Surprise!

3 0 0
                                    

Chapter 14

Eve's POV

"Hon, maligo kana kaya." Sabi ko kay Knight.

"Huh? Bakit? Mabaho naba ako?" Tanong niya sakin.

Hahaha! Si Knight, masyado syang maarte sa katawan. Ayaw niya na maaamoy ko na amoy pawis siya.

Nakayakap parin siya sakin, habang ako naman ay hinahalo ang mga rekado ng niluluto ko.

"Di naman. Ang akin lang, para fresh ka mamaya habang kumakain tayo. Saka patapos narin naman ako magluto." Sabi ko na humakbang papunta sa mesa, kinuha ko kasi yung all purpose cream.

"Hmm, sige na nga." Sabi niya na bumitaw sakin.

"Pero pakiss muna, baka kasi mamiss kita agad tapos di ako makapagconcentrate sa pagligo." Sabi niya na hinawakan ng dalawang kamay niya ang mukha ko, saka ako hinalikan sa labi.

Ilang segundo rin yung halik.

"I love you." Sabi na pa na nagsmack ng nagsmack sa lips ko.

"I love you too." Sagot ko naman sa kanya.

Di na nagtagal ay pumasok na siya sa kwarto niya.

Agad naman ay hinugasan ko ang kamay ko, saka kinuha ko ang phone ko at may dinial.

"Ahm, hello? Yes, pwede bang paki deliver na? Oo, dito sa unit 17 sa 5th floor. Pakibilis po, ah? Thank you." Yun lang at pinatay ko na ang tawag.

Sakto naman na may nagdoorbell.

"Sana sila Lucas na to." Bandmates ni Knight.

Pagbukas ko ng pinto ay sila Lucas na nga. May mga dala silang balloons na nakasulat na Happy Birthday. Isasabit nalang nila. May mga beers narin, may icecream. At may mga regalo.

Kinontak ko sila kasi birthdy nga ni Knight. At may semi surprise para sa kay Knight.

"Hi Eve." Bati niya sakin. Yung iba naman ay tumango lang as pagbati.

"Lucas, thank you, ah? Kasi pinagbigyan nyo yung pabor ko." Sabi ko sa kanila.

"No, prob. Akala namin panay kalang katarayan." Nakangiti na sabi niya sakin.

"Hahaha! Okay lang. Di ko naman maiaalis sa inyo yun. So, pano start na?" Sabi ko sa kanila.

"Oo, kami na bahala." Sagot niya sakin.

"Thank you." Yun lang at tumalikod na ako.

Malakas ang loob ko na magprepare ng ganito, kasi si Knight matagal maligo. Madami ring ritwal sa katawan yun. Kulang 1 and a half hour sya maligo. Tiyak ko naman na matatapos nila Lucas yung mga yun, kasi madami naman sila.

Ako naman ay inatupag ko maigi ang pagluluto. Kailangan na masarap to, kasi paborito ito ni Knight.

*Fast Forward*

"Eve?" Tawag sakin ng kung sino. Tiyak bandmate rin ni Knight.

"Yes?" Sagot ko na nakatingin sa niluluto ko.

"Okay na sa labas." Sabi niya.

Dun ay napatingin ako sa kanya. Si Greg lang pala.

"Oh, really?" Sabi ko na nauna pa sa kanya na lumabas ng kusina.

"OMG!" Sabi ko. Kasi naiprepare agad nila yun. Pati mga balloons.

"Saka dumating na pala yung cake." Sabi naman ni Alfonce.

"Talaga? Buti naman. Naiprepare ko narin yung table, sila Charm kaya?" Tanong ko.

"Ah, paakyat na raw sila." Sabi ni Seven.

Si Seven, may balibalita na type nya si Charm, yung friend ko. Kaya siya ang may contact kay Charm.

Di nga nagtagal ay may nagdoorbell. Sila Charm nga at yung ibang kasama ko sa cheering squad.

"Okay, pwesto na. In just a minute lalabas na si Knight." Sabi ko.

At agad nga ay nagsipagpwestuhan na sila. Nagtago yung iba sa likod ng sofa. Yung iba naman ay sa may veranda. Pinatay ko rin yung ilaw para di nya mapansin yung sa sala.

At ako naman ay pumwesto na sa bukana ng kwarto niya.

At di nga ko nagkamali. Lumabas na siya ng kwarto niya.

"Hi hon, bat patay ang ilaw?" Sabi niya lumapit sakin.

"Hi, Hon." Sagot ko na medyo malakas. As sign na lalabas na sila.

"HAPPY BIRTHDAY, KNIGHT!" Sigaw nila na nagsipaglabas mula sa pagkakatago at sabay bukas ng ilaw.

"Oh, shit!" Gulat na sabi niya.

"Happy birthday!" Sigaw ulit nila.

"Hahahaha! My goodness, thank you." Tatawa-tawa na sabi niya.

Ako naman nakangiti lang na nakatingin sa kanya.

Nakakatuwang isipin na napasaya ko sya.

"Happy birthday, Pre." Bati ni Greg sa kanya.

"Grabe, salamat, Pre. Kinilig ako. Hahaha! Sagot niya kay Greg na nakipagtamaan pa ng kamao, saka tumapik sa balikat.

Saka lumapit sa kanya paisa-isa yung mga kasama niya sa basketball, sa banda pati mga kasama ko sa cheering squad.

"Salamat ng marami. Di ko inexpect to." Sabi niya na di mawala ang ngiti sa labi.

"Actually, pre si Eve ang may pakana nito." Sabi ni Seven.

"Ano? Seryoso? Hahahaha!" Tawa-tawa na sabi niya na humakbang palapit sakin.

"Ikaw nagpauso nito, mayora?" Nakangiti na sabi niya sakin sabay yakap.

Di na ko sumagot, bagkus ay ngumiti nalang at gumanti ng yakap sa kanya.

"Thank you so much, Hon. You dont know how happy I am today." Sabi niya na hinalikan ako ng smack sa labi.

"You deserve that, Hon. I love you." Sabi ko naman sa kanya.

My Beautiful Evil GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon