100 friends deleted!

5 0 0
                                    

Chapter 7

Knight's POV

Dito ako natulog sa condo ni Eve. Hindi niya ko pinauwi.

6am na, gising na kami. Si Eve ay nasa kusina at nagluluto ng breakfast namin. Ako naman nasa veranda at nagpefacebook.

May pasok kasi kami sa school ng 7am kaya maaga kami ngayon.

"Hon?" Narinig ko na tawag sakin ni Eve.

"Yes, hon?" Sagot ko sa tawag niya.

Si Eve kasi, ayaw nya na nag-uulit ng tawag o kahit na anong sasabihin nya. Gusto nya isang beses lang.

"Breakfast is ready, tara na." Sabi naman niya.

"Okay, Im coming." Sagot ko na dinala ang phone ko at pumunta na sa dinning.

Nakita ko na sinalinan niya ako ng gatas sa baso, hindi kasi ako umiinom ng kape.

Umupo na ako. Pagkaupo ko ay matic na nilagyan niya ng pagkain ang plato ko.

Ganito kaasikaso si Eve. Isa to sa magandang side nya.

"Stop touching your phone, Knight. Tatadtarin ko yan, at yan ang ipakakain ko sayo, tingnan mo lang." Sabi niya na tinaasan pa ako ng kilay.

"Okay, im sorry." Sabi ko na agad binitawan ang phone ko.

"So, anong bago sa FB?" Tanong niya sakin.

Si Eve kasi, di siya gaanong active sa social media. Mas active pa ako sa kanya.

"Wala naman, hon. Yun at yun parin." Sagot ko naman.

"Hmm, okay. Can I borrow your phone? I wnat to check your FB lang." Sabi niya.

"Okay, go." Sagot ko.

Wala naman kasi akong tinatago. So, I dont have any reason para ipagdamot ang FB ko sa kanya.

"Sino si Clarie Fe Arnaiz?" Tanong niya.

"Classmate ko."

"Si Frances Chua?" Tanong niya ulit.

"Ah, matagal ko ng friend sa FB yan." Sagot ko.

"Okay." Sabi niya.

"Si Gracey Gregorio?" Tanong niya na naman.

"Hon, ano ba yan. Andami mo namang tanong. Malamang mga friend ko sa FB yan." Sagot ko naman.

"Bat mas marami ang babae na friend mo sa FB kesa sa Lalake?" Tanong niya ulit.

"What? Ano bang klaseng tanong yan? Malamang--" pero hindi ko na natapos.

"Malamang ano? Malamang kasi lalake ka? Tss. Katwiran mo, eh noh? Bat ako? Babae ako pero di naman madami ang lalake sa friendlist ko? Pwede ba Knight, wag mo kong aryahan ng katwiran mo." Sabi niya na nagsalubong na ang kilay.

Alam ko na kapag ganon sya ay bad mood na siya. Naiinis na siya.

"Hon, ano ba naman ba yan? Ikaw lang ang gumagawa ng ikagagalit mo, eh." Sabi ko.

"Buti sana kung may nakita kang kachat ko dyan, tapos nag-I love you ako, dun ka magalit. Eh, kaso wala naman." Dagdag ko pa.

"Ah, ganon? So, hihintayin ko pa na ganon muna ang mangyari bago ko magalit? Saka, ano to? Bat pinupusuan mo yung post nung Charm Ildefonso na kita ang cleavage?"

"Hon, aksidente ko lang na napindot yan at nahiya na akong tanggalin." Sabi ko naman.

"Sus, nahiya na tanggalin. Aksidente na napindot. Nako, Knight! Matandang hindi nagpapanty nalang ang maniniwala sa alibi mo." Sabi niya na padabog na inilagay sa mesa ang phone ko.

"Tsk! Hon, dahan-dahan naman. Kabibili lang nyan." Sabi ko na agad dinampot ang phone ko.

Tinangnan ko agad ang FB ko. At halos mapamura ako sa nakita ko.

Yung friend ko na 3,700 ay 3,600 nalang!

"My goodness! Hon, anong ginawa mo?" Gulat na tanong ko sa kanya.

"What? Nag-unfriend lang ang ng 100 girls na friend mo sa FB. Ang OA naman ng reaksyon mo." Sabi niya sakin.

"100? Ang dami ng--" pero di ko na ulit natapos.

"Bakit- naunfriend ko ba yung babae mo kaya ganyan ka magreact?" Mataas ang boses na tanong niya.

"What? Anong babae? Wala akong babae. Nagulat lang ako na...hey! San ka pupunta?" Tanong ko sa kanya. Tumayo kasi siya at naglakad palabas ng dinning area.

"Nawalan ako ng gana kumain." Sabi niya na dumiretso sa kwarto.

Napahilamos nalang ako ng kamay ko sa mukha ko.

"Suyuan na naman to! Aaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh! Eve, bat ba ganyan ang ugali moooooo!" Sabi ko sa isip ko na napahampas sa gilid ng mesa.

My Beautiful Evil GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon