Sweetness

5 0 0
                                    

Chapter 11

Knight's POV

Pagkatapos ng semi performance ko kasama ang mga kabanda ko ay napansin ko na panay ang yakap sakin ni Eve.

"Ang sweet naman yata ng girlfriend ko ngayon, ah?" Sabi ko na gumanti rin ng yakap sa kanya.

"Luh, di ah? Sweet naman talaga ako, eh." Sabi niya na nakasiksik sa leeg ko. Nasa rooftop kami ng school. Nakaupo kami sa bench na nandito ay nakayakap si Eve sakin.

Di nalang ako nagsalita. Napangiti nalang ako. Oo, sweet siya. Kaso bihira.

"Hon?" Di nagtagal ay tawag niya sakin.

"Hmm?" Sagot ko sa tawag nya.

"Hon, bat ako ang napili mo?" Tanong niya sakin na lumayo ng konti at tiningnan ako sa mukha.

"Ano bang klaseng--"

"Eh, basta sagutin mo nalang. Bat ako ang pinili mo? Samantalang andami naman nagkakagusto sayo, diba?" Sabi niya pa na may kasamang mahinang kurot.

"Tsk! Hon, naman. Nangingiliti." Sabi ko na hinawakan yung kamay niya.

"Ah, nakiliti kapa, ah?" Sabi niya na kiniliti nga talaga ako.

Hanggang sa magharutan kami. Mga ilang minuto rin ang tinagal. Hanggang sa mapagod kami pareho katatawa.

"Hon, yung sagot sa tanong ko." Sabi niya pa na yumakap ulit.

"Ano nga ulit yung tanong mo?" Pabirong tanong ko sa kanya.

Di na sya nagsalita, bagkus ay tiningnan nya ako ng masama.

"Ito na nga, sasagot na." Sabi ko na kunwari ay nagpaawa effect pa.

At nakita ko na ngumiti sya. Abnormal talaga. Bilis maka bipolar. Hahaha!

"Eve, dapat di mo na tinatanong yan kasi diba dapat mula sapul alam mo na." Sabi ko na yumakap sa kanya.

"Huh? Ano yun, di ko gets." Sabi niya na tinulak ako na napakunot pa ang noo.

"Ano ba naman yan! Simple math cannot be answered!" Sabi ko na napahilamos ng kamay sa mukha ko.

"Gagu ka pala, eh. Gaganyan ka, eh alam mo ng slow ako." Sabi niya na hinampas ako.

"Hahaha! Oo nga pala, sorry nalimutan ko." Kunwari naman ay sang-ayon ko sa kanya.

"Che! Tangin* ka." Sabi niya na lumayo at tumalikod sakin.

Tatawa-tawa ako na lumapit at nagback hug sa kanya.

"Hon, simple lang naman kung bakit ikaw, eh. Kasi ikaw ang mahal ko."

"Kahit ganito ang ugali ko?" Tanong niya pa.

"Oo, kasi ganon naman talaga pag nagmahal diba? Yung mga imperfection ng taong mahal mo, perfect yun sa paningin mo. Kaya nga pag may kinakasal na dalawang tao may: love you at your worst na line, diba? Ganon yun."

"Pano kapag napagod kana sa ugali ko? Eh, di iiwan mo na ako?" Tanong niya pa.

Sa tanong nya na yun ay ihinarap ko siya sakin. Hinawakan ko sya sa kamay at tiningnan ko siya diretso sa mata.

"Kung mararamdaman ko yung pagkapagod na sinasabi mo. Sana noong una palang. Sana noong nagsisimula palang tayo. At sana, kung mapapagod rin lang pala ako, di na sana ako nagtake ng risk para ligawan ka. Mahal na mahal kaya kita, Eve. Di mo ba nararamdaman?" Tanong ko sa kanya.

"Nararamdaman. And your love made me realize how lucky I am to have someone like you. At thankful ako, kasi may ikaw na mahal na mahal ako at di nagsasawang intindihin ako. I love you so much, Knight." Naluluha na sabi niya.

"Oh, bat naiiyak pa?" Sabi ko na niyakap siya.

Ito yung isang nagustuhan ko sa kanya. Pagsinasabi nya ang laman ng isip nya, o maski puso ay di nya naiiwasan na wag mapaluha. Ako lang ang nakakakita ng side nya na to. At masasabi ko na ang swerte ko kasi nakikita ko bawat patak ng luha nya.

"Ikaw kasi, eh. Grabe ka magpakilig. Di na kinakaya ng puso ko. Haha!" Tawa-tawa na sabi niya sabay pagganti ng yakap sakin.

"I love you even more, Eve. More and more and more. Tandaan mo parati yan." Nakangiti na sagot ko sa kanya.

My Beautiful Evil GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon