko kasi habang humahakbang siya magkakailaw.
Nagpalagay rin ang ako ng mga balloons na malalaki na sa may laylayan ay may mga pictures namin.
Sa gitna ay paheart shape na ilaw naman. Tapos kapag bumukas na lahat ng ilaw, saka nya makikita yung mga saksi sa proposal ko.
Yes, proposal. Tutal naman pagraduate na kami, tiyak na pwede na kaming magpakasal, diba?
Yung mga magulang niya at magulang ko? Nakausap ko na. At alam niyo kung ano ang maganda? Pumayag sila.
"Pare, andito na si Eve." Sabi ni Greg.
"Okay, sabihan mo na si Seven na hatakin si Eve papasok." Sabi ko naman na nasa gilid ng stage.
"Copy." Sabi nya at umalis na.
Ilang saglit ay:
"BLAG!" May lumagabog at nakita ko na nakasara na ang entrance gate.
"Hoy! Ilabas mo ko dito!" Sigaw ni Eve. Tahimik na sa labas, tiyak napatahimik na ni Seven at Alfonce.
Takot si Eve sa dilim, kaya alam ko na takot na takot na siya.
"Im sorry, Hon. Pero saglit lang naman to." Sabi ko sa isip ko.
"Kung sino ka man na nagpasok sakin dito, utang na loob! Buksan mo tong gate!" Malakas na sigaw niya.
Naaawa ako, malamang kasi girlfriend ko yan, eh.
"Tangina mo, buksan mo to!" Paos na nasigaw nya. At nagsimula na syang umiyak.
"Knight, Help!?" Sigaw niya sa pangalan ko. Kahit madilim ay nakita kong napaupo sya at nakatakip ang kamay sa mukha.
"Pleaseee, Hooooon!" Paos na sigaw niya.
Di na ako nakatiis. Tinawag ko na siya.
"Eve." Pero di siya natitinag.
"No." Mahinang sabi niya.
"Eve." Tawag ko ulit.
"No! No!" Malakas na sabi niya.
"Hon." Tinawag ko na siya gamit ang tawagan namin.
"Hon?" Dinig ko na sabi rin niya na nag-angat ng mukha.
Pag-angat ng mukha niya ay saktong nagsindi na ang mga ilaw na diretso papunta sakin.
Agad siyang tumakbo at ng makalapit ay agad akong niyakap kasabay ng pag-iyak.
"I-I hate you. Why you took s-so long?" Umiiyak na tanong niya sakin sabay ng mahihinang hampas sa dibdib ko.
"Ssshhh, ang importante nandito na ako." Sabi ko na hinimas ang likod niya.
Guilty ako ng bahagya kasi napaiyak ko siya sa takot.
"K-kahit na." Sabi niya pero yumakap naman sakin.
Napangiti naman ako. Di ako gumanti ng yakap sa kanya.
"Bat andilim parin? Bat itong maliliit na ilaw lang ang bukas?" Di nagtagal ay tanong niya sakin habang nagpapahid ng luha.
"I just want to show you something." Sabi ko.
"Show mw something? Dito sa dilim?" Pagdaka ay tanong niya sakin.
"Yeah." Mahina at matipid na sagot ko. Tapos ay namatay na ang mga maliliit na ilaw.
Humakbang ako palayo sa kanya at pumunta sa gitna.
"Knight?!" Malakas na tawag niya sakin.
"Calm down, Eve. Im here." Sabi ko.
Saka bumukas ang spotlight at tumama sa kanya.
"Where?"
Pero di ko siya sinagot.
"Eve, may sasabihin sana ako." Sabi ko nalang.
"A-ano?" Utal na tanong niya. Alam ko na kabado sya. Kasi nanginginig ang boses niya.
"Eve, ayaw na kitang maging girlfriend." Bigla ay sabi ko.
Ilang minuto siyang tahimik.
"A-are you serious?" Utal-utal na tanong niya.
"Yes, Eve. I dont want you to be my girlfriend anymore."
"B-but why? A-anong nagawa ko?" Umiiyak na natanong niya.
"K-kagabi diba okay lang t-tayo? P-pero bat ngayon ganito na?" Sabi niya pa.
Nakita ko na umiikot siya sa spotlight at tinatanaw ako. Alam ko na di siya aalis sa ilaw kasi takot nga siya sa dilim.
"Knight, answer me!" Sigaw nya pa.
Pero di parin ako nagsasalita at tinitingnan ko lang sya.
"W-wag ganito, please." Hagulgol na sabi nya. Sabay takip ng mukha at iyak ng malakas.
Napahilamos ako sa mukha ko. Tangina nakakaguilty tong ginagawa ko. Di ko pinapaiyal si Eve, ngayon lang.
"Knight, please sumagot ka." Tanong nya na umiiyak parin.
At bigla ay nagsalita ako.
"EVE, I DONT WANT YOU TO BE MY GIRLFRIEND ANYMORE, COZ I WANT YOU TO BE MY WIFE." Sabi ko sa mic. Nasa likod ko na to kanina pa.
At dun ay narinig ko na nagtilian na sa labas. Bigla ay umangat ang mga trapal at bumukas narin ang entrance gate kaya mula sa labas ay nakita na kami.
Bumukas narin ang mga ilaw at ang spotlight at tumutok na sakin.
Kaya nakita na ni Eve ang mga balloons. Pati lettering sa stage na WILL YOU MARRY ME.
"Eve, I want you to be mu wife. I want to spend my whole life loving you. Only you. So, please marry me." Sabi ko na dinukot sa bulsa ko ang singsing.
At si Eve? Halatang gulat na gulat sya. Napatakip pa sya sa bibig nya. At napaiyak sa saya.
Ilang minuto na tahimik ang lahat at naghihintay ng sagot nya.
"Gusto mo bang ligawan pa ulit kita para pakasalan mo lang ako?" Tanong ko sa kanya.
"Magtanong ka nga ulit." Sabi nya.
Dun ay napangiti ako. Sign na to.
"Eve, Will you marry me?" Tanong ko ulit.
"YES! YES, KNIGHT! YES!" Sigaw nya habang umiiyak.
Sa tuwa ko dahil sa narinig ko na sagot nya ay napatakbo ako palapit sa kanya.
Paglapit ko ay agad kong isinuot ang singsing sa kanya.
Pagkasuot ay agad ko syang niyakap. Nakakahiyang aminin pero naiyak ako sa saya.
"I love you." Sabi ko sa kanya.
"I do love you more!" Sagot nya at sya na ang humalik sakin.

BINABASA MO ANG
My Beautiful Evil Girlfriend
Teen FictionHindi ko alam kung ba't sa dinami-rami nang babae sa mundo ay siya pa ang nagustuhan ko. Siya na pinaka sa lahat ng napaka. Napaka taray niya, napaka suplada, napaka maldita at napaka sungit. Lahat ng ugali na panget nasa kanya na. Maganda lang siya...