The Proposal 3

4 0 0
                                    

Chapter 18

Knight's POV

Oo, sinadya ko na hindi gisingin si Eve. Kasi gusto ko talagang malate sya.

Kasi may inaayos ako. May inihahanda ako para sa kanya. Alam ko na medyo magugulat at maiiyak sya sa gagawin ko, pero okay lang, alam ko naman na sa bandang dulo matutuwa rin siya.

Pinasara ko ang buong gym, pinababa ko lahat ng tapalodo both side para maging madilim. Saka ko pinalagyan ng mga ilaw. Christmas light na maliliit, mula sa entrance gate hanggang sa gitna. Ang gusto ko kasi habang humahakbang sya magkakailaw.

Nagpalagay rin ang  ako ng mga balloons na malalaki na sa may laylayan ay may mga pictures namin.

Sa gitna ay paheart shape na ilaw naman. Tapos kapag bumukas na lahat ng ilaw, saka nya makikita yung mga saksi sa proposal ko.

Yes, proposal. Tutal naman pagraduate na kami, tiyak na pwede na kaming magpakasal, diba?

Yung mga magulang nya at magulang ko? Nakausap ko na. At alam nyo kung ano ang maganda? Pumayag sila.

"Pare, andito na si Eve." Sabi ni Greg.

"Okay, sabihan mo na si Seven na hatakin si Eve papasok." Sabi ko naman na nasa gilid ng stage.

"Copy." Sabi nya at umalis na.

Ilang saglit ay:

"BLAG!" May lumagabog at nakita ko na nakasara na ang entrance gate.

"Hoy! Ilabas mo ko dito!" Sigaw ni Eve. Tahimik na sa labas, tiyak napatahimik na ni Seven at Florence.

Takot si Eve sa dilim, kaya alam ko na takot na takot na sya.

"Im sorry, Hon. Pero saglit lang naman to." Sabi ko sa isip ko.

"Kung sino ka man na nagpasok sakin dito, utang na loob! Buksan mo tong gate!" Malakas na sigaw niya.

Naaawa ako, malamang kasi girlfriend ko yan, eh.

"Tangina mo, buksan mo to!" Paos na nasigaw niya. At nagsimula na syang umiyak.

"Knight, Help!?" Sigaw niya sa pangalan ko. Kahit madilim ay nakita kong napaupo sya at nakatakip ang kamay sa mukha.

"Pleaseee, Hooooon!" Paos na sigaw niya.

Di na ako nakatiis. Tinawag ko na siya.

"Eve." Pero di siya natitinag.

"No." Mahinang sabi niya.

"Eve." Tawag ko ulit.

"No! No!" Malakas na sabi niya.

"Hon?" Tinawag ko na siya gamit ang tawagan namin.

"Hon?" Dinig ko na sabi rin nya na nag-angat ng mukha.

Pag-angat ng mukha nya ay saktong nagsindi na ang mga ilaw na diretso papunta sakin.

Agad syang tumakbo at ng makalapit ay agad akong niyakap kasabay ng pag-iyak.

"I-I hate you. Why you took s-so long?" Umiiyak na tanong niya sakin sabay ng mahihinang hampas sa dibdib ko.

"Ssshhh, ang importante nandito na ako." Sabi ko na hinimas ang likod yan.

Guilty ako ng bahagya kasi napaiyak ko sya sa takot.

"K-kahit na." Sabi nya pero yumakap naman sakin.

Napangiti naman ako. Di ako gumanti ng yakap sa kanya.

"Bat andilim parin? Bat itong maliliit na ilaw lang ang bukas?" Di nagtagal ay tanong niya sakin habang nagpapahid ng luha.

"I just want to show you something." Sabi ko.

"Show me something? Dito sa dilim? Pagdaka ay tanong niya sakin.

"Yeah." Mahina at matipid na sagot ko. Tapos au namatay na ang mga maliliit na ilaw.

Humakbang ako palayo sa kanya at pumunta sa gitna.

"Knight?!" Malakas na tawag niya sakin.

"Calm down, Eve." Im here." Sabi ko.

Saka bumukas ang spotlight at tumama sa kanya.

"Where?"

Pero di ko siya sinagot.

"Eve, may sasabihin sana ako." Sabi ko nalang.

"A-ano?" Utal na tanong niya. Alam ko na kabado siya. Kasi nanginginig ang boses nya.

"Eve, ayaw na kitang maging girlfriend." Bigla ay sabi ko.

Ilang minuto siyang tahimik.

"A-are you serious?" Utal-utal na tanong niya.

"Yes, Eve. I dont want you to be my girlfriend anymore."

"B-but why? A-anong nagawa ko?" Umiiyak na natanong nya.

"K-kagabi diba okay lang t-tayo? P-pero bat ngayon ganito na?" Sabi niya pa.

Nakita ko na umiikot sya sa spotlight at tinatanaw ako. Alam ko na di sya aalis sa ilaw kasi takot nga siya sa dilim.

"Knight, answer me!" Sabi niya pa.

Pero di parin ako nagsasalita at tinitingnan ko lang sya.

"W-wag ganito, please." Hagulgol na sabi niya. Sabay takip ng mukha at iyak ng malakas.

Napahilamos ako sa mukha ko. Tangina nakakaguilty tong ginagawa ko. Di ko pinapaiyak si Eve, ngayon lang.

"Knight, please sumagot ka." Tanong niya na umiiyak parin.

At bigla ay nagsalita ako.

"EVE, I DONT WANT YOU TO BE MY GIRLFRIEND ANYMORE, COZ I WANT YOU TO BE MY WIFE." Sabi ko sa mic. Nasa likod ko na to kanina pa.

At dun ay narinig ko na nagtilian na sa labas. Bigla ay umangat ang mga trapal at bumukas narin ang entrance gate kaya mula sa labas ay nakita na kami.

Bumukas narin ang mga ilaw at ang spotlight at tumutok na sakin.

Kaya nakita na ni Eve ang mga balloons. Pati lettering sa stage na WILL YOU MARRY ME.

"Eve, I want you to be my wife. I want to spend my whole life loving you. Only you. So, please marry me." Sabi ko na dinukot sa bulsa ko ang singsing.

At si Eve? Halatang gulat na gulat sya. Napatakip pa siya sa bibig niya. At napaiyak sa saya.

Ilang minuto na tahimik ang lahat at naghihintay ng sagot niya.

"Gusto mo bang ligawan pa ulit kita para pakasalan mo lang ako?" Tanong ko sa kanya.

"Magtanong ka nga ulit." Sabi niya.

Dun ay napangiti ako. Sign na to.

"Eve, Will you marry me?" Tanong ko ulit.

"YES! YES, KNIGHT! YES!" Sigaw niya habang umiiyak.

Sa tuwa ko dahil sa narinig ko na sagot nya ay napatakbo ako palapit sa kanya.

Paglapit ko ay agad kong isinuot ang singsing sa kanya.

Pagkasuot ay agad ko siyang niyakap. Nakakahiyang aminin pero naiyak ako sa saya.

"I love you." Sabi ko sa kanya.

"I do love you more!" Sagot niya at siya na ang humalik sakin.

My Beautiful Evil GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon