Chapter 14: "A date with Rex"

35 1 0
                                    

Chapter 14: “A date with Rex”

MUSE: Day 4

June 22, Monday

I had a great day so far. Siguro nga ay excited ako mamaya sa date naming ni Rex. Hindi ko rin alam kung bakit pero, I feel at ease when I’m with him.

After our class, nag-ayos muna ako ng buhok at nag paganda ng konti...

Pagbaba ko ng building naming ay nakita ko agad si Rex, with his blue highlights, in his uniform, ear peicings and naka-sling yung bag niya sa left shoulder niya.

Ampogi niyaaaaaaaaaaaa~! O//////////O

“Elaine!” he called out then he smiled.

“So, where are we going?” tanong ko. Pero nginitian niya lang ako.

“You’ll see…” he said.

Naglakad na kami palabas ng campus. And guess what?

Nag-commute kami! Ahahahahahaha!

We took a bus. And actually, first time kong mag-bus na may ibang kasama except sa family ko. Plus, Rex didn’t tell me where we’re going so I felt really excited.

After fifteen minutes ay bumaba na kami. And we stopped exactly in front of a food joint I really, really love… and its sign written in Kanji.

[a/n: Kanji is a type of Japanese writing.]

A ramen house.

“OH MY GOD! Rex?! We’ll—”

I didn’t even have to finish my sentence, because Rex already nodded enthusiastically. 

“Seriously?!!” hindi makapaniwalang tanong ko.

“Oo nga. Kulit mo talaga.” Natatawang sabi niya.

Niyakap ko siya sa sobrang tuwa. I haven’t eaten ramen since I got back in the Philippines. Hindi ko inakala na sa date ko ngayon ay makakakain ulit ako ng mabango, masarap at katakam-takam na ramen...

“Uhh. E—Elaine? Umm…” mahinang sabi ni Rex. Tsaka ko lang napansin na nakayakap pa pala ako sa kanya.

O_________________O

“Oh. So—sorry. Natutuwa lang talaga ako ngayon… Ehe~” sabi ko.

“Okay lang... Ano, tara na?” nakangiting sabi niya. At pumasok na kami sa loob.

Pagpasok naming sa loob ng ramen house, feeling ko ay bumalik ako sa Japan. May mahabang counter kung saan ise-serve yung ramen at sa tapat nito ay mga mahahabang stool kung saan uupo ang mga customer para kumain. Meron ding mga Japanese paintings at lanterns na nakasabit for decoration kaya parang nasa-Japan talaga ulit ako.

“*Irashaimasen!” bati ng mga staff at ng cook doon pagpasok namin.

[*Welcome!]

Aww… How nice. Even the staffs speak Japanese. Siguro may lahing Nihonjin yung mga tao rito.  ^____________^

“Elaine, anong gusto mo?” tanong ni Rex nang makaupo na kami.

Tinignan ko yung menu at nag-isip.

WAAAAAHHHH~! Ang hirap pumili! Gusto ko lahat ehhh~!

“Rex, pano ba ‘to? Gusto ko siyang kainin lahat eh…” bulong ko at tumawa naman si Rex.

“Gusto mo bang i-order lahat?” natatawang tanong niya. At napa-nganga nalang ako sa sinabi niya.

“Of course not! Nakakahiya noh! At tsaka baka tumaba ako!” inis na sabi ko. At tumawa na naman siya sa akin.

Aishiteru, My Princess: "Forever and Always"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon