Chapter 22: "Club Day Practice"

26 0 0
  • Dedicated kay Nheslyn Armada Tuazon
                                    

Chapter 22: “Club Day Practice”

> Elaine’s POV <

July 29, Monday

Homeroom naming at pumunta si JP sa may platform dahil may i-a-announce daw siya.

“Okay... As you all know, Club Day na sa Thursday kaya wala tayong klase sa mga susunod na araw...”

Biglang naghiyawan ang buong klase.

YESSS. Thank goodness. Magkakaroon na rin ng break from all that studying.

Anyway, ang mga clubs dito sa school ay nahahati sa tatlong department—Academic, Arts, and Sports. At ang Club Day ay isang event para sa lahat ng clubs sa school. Mayroong booths, games, at shows kaya medyo nakaka-excite.

“Uy, M—Megaphone... Anong club nga pala sinalihan mo?” tanong bigla ni Adrian. Tinitigan ko siya ng masama at kinurot sa braso.

“ARAY! ANO NA NAMAN BA?!” sigaw niya.

“Tama bang tawagin mo akong ‘Megaphone’?!”

“Bakit ba?! Totoo naman eh. Ang lakas kasi ng boses mo!”

Sa inis ko pinaghahampas ko ng libro si Adrian.

“Hoy hoy hoy... Kayong dalawa tigilan niyo na yan. Ang aga aga LQ agad kayo.” suway ni JP kaya tumigil na ako.

“Amazonang baliw...” bulong ni Adrian.

Tsk! NARINIG KO YUN AH!

Tumayo ako at kinuha yung gamit ko para makalayo na ako sa kumag na ‘to. But before I went out, I turned and purposely hit that Monkey’s face with my bag.

Hmp. Buti nga sa’yo.

Then I left.

Hey, don’t get me wrong, hindi naman ako ganun kababaw. It’s just that... I want... I—I want him to be nice to me. That’s all. Pero kahit na minsan na lang kaming mag-away, nakakainis pa rin talaga siya. Haaay.

Dumiretso ako sa caf at naabutan ko doon sina Carlo, Anthony at Rex. Si Carlo kumamakain, si Anthony naman nagsusulat at si Rex ay nagi-gitara.

“Oy Baby girl... Gusto mong kumain?” alok ni Carlo sa akin at nagdadabog akong umupo sa katabing upuan niya.

“Oh, anong problema?” tanong ni Rex.

“Wala naman. Anyway, sabay na lang tayo mamaya pumunta sa music room, ha Seii-chan?” sabi ko kay Rex at tumango naman siya.

“Eh? Music club ka rin pala Baby Girl?”

“Ah, yeah. Eh kayo?”

Ngumiti si Carlo, “Basketball nga di ba? Si Tony naman walang club.”

Ayy. Oo nga pala. Kasama nga pala siya sa basketball club. Pero bakit...

“Bakit si Anthony walang club?” tanong ko.

“Student council kasi siya. Silang dalawa ni JP. Vice president si JP tapos Treasurer si Tony...” paliwanag ni Rex.

Weehh? Si Anthony... kasama sa student council?!

“Di nga? Seriously?” gulat na gulat na tanong ko. Bigla namang tumawa si Carlo.

“Ahahaha... Di mo talaga alam? Ang weird mo rin ah...”

“Sorry naman ah?” tapos tumawa siya.

“Shhh. Wag nga kayong maingay. Di ako makapag-concentrate...” galit na sabi sa amin ni Anthony.

Aishiteru, My Princess: &quot;Forever and Always&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon