Chapter 4: "The Heartthrobs"
JP and I walked together papuntang cafeteria and for some reason, tinititigan kami ng mga tao... Bakit na naman ba?!!!? Haaayy...
Pagdating sa caf, napa-WOW ako. As in WOW talaga...
Parang hindi siya cafeteria, parang cafe lang ehh. Yung walls are made up of glass, and since nasa top floor yung caf, kitang kita yung buong campus. May veranda pa dun. Yung mga tables naman ay round tables na may 6 chairs each tapos may umbrella pa para may shade... Parang starbucks lang. Pang rich kid yung school ehh.
Pumila na kami ni JP sa may counter para bumili ng pagkain. Then all of a sudden, parang dumami yung tao sa paligid namin. And worse, pinagbubulungan pa ata kami.
"Uy, si JP yon di ba?! Sno yung kasama niya?!! A--"
"Oh My God! May girlfriend na si JP my loves?!!"
"Hindi naman siya maganda. She looks... PLAIN--"
WHAT ARE THEY SAYING??! Ako? Girlfriend ni JP? I have two words for them: NO WAY! Kahit gwapo ‘to I’d never wish to be his girlfriend. Tapos nagbubulungan pa sila eh ang lakas lakas naman ng boses nila. Ano kaya yun?
"Wag mo na lang silang pansinin. Just follow me and you'll be fine," sabi ni JP tapos bigla niya akong kinindatan... >.<
JP! Wag kang ganyan! Lalo akong pag-iinitan nitong mga ‘to eh. -___-
*BZZT*
I looked at my phone...
1 new message recived
I opened the message...
From: Jam
Bhe... nsa cafeteria na aq... San knb?
Hinanap ko si Jam... Then I spotted her malapit sa may veranda. Kinawayan ko siya but she looked shocked and confused. Pabalik balik yung tingin niya sa aming dalawa ni JP. Papalapit na kami sa table nila, may kasama siyang mga babae, classmate niya ata.
I was about to sit down sa table nila pero biglang hinawakan ni JP yung kamay ko. Napatingin ako at lahat ng tao sa cafeteria kay JP... Ano na naman bang trip nitong lalaking to??! I suddenly got the feeling that I was being stared at.
"Ooopps! Hindi tayo dyan... “ JP said then he smiled... "Dun tayo oh," tapos tinuro niya yung mga table sa may veranda.
"Halika na...” sabi niya habang hinila niya ako papunta sa may veranda. TAKE NOTE: Hawak pa niya yung kamay ko. Tumingin ako ulit kay Jam para humingi ng tulong. Pero mukhang she was so shocked. Apparently, EVERYONE in the cafeteria was shocked.
JAAAAAAAM! HEEEEEEEEELLLP MEEEEEEE!
Lumakad kami papunta sa may veranda. May tatlong round tables doon na kagaya ng nasa loob ng cafeteria. One of the tables was occupied by three guys...
Yung isang guy, malakas yung dating pero mukhang playboy, nakabukas yung polo niya so kita yung white shirt nyang panloob, may suot siyang cross na pendant necklace at nagbabasa siya ng magazine.
Yung isa naman, mukhang palabiro and athletic, mistiso siya, black haired, boy next door ang dating, at may hawak siyang basketball.
I looked at the third guy, I couldn't see his face kasi nakayuko siya at may suot siyang malaking headphones.
"Hey guys!” bati n JP sa kanila. Lumingon yung dalawa pero hindi tumingin yung isa. Pero napansin ko yung lalaki. Siya yung tumulong sa akin kanina nung naligaw ako...
"Hey!” I said habang kinakalabit siya. Lumingon siya sa akin then, he looked surprised. Tinanggal niya yung headphones sa tenga niya at ngumiti... >.<
BINABASA MO ANG
Aishiteru, My Princess: "Forever and Always"
Dla nastolatkówElaine Ramirez, a 17-year-old Fil-Jap (Filipino-Japanese), moves to a new school... She thought she will be fine because she was far away from the person who broke her heart. But then she encounters 5 remarkably hot guys who are THE MOST popular guy...