Effort

10 0 0
                                    

Chapter 2

Knight's POV

Ang sarap ng tulog ko tapos biglang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko sa orasan ko, 1:30 lang.

Yung cellphone ko, palagi itong naka-high volume. Para pagtumawag si Eve, maririnig  at masasagot ko kaagad.

"Hello, hon?" Sabi niya sa kabilang linya.

"Hmmm?" Sagot ko naman. Antok pa kasi talaga ako.

"Hon, masakit puson ko." Bigla ay sabi nya.

Doon ay napabalikwas ako ng bangon. Si Eve kasi kapag may masakit sa kanya, kailangan talaga na may titingin.

"Bakit? Meron kaba?" Tanong ko sa kanya.

"Opo. Kaso wala akong napkin." Sagot naman nya.

"Maski isa wala?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Wala po." Sagot naman niya.

Ganito siya kapag may kailangan. Magalang, pero hindi malambing.

"Sige, sandali lang. Nagbibihis lang ako at bibilhan kita sa convinience store." Sabi ko na agad bumangon at dumiretso sa banyo.

"Wag mo na ibaba yung tawag. Saglit lang naman ako." Sabi ko pa.

Agad akong naghilamos at nagbihis. Wala ng toothbrush-toothbrush, pampatagal pa yun.

"Hello, hin?" Tawag ko sa kanya ng mamapagbihin na ako.

"Po, hon?" Sagot niya.

"Konting tiis nalang, ah? Saglit lang ako. Pababa na ko sa parking." Sabi ko sa kanya habang naglalakad papuntang parking lot.

"Opo, hon. I love you po." Sabi naman niya.

Napangiti naman ako.

Parang gusto ko tuloy iwish na sana palagi nalang siyang may dalaw para mukha siyang mabait. Hahaha!

"I love you too hon. Ay, teka. Ano nga palang brand ng napkin ang gamit mo?" Tanong ko.

"Whisper po, with wings. Pakisamahan narin ng panty liner." Mahina parin na sabi niya.

"Okay, sige. Antabayanan mo nalang ako, ah? Endcall ko na ito. Tawag nalang ako kapag nasa tapat na ako ng unit mo." Sabi ko pa.

"Okay po, hon. Thank you." Sagot nya. Yun lang at ibinaba ko na ang tawag.

Agad akong pumunta sa mercury drug. Naisip ko kasi kung sa 7eleven, walang pak ng napkin dun, tingi-tingi lang. Saka kailangan ko rin siya bilhan ng gamot sa sakit ng puson.

"Good morning, sir? Sa inyo po?" Nakangiti na tanong sakin ng pharmacist.

"Ah, miss ano po yung gamot sa sakit sa puson nang mga babae kapag may dalaw? Nalimutan ko po kasi, eh." Nahihiya na tanong ko. Mahina rin ang boses ko habang nagsasalita kasi may dalawa akong kasabay na babae.

Pero matalas yata yung pandinig nung dalawang babae, narinig ata nila yung sinabi ko. Kaya ayun, nagtawanan sila.

"Ah, Buscofan Venus, sir." Nakangiti parin na sabi nung pharmacist.

Nakakahiya to, pero para kay Eve namab kaya ayos lang.

"Ayun! Tama po. Yun nga po yun. Pabili po ng lima." Sabi ko.

"Sir, baka gusto niyo na dito ko na po ipatch yung mga bibilhin niyo. Para po hindi na kayo babalik ulit sa counter?" Tanong nung pharmacist na nakatingin sa dala kong napkin at pantyliner.

"Ah, sige po. Salamat." Sabi ko na isa-isang inabot sa kanya yung pinamili ko.

Sakto na tumunog ang cp ko. Tae! Nakakahiya! Dis-oras na ng gabi pero yung volume ng cp ko nakaoutdoor parin.

"Hello, hon? Oo nabili ko na yung whisper with wings at pantyliner. Ano pa ipapadagdag mo? Chocolate? Okay sige." Sabi kk. At saka ko tinakpat ang mouthpiece ng cp at bumaling sa pharmacist.

"Miss, wait lang po. Magpapahabol po ako ng chocolate." Sabi ko.

"Sure, sir. Hintayin ko po." Narinig ko pa na sagot nung babae.

"Hello, hon? Anong chocolate gusto mo? Kisses? Hershey? Goya? Cadburry? Ah, yung cadburry na oreo? Ilan? 3? Okay, ito hawak ko na. Meron paba? Ah, wala na. Okay sige. Bye. I love you too." Yun lang at binaba ko na yung tawag at agad na pumunta sa counter para ihabol ang 3 cadburry chocolate na request niya.

"Para pala sa girlfriend nya lahat ng pinamili nya. How sweet."

"Sana lahat." Yan yung mga sinabi nung dalawang babae na kasabay ko.

Pagkabayad ko ay malalaki ang hakbang na ginawa ko para makalabas sa mercury drug. Pasakay na sana ako ng kotse ng makakita ako ng fastfood.

Kaya naisipan ko narin na dumaan at ibili siya ng large fries, burger, sundae na pinadagdagan ko nh chocolate. Bumili narin ako ng makakain ko.

Chocolate ang favorite ni Eve. Titikim siya ng ibang flavor, pero chocolate parin ang pinaka masarap para sa kanya.

Nandito na ko sa tapat ng unit nya. Agad ay pinindot ko ang doorbell.

"Coming." Narinig ko na sagot niya galing sa loob.

Pagka bukas ng pinto ay nakita ko siya na gulo-gulo ang buhok, suot ang white na tshirt ko at nakapajama, pero nakatapis ng tuwalya.

"Hon!" Sabi niya na agad yumakap sa akin at hinalikan ako ng smack sa labi.

"Pasok muna tayo." Sabi ko.

Agad naman ay kinuha nya ang mga dala ko.

"Fix yourself. Here's your things. Then, kumain tayo kasi iinom ka ng gamot. Pakisamahan ng konting bilis kasi nagugutom narin ako." Sabi ko na inabot sa kanya yung mga pinabili niya.

"Okay! Thank you so much, hon!" Sabi niya na iniyakap ang dalawang braso sa leeg ko.

"Always welcome my princess." Sabi ko naman na ikinawit ang dalawang braso ko sa bewang niya.

Akmang hahalikan niya ako, pero nagulat ako ng bigla siyang lumayo.

"Yaaaah! Hon, di ka nagtoothbrush?" Bigla ay sabi niya.

"Grabe ka naman! Dahil sa lagay mo kaya minadali ko ang kilos ko, tapos aarte kapa? Hanep, ah?"

"Hmmmp! I'm going to fix myself." Sabi niya sabay talikod at punta sa banyo.

"Hon, kiss ko muna!" Sigaw ko.

"Che! Magtoothbrush ka muna!" Ganting sigaw niya maski nasa loob na ng banyo.

Kakamot-kamot nalang ako sa batok, eh.

LESSON:

Magtoothbrush muna, before anything else. Para may reward na kiss kay girlfriend. Hahaha!

My Beautiful Evil GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon