Sweetness 2

3 0 0
                                    

Chapter 11

Eve's POV

Pagkatapos ng ginawa ni Knight sa stage na eksena ay pumunta kami sa rooftop ng university.

Paborito namin na tambayan to ni Knight, eh.

Kinilig ako sa ginawa niya kanina. Ikaw ba naman ang ipagmalaki ng taong mahal mo sa harap ng buong eskwelahan, hindi ka ba kikiligin na abot sa kabilang side ng mundo? Hahaha!

Mahal na mahal ko tong mokong na to, eh. Kasi puno ng kasweetan sa katawan. Puno ng surprises ang dugo na nananalaytay sa bawat ugat niya.

"Ang sweet naman yata ng girlfriend ko ngayon, ah?" Sabi ni Knight na gumanti ng yakap sakin. Nakayakap kasi ako sa kanya.

Gusto ko lang yumakap sa kanya.

"Luh, di ah? Sweet naman talaga ako, eh." Sagot ko na nagsumiksik sa leeg nya.

May kasweetan rin naman ako sa katawan. Hindi nga lang ladlad. Hahaha!

"Hon?" Tawag ko sa kanya.

"Hmm?" Sagot naman niya.

"Hon, bat ako ang napili mo?" Tanong ko sa kanya. Lumayo ako ng konti at tinitigan siya.

"Ano bang klaseng--"

Pero hindi ko na siya pinatapos. Ito ang nakakainis sa kanya. Imbis na sumagot nalang, sasagutin rin ako ng isa pang tanong. Boljakin ko to, eh.

"Eh, basta sagutin mo nalang. Bat ako ang pinili mo? Samantalang andami naman nagkakagusto sayo, diba?" Sabi ko na kinirot siya ng bahagya.

"Tsk! Hon, naman. Nangingiliti." Sabi niya hinawakan ang kamay ko.

"Ah, nakiliti kapa, ah?" Sabi ko na kiniliti nga talaga siya.

Hanggang sa magkilitian nalang kami.

Si Knight, kahit lalake, malakas ang kiliti sa katawan. Mas madami pa siyang kiliti kesa sakin.

Napagod nalang kami pareho sa pagkikilitian namin, eh.

"Hon, yung sagot sa tanong ko." Sabi ko na yumakap sa kanya.

"Ano nga ulit yung tanong mo?" Pabirong tanong niya sakin.

Ito nakakainis sa kanya, eh. Yung kunwari di nya narinig yung sinabi ko.

Di nalang ako nagsalita. Tiningnan ko nalang sya ng masama, kasama ang pagtaas ng kilay.

"Ito na nga, sasagot na." Sabi niya na parang natakot pa.

Hahaha! Si Knight talaga, minsan under ko, eh.

At dahil doon ay napangiti ako.

Hanggang sa magsalita na sya.

"Eve, dapat di mo na tinatanong yan kasi dapat mula sapul alam mo na." Sabi niya pa na yumakap sakin.

"Huh? Ano yun, di ko gets." Sabi ko na napakunot ang noo sabay tulak sa kanya.

Si Knight, minsan anlalim magsalita. Alam naman niya na slow ako. Pero minsan lang, ah? Wag kayong ano sakin.

"Ano ba naman yan! Simple math cannot be answered!" Sabi niya na napahilamos sa mukha niya.

"Gagu ka pala, eh. Gaganyan ka, eh alam mong slow ako." Sabi ko na hinampas siya.

"Hahaha! Oo nga pala, sorry nakalimutan ko." Sagot naman niya sakin.

Aba't gagu talaga to, eh! Akala ko ibi-build up na ko, hindi pala! Bwiset, eh!

"Che! Tangina ka." Sabi ko at tumalikod na sa kanya.

Narinig ko na patawa-tawa pa sya.

"Kita mo to, bastos talaga." Inis na sabi ko sa sarili ko.

Tapos naramadaman ko nalang na yumakap sya sakin.

"Tapos ngayon, yayakap-yakap. Sikmuraan ko sya sya." Sabi ko ulit sa isip ko.

"Hon, simple lang naman kung bakit ikaw, eh. Kasi ikaw ang mahal ko." Bigla ay sabi niya.

Pigil ang ngiti ko ng mga sandali na marinig ko yun. Nag-aalala ako na baka hindi ko kayanin yung kilig tapos himatayin ako ng nakangiti. Hahaha!

"Kahit ganito ang ugali ko?" Malambing na tanong ko.

"Oo, kasi ganon naman talaga pag nagmamahal diba? Yung mga imperfection ng taong mahal mo, perfect yun sa paningin mo. Kaya nga pag may kinakasal na dalawang tao may: love you at your worst na line, diba? Ganon yun." Mahabang sabi niya.

"Omayghaaad! Puso, dahan-dahan sa pagtalbog. Baka malaglag ka!" Sabi ko sa isip ko.

Hahahaha! Nakakakilig sobra.

"Pano kapag napagod kana sa ugali ko? Eh, di iiwan mo na ako?" Tanong ko pa sa kanya.

At dun ay hinarap nya ako sa kanya. Hinawakan nya ang kamay ko at tiningnan ako diretso sa mata.

"Kung mararamdaman ko yung pagkapagod na sinasabi mo. Sana noong una palang. Sana noong nagsisimula palang tayo. At sana, kung mapapagod rin lang pala ako, di na sana ako nagtake ng risk para ligawan ka. Mahal na mahal kaya kita, Eve. Di mo ba nararamdaman?" Tanong niya sakin.

Habang sinsabi nya yun ay di ko maiwasan na wag maluha. Tagos sa puso yung kilig na nararamdaman ko. Apaw-apaw yung sayang nasa puso ko.

"Nararamdaman. And your love made me realize how lucky I am to have someone like you. At thankful ako. Kasi may ikaw na mahal na mahal ako at di nagsasawang intindihin ako. I love you so much Knight." Naiiyak na sabi ko sa kanya.

"Oh, bat naiiyak pa?" Tanong niya na niyakap ako.

"Ikaw kasi, eh. Grabe ka magpakilig. Di na kinakaya ng puso ko." Tatawa-tawa na sabi ko sa kanya sabay rin ng pagyakap.

"I love you even more, Eve. More and more and more. Tandaan mo parati yan." Sabi niya.

Mahal na mahal ko si Knight. At nakikita ko ang sarili ko na kasama siya sa pagdaan pa ng maraming taon. Nakikita ko ang buhay ko na bubuo ng pamilya kasama siya.

My Beautiful Evil GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon