Chapter 17: “The Announcement”
> Carlo’s POV <
June 23, Tuesday
Yes! Bukas makakadate ko ulit si Baby Girl. Umatras na si Anthony baka daw magalit yung girlfriend niya.
Ayos di ba? Kahit ako nagulat nung malaman kong may girlfriend siya. Nagkabalikan kasi sila ni Gryneth, yung ex niya.
So, anyway… Ako na ang makakadate ni Elaine bukas. Bwahahaha…
Pagkatapos ng klase naming ay pumunta kami sa bahay ni JP para maglaro ng xbox…
“Hay. Ano kayang nangyayari sa date nila Dri ngayon?” tanong ko…
Bigla namang tumawa nang malakas si JP.
“Bakit?”
“Wa—wala… Wala naman…”
“Eh kayo, kamusta date niyo kasama si Baby Girl?”
“Okay lang…” sagot ni Anthony.
“Mine went pretty great. Masaya kasi kasama si Elaine. Hindi ka mabo-bore…” sabi naman ni JP.
“Oo nga eh… Sobrang ganda pa niya tsaka sobrang bait…” sabat ko.
Tapos lahat kami napatingin kay Rex na busy sa paglalaro…
“Eh ikaw Rex?”
Lumingon sa amin si Rex at ngumiti…
WHAT THE—Si Rex… NGUMITI????!!
O_______________________O
Nilapitan siya ni Anthony at ginulo yung buhok nito… Tapos pinagbatuk-batukan…
“Ayos ‘to ah! May ngipin ka pala! Ngayon ka lang ganito ahh… may maganda bang nangyari? Gusto mo na ba si Elaine? Ha??” sabi ni Anthony.
Natigil ako sa sinabi ni Tony…
“A-ha-ha… Ang lakas mo talagang mag-joke Tony. Malamang hind gusto ni Rex si Elaine no! Aha-hah-aha— —”
“Paano kung gusto ko nga siya?” biglang sabi ni Rex. Natahimik kami bigla… Tapos tumayo si JP at ngumiti.
“Then, may the best man win…” sabi niya.
WHAT?! PATI SI JP??!! NAKU NAMAN OH!
“O—oy! Akin lang si Baby Girl!” protesta ko…
“Ok then.” Sabi ni JP at lumabas ng living room…
Abaaaa! Gusto niyo ng gulo?! Sige lang!
June 24, Wednesday
Lunch break… Sabay sabay kaming pumunta nina Rex at Tony, kasama si Gryneth, sa cafeteria. Pagkabili namin ng pakain ay pumunta na kami sa usual seat naming at nakita naming si JP doon…
“Si Dri? Si Baby Girl?” tanong ko sa kanya…
“Di ko rin alam. Sabay silang lumabas ng roon kanina. I haven’t seen them…”
Umupo nalang kami at kumain…
Nasaan na si Baby Girl ko?
Maya maya ay dumating na si Elaine.
“Yo Baby Girl! Saan mo gustong pumunta mamaya?” tanong ko.
“Uhhmm… Carlo… So—sorry… I… I can’t go on a date with you…”
“Ha? BAKIT?!”
“Uhmm… kasi… kasiii…” she stammered…
Kasi…. ANO??!! Anong problema??
BINABASA MO ANG
Aishiteru, My Princess: "Forever and Always"
Teen FictionElaine Ramirez, a 17-year-old Fil-Jap (Filipino-Japanese), moves to a new school... She thought she will be fine because she was far away from the person who broke her heart. But then she encounters 5 remarkably hot guys who are THE MOST popular guy...