Chapter 4
Tinatawagn ko sya pero hindi niya sinasagot. Nakailang text narin ako pero wala siyang reply.
Kaya ang ginawa ko pinuntahan ko nalang siya sa condo niya. Dumaan pa ako sa flower shop at binilhan siya ng yellow roses. Yun kasi ang paborito niya. At nawawala ang inis niya pav nakakakita siya ng bulaklak.
Pero nakakailang doorbell na ako wala paring nagbubukas ng pinto.
"Hon, please mag-usap tayo. Alam ko galit ka. Pero kahit na icheck mo pa yung CCTV dun sa mall, makikita mo na wala talaga akong ginawa. Yung babae ang lumapit sakin, kinausap niya ako. Sinabi niya na magpapapicture siya. Hon, yun lang yun. Bukod dun wala na. Kahit tamaan ako ng kidlat ngayon, mapatunayan ko lang na hindi ko kilala yung babaeng yun. Sorry! Sorry kung pinansin ko siya. Sorry! Sorry kung pumayag ako na magpapicture siya sa akin. Honey, I'M SORRY!"
**********
Eve's POV
"Naiinis ako! Sobrang naiinis ako! Kung alam ko lang na may didikitan syang babae, sana sinampal ko nalang sya ng suot kong heels!"
"Punyet* sya, binilhan ko pa man din sya ng Jordan Shoes para late gift ko para sa 15th monthsary namin, pero ganito pa nangyari? Tangina kung alam ko lang, sana pinagsasampal ko sila nung babae ng Jordan Shoes na binili ko. Lets* sila!"
"Tapos yung babae, makadikit kay Knight akala mo linta, di naman kagandahan! Mukha namang chimay! Sinabihan nya pa ko ng mayabang?! Tangina nya! Nako, pasalamat sya nakapag timpi ako, kung hindi baka nakatikim sya ng tadyak sakin."
"Makarequest pa na palitan ko yung phone nya, ang kapal ng mukha! Eh, patapon naman na unit ng cellphone nya!"
"Ito namang Knight na to, isa ring magaling. Nawala lang ako saglit humarot na! Haharot narin lang, dun pa sa babaeng wala pa sa kalingkingan ko, putangin*ng yan!"
Hingal na hingal ako sa galit. Inis na inis kasi ako. Gusto kong basagan ng mukha si Knight. Lintek kasi.
"Tapos tatawag-tawag ka? Ulol! Mapudpod man yang daliri mo kada-dial ng number ko, hinding-hindi ko sasagutin ang tawag mo!" Gigil na sabi ko. Tumawag kasi si Knight.
Tiningnan ko rin ang inbox at nakita ko na andami na rin pala nyang text sakin.
"Che! Sorry-sorry mo mukha mo! Kalalakeng tao, maharot! Punyeta ka! Di kita rereplyan!" Sabi ko saka padabog na nilagay sa loob ng bag ko ang phone ko.
Nandito nga pala ako sa rooftop ng condo unit na kinaroroonan ko.
Dito ko pumupunta kapag mainit ang ulo ko kay Knight. Nakakarelax kasi dito. Saka maganda ang tanawin. Tanaw ang buong city at malamig pa.
Ilang oras narin naman ako na nandito kay napagpasyahan ko na ang bumaba sa condo ko.
Pero sakto na pagbukas ng elevator kung naan ang unit ko ay ito ang eksenang nakita ko:
"Hon, please mag-usap tayo. Alam ko galit ka. Pero kahit ipacheck mo pa yung CCTV sa mall, makikita mo na wala talaga akong ginawa. Yung babae ang lumapit sakin, kinausap niya ko. Sinabi niya na magpapapicture sya. Hon, yun lang yun. Bukod dun wala na. Kahit tamaan ako ng kidlat ngayon, mapatunayan lang na di ko kilala yung babaeng yun. Sorry! Sorry kung pinansin ko sya. Sorry! Sorry kung pumayag ako na magpapicture sya sakin! Honey, IM SORRY!" Sigaw ni Knight habang nasa labas ng unit ko at may hawak na Yellow Roses. Nasa paanan niya pa yung nike paper bag na ihinagis ko sa kanya kanina bago ko siya iwan sa mall.
"Hon, please buksan mo na yung pinto. Kausapin mo na ko." Sabi niya na pinindot pa yung doorbell.
Sa totoo lang napangiti ako. Kasi sa ginawa nyang effort na pagpapaliwanag.
"Ang swerte naman ng nakatira dyan sa unit na yan. Ang sweet ng boyfriend nya." Sabi ng bakla na nasa likod ko pala.
Di ko napansin na may kasunod pala ako.
"Yeah, kaya nga ang swerte ko, eh." Nakangiti na sabi ko sa bakla at dahan-dahan ng humakbang palapit kay Knight.
"Hon?" Tawag ko sa kanya.
Napalingon naman sya sa direksyon ko.
"Hon, hindi kana----." Pero hindi na nya natapos ang sasabihin niya kasi bigla nalang akong tumakbo palapit sa kanya at yumakap.
"Im sorry." Sabi ko habang nakayakap sa kanya.
"Sshh, it's okay. Mahal parin kita kahit na selosa ka." Sabi niya. At naramdaman ko na gumanti siya ng yakap sakin.
"Kung nasa labas ka, sinong pinag-iinartehan ko dito sa labas ng unit mo?" Bigla ay tanong niya sakin ng lumayo ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Aba, ewan ko sayo." Sabi ko na binuksan na yung pinto.
"Shit, hon! Mukha lang akong tanga?!" Padabog na sabi niya.
"Oh, bat nagagalit ka? Ginusto mo naman yan." Sabi ko naman sa kanya.
"Eve El Greco, bat ba ganyan ugali mo!!!!" Bahagyang sigaw na may kasamang gigil na sabi niya sakin.
"Hahahahaha! I love you, honey." Sabi ko nalang sa kanya.
"Tsk! Kundi lang kita mahal, baka sumuko na ko. I love you too My Princess."

BINABASA MO ANG
My Beautiful Evil Girlfriend
Fiksi RemajaHindi ko alam kung ba't sa dinami-rami nang babae sa mundo ay siya pa ang nagustuhan ko. Siya na pinaka sa lahat ng napaka. Napaka taray niya, napaka suplada, napaka maldita at napaka sungit. Lahat ng ugali na panget nasa kanya na. Maganda lang siya...