Eksena

11 0 0
                                    

Chapter 3

Knight's POV

Nasa mall kami, pero umalis lang saglit si Eve. May bibilhin lang daw. Sabi ko sasamahan ko na siya kaso ayaw naman niya magpasama kaya andito lang ako.

Nakaupo ako sa isa sa mga bench sa tapat ng timezone.

Medyo kanina pa siya kaya ang ginawa ko, tinext ko na siya.

"Hon, matagal kapa ba?"

.....Sent

Ilang saglit lang at nagreply na siya.

"Sandali nalang to, hon." Reply niya.

"Ah, madami kaba pinamili? Gusto mo sunduin na kita?"

.....Sent

"No need, hon. Thank you."

Pagkabasa ko nun ay di ko na siya nireplyan. Ayaw na ayaw niya kasi na rereplyan siya ng: Okay. Naiinis siya sa ganon.

"OMG! Si Knight Mondragon ba yan? Yung sikat na varsity player sa FEU?"

Narinig ko na sabi nung babae. Pero dinedma ko lang. Kasi baka mamaya andyan na si Eve, tapos biglang makita niya ko. Tiyak world war III na naman ito.

"Oo nga, noh! Tara, besh lapitan natin!" Yaya nung kasama niya.

"Ayaw ko. Nakakahiya. Ikaw nalang." Sagot naman nung unang babae na nakakita sa akin.

"Okay, sabi mo, eh." Sagot naman nung isa na naglakad na palapit sakin.

"C'mon, miss! You better leave! Go away and save yourself!" Sabi ko sa isip ko. Nagsisimula na akong mataranta. Praning kasi si Eve, tiyak kung anu-ano na naman ang iisipin niya.

"Hi." Bati sakin nung babae.

"Oh, hello." Ganting bati ko naman na patingin-tingin sa paligid ko kasi baka mamaya andyan na si Eve.

"Are you waiting for someone?" Tanong niya sakin.

"Ah, yes." Tipid na sagot ko.

"Oh, really? Ahm,npwede ba magpapicture sayo?" Bigla ay tanong ng babae.

"H-huh? S-sure." Nagdadalawang isip na sabi ko. Gusto ko tumanggi kaso andito na, kaya napaoo nlang ako.

"Hey, miss! Can you take us a picture?" Tanong niya sa isang babae na palapit sa pwesto ko.

Nanlaki pa ang mata ko ng makita ko kung sinong babae ang papalapit!

"Anak ng...."

Si EVE!?

"Oh, sure." Nakangiti na sabi niya sa babae. Pero ang sama ng tingin niya sakin.

"Aaaahhh! Lord, please help me!"

May hawak syang frappe, galing starbucks. At isang paper bag ng nike. Bumili pala siya ng sapatos.

Pero nagulat ako ng malaglag ang cp ng babae na gusto magpapicture sakin. At sakto rin na nalaglag ang frappe niya sa binagsakan ng cellphone.

Pero alam ko na di yun aksidente. Sinadya yun ni Eve. Masama nga ugali niya, remember?

"What the f*ck! Anong ginawa mo sa cellphone ko!" Sabi nung babae na agad sinagip ang phone nya sa pagkakalunod sa frappe ni Eve.

"Well." Sabi ni Eve na humakbang papunta sa tabi ko.

"The man you want to have a picture with is my boyfriend." Sabi niya na nag-abresiyete pa sa akin.

"So, ano naman ngayon?" Galit na sabi nang babae.

"Meaning, maghanap ka ng tatabihan at didikitan mo. Coz' walang ibang babae ang pwedeng tumabi sa kanya, maliban sakin." Nakangiti sa sabi niya sa babae.

"And about your phone? Anong brand niyan? Samsung Galaxy V? Tss, pangkalso lang namin yan sa study table, eh. Knight, let's go." Sabi niya na hinatak ako sa braso papunta sa direksyon na palabas ng mall.

"Ang yabang moo!" Sigaw nung babae.

Nakaisang hakbang na si Eve, pero huminto siya.

Nakita ko na napainhale at exhale siya. Sign yun na naiinis na siya.

"Eve, stop." Sabi ko na hinawkan siya sa braso kasi lalapitan na niya yung babae.

"Let me go. Or else, ikaw ang sasamain sakin, tarantad* ka." And I let her go.

Napalunok nalang ako ng laway ko.

"Ano bang inaatungal mo?" Taas kilay na tanong ni Eve sa babae.

Humakbang si Eve ng dalawa, napaatras naman yung babae ng dalawa. Halatang takot rin siya kay Eve.

"P-palitan mo y-yung phone ko." Mahina at utal-utal na pagkakasabi nung babae.

"Magkano ba yan? 2k? 3k?" Tanong ni Eve na kinuha ang wallet niya at tinapunan ng 5k ang babaeng nasa harap nya.

"Ayan, 5k na yan. Sapat ng bayad yan para sa patapon na cellphone mo. Takenote, may pasobra pa yan. Next time na makikita mo ulit ako, dumistansya ka. Kasi baka sa susunod, kung saan nabasa ang cellphone mo, eh dun kita maingudngod. Pulutin mo yan at umalis ka sa harap ko." Sabi pa ni Eve. Nakita ko na nakakuyom ang kamao niya. Galit na siya.

Dali-dali naman na pinulot nung babae ang pera na hinahis ni Eve at agad rin naman na umalis.

"H-hon?" Nanginginig ang boses na tawag ko sa kanya.

Pero hindi siya nagsalita. Humarap lang siya sakin at ibinato ang nike paper bag na dala niya sakin.

"Umuwi ka mag-isa, lets* ka. At wag na wag mo akong susundan, tang-in* ka."  Yun lang at umalis na siya.

"Ano na naman bang nagawa ko?!" Sabi ko sa isip ko habang tinatanaw siya palayo.

Kapag sinabi niya na wag siyang sundan, wag siyang sundan. Kasi mas lalala ang away, may sapok pang kasabay.

My Beautiful Evil GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon