Chapter 23: "Club Day"

22 0 0
  • Dedicated kay Marielle Custodio
                                    

Chapter 23: “Club Day”

> Adrian’s POV <

July 30, Thursday

“Hoy... Nakita nyo ba si Elaine?” tanong ko dun sa mga babaeng ka-org ni Elaine. Tinitigan lang nila ako na para bang nakakita sila ng multo.

“Ano ba?! Tinatanong ko kayo!” sigaw ko.

“Hi—hindi namin siya nakita eh. Sorry...” takot na sagot nung isa.

“Tss... Sasagot rin pala. Hinintay pang sumigaw ako...” bulong ko at naglakad palayo.

Club Day na at sobrang daming tao sa campus. Nagkalat ang mga estudyante, mayroong ding mga bisita at mga taga ibang school. Ang masama pa, wala akong kasama kasi busy lahat yung mga mokong. Ako lang ang walang gagawin (Syempre, apo ako ng may ari. Alangan namang payagan kong utus utusan lang ako diba?). At kanina pa ako palakad lakad sa school quad dahil hinahanap ko si Elaine.

Saan na naman kaya nagsususuot ‘tong babaeng to?! Kung kelan hinahanap tsaka wala... Tss... May ibibigay pa naman sana ako.

Biglang tumunog yung phone ko at sinagot ko naman ito.

“Busy ako. Sino ka ba?”

[Whoa. Chill. Dri, JP ‘to. Saan ka na ba? Nandito kami nina Tony at Carlo sa school gym. Dito mangyayari yung ceremony. Bilisan mo... Magsisimula na yung program.]

“Ah. Sige. Papunta na ako...” binaba ko yung telepono at dali daling pumunta sa gym. Nakita ko sina JP sa may entrance.

“Dri! Saan ka ba galing?” tanong ni Carlo.

“Ha? Bakit?”

“Pre, kanina ka pa hinihintay ni Elaine dito. Nag-text siya sa’yo. Di mo ba na-receive?” sabi naman ni Tony.

I checked my phone and saw that I have 16 new messages. And they were all from Elaine.

Oh. I didn’t notice.

“Ahh... Busy siguro ako masyado kanina kaya hindi ko napansin...”

“Anyway, tara na sa loob. Magsisimula na yung opening ceremony.” pag-aya ni JP at pumasok na kami sa loob.

Sobrang daming tao sa loob ng gym. Nakaangat yung basketball rings sa magkabilang dulo ng court at may nakatayong stage sa far end ng gym. Marami namang nakasabit na ballons, banderitas at kung anu-ano pang kaartehan. May mga lightings pa nga eh, akala mo tuloy party.

Aishiteru, My Princess: &quot;Forever and Always&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon