Stage Performance

7 0 0
                                    

Chapter 9

Eve's POV

Nagtatampo ako kay Knight. Kasi parang nagalit sya sakin nung inunfriend ko yung 100 girl friends niya sa FB.

Pano naman kasi na di ko gagawin yun, eh ang haharot nung mga babae na yun. May pa hi-hi lodi pa sa profile ni Knight. Ngudngod ko sila, eh.

May nakita pa ko na tinawag na crush si Knight. Ito naman si mokong nilike naman yung nagcomment.

May pinusuan pa syang babae na kita ang cleavage, sabi nya aksidente lang. Ulul nya. Ano? Aksidente na tumigas yung thumb nya at napindot ang love logo? Tangin* niya, katwiran ng bobo.

Tapos ngayon, pumasok sya mag-isa. Eh, ang usapan namin sabay kami. Kaya nga dito ko sya pinatulog, eh. Tapos umalis sya na wala man lang paalam. Sa inis ko di na ako pumasok. Bahala syang hanapin ako sa school.

Ngayon nandito ako sa bahay at tahimik na nakaupo sa sala. Bukas ang TV pero wala naman sa isip ko ang pinanonood ko. Palipat-lipat ako ng channel pero wala naman akong magustuhan na palabas.

Hanggang sa tumunog ang phone ko.

"Oh, Charm napatawag ka?" Sabi ko ng sagutin ang tawag. Si Charm, classmate ko.

"Oo, kasi pinatawagan ka ni Mr.Mendez may quiz tayo. At kailangan na kumpleto tayo para di na mai-schedule sa ibang araw kasi team building na natin next week diba? Busy na daw lahat sa araw na yun." Mahabang sabi niya.

"Huh? Ganon ba? Sige papasok ako." Sabi ko na agad binaba ang tawag.

Kailangan na makaattend ako ng quiz na yun, kasi malilintikan ako ni Mama pag nalaman niya na may napalagpas akong quiz.

Dalidali na naligo ako at nagsuot ng uniform. Di na ako nagmakeup. Liptint lang at face powder, saka blinower ko nalang yung buhok ko.

Nasa parking na ako ng tumawag ulit si Charm.

"Hello, Charm? Oo, papasok nga ako. Nasa parking na ko. Sige, bye." Yun lang at end call na.

Pagkasakay ko ng kotse at agad na pinaharurot ko, kailangan na di ako malate.

SA SCHOOL:

Tumawag na naman si Charm.

"Hello, Charm? Oo nasa parking na ko ng school. Saka bat ba madaling-madali ka, eh breaktime pa naman." Sabi ko na tumingin sa wrist watch ko.

12:05 palang. 1pm pa start ulit ng klase.

"Eh, wala naman. Inaalala ko lang na baka di ka makaabot." Sabi nya.

"Oh, sige na." Sabi ko saka inend ang tawag.

Pansin ko kahit breaktime ay walang mga estudyante na nagkalat sa school. Pero dedma lang. Naglakad na ko papunta sa room ko.

Habang naglalakad ako ay napatingin ako sa Covered court.

"Ah, kaya naman pala walang naglilisawan na estudyante sa school nandito halos lahat." Sabi ko sa sarili ko.

Andami kasing estudyante na nagsisiksikan sa court.

"Breaktime naman, baka pwedeng makiusyoso saglit." Sabi ko na naglakad na papunta sa court.

Habang naglalakad ako papalapit sa court ay naririnig ko na ang bulungan.

"Nako, si Eve El Greco. Tumabi na tayo." Sabi ng isang babae na nakasalamin.

Oo, sikat ako sa school na to gawa ng katarayan na taglay ko. Lahat ng estudyante ay iwas sakin.

"Hala, be si Eve!"
"Nako si Ms. Taray."
"Tabi na."
"Nako ayan na sya."

Ilan lang yan sa sari-saring narinig ko habang ngaglalakad ako papunta sa court. Di man ako mag-excuse ay nagbibigay na sila ng daan. Ganyan sila katakot sakin.

"Ang swerte niya parin at sya ang girlfriend ni Knight kahit ubod siya ng taray."

"Oo nga. Buti hindi napapagod si Knight kahit andama ng ugali nya."

"Mabait kasi masyado si Knight, eh."

Rinig ko pa na sabi ng iba. Pero syempre, kung may panget na comment na tungkol sakin, may magaganda rin naman.

"Ayan na si Eve! Grabe, kahit nakaliptint lang ang ganda nya parin."

"Bagay na bagay sila ni Kuya Knight."

"Almost perfect na si Ate Eve, noh?"

"Pero sana mabait sya."

"Di naman masama ugali nya, totoo lang talaga sya magsalita. Yun na sya, eh. Anong magagawa natin. Di naman sya pinanganak para iplease tayong lahat."

Di ko alam kung bat napangiti ako. Nakakatuwang isipin na maski masama ang ugali ko may ilan parin pala na gusto ako. Na humahanga sa ugali na meron ako.

Hanggang sa makarating ako sa unahan.

"Ano nga kayang meron? May live band ba ang school? Next week pa ang team building bat may paganyan na?" Sunod-sunod na tanong ko sa isip ko.

Hanggang sa mula sa side ng stage ay umakyat ang grupo ni Knight. Ang Guligolz.

Guligolz ang tawag sa banda nila Knight. Oo, may banda sya. Sya ang lead vocalist. Nilalaban rin sila sa battle of the band.

"Ah, baka may performance sila sa team building. Practice siguro to." Sabi ko sa isip ko.

"Hi sa lahat ng nanonood. Lalo na sa babaeng nasa harapan ngayon. Girlfriend ko yan, si Eve El Greco." Bigla ay sabi ni Knight sa mic.

Napataas nalang ang kilay ko. Ano na naman kayang pakulo to.

Saka di ako kinikilig. Di pa kami okay, noh. Iniwan nya ko kanina sa bahay. At umalis sya ng walang paalam.

Tapos ay nagsimula na silang tumugtog.

My Beautiful Evil GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon