February 23, 2020"Andito ako ngayon sa inyong mga harapan upang ibalita sainyong sa unang pagkakataon, ipapamalas ko na sainyo ang aking talento sa pagsusulat pagtapos nang matagal niyong paghihintay sa loob ng limang taon." wika ni Eunica na nasa harapan ng libo-libong taong sumusuporta sakanya dahil sa galing niya sa paggawa ng tula.
"Handa na po ba kayong sumagot ng mga katanungan mula sa Twitter at mula sa piling taong nasa harapan niyo ngayon, Miss Eunica?" tanong ng host sa kaganapan ngayon.
Isa itong espesyal na araw para kay Eunica dahil ngayon lamang siya humarap sa publiko paglipas ng 5 taon na pagkilala sakanya bilang isang magaling na manunulat.
"Handa na ako." sagot niya na bakas ang kasiyahan sa kanyang mukha dahil hindi siya makapaniwalang nasa harapan siya ngayon ng libo-libong tao. Noon ay isa lamang itong pangarap para sakanya, ngunit ngayon ay unti-unti nang natutupad ang mga ito.
"Magsimula po tayo sa mga katanungan mula sa Twitter. Unang katanungan, 'Bakit niyo po naisipang ibahagi sa lahat ang inyong talento sa unang pagkakataon pagkalipas ng 5 taon?'"
"Una sa lahat, ang aking talento sa pagsusulat ay matagal ko nang nakahiligan simula pa nung bata ako. Maraming beses akong nangamba na baka hindi naman ako magustuhan ng mga tao bilang manunulat. Natakot ako na baka wala namang gustong magbasa ng mga gawa kong istorya at tula ngunit sa paglipas ng limang taong iyon ay napag-isipan kong padami na rin ng padami ang mga taong humihikayat sakin upang ibahagi ang mga likha ko kaya't sa pagkakataong ito ay handa na kong ibahagi ang bawat likha kong istorya" sagot ni Eunica na siyang dahilan upang magpalakpakan ang mga tao.
"Hmm. Dumako po tayo sa pangalawang katanungan mula sa Twitter, 'Ano ang mithiin mo sa pagpapalimbag ng unang libro mo?'"
"Ang mithiin ko sa pagpapalimbag ng una kong libro ay ang maging inspirasyon sana ito sa bawat taong makakabasa nito. Hindi lang ito isang ordinaryong istorya dahil hango ito sa totoong buhay na iniba ko ang ibang pangyayari upang mabigyan ng hustisya ang pagmamahalan ng dalawang tao."
"Huling katanungan mula sa twitter, 'May chansa bang gumawa ka pa ng pangalawang libro?"
"Kung magugustuhan at susuportahan niyo po ang una kong libro ay tiyak na magkakaroon pa ako ng pagkakataong magpalimbag ulit ng panibagong libro kaya't umaasa ako na sana'y tangkilikin niyo ito."
"Miss Eunica, dumako naman po tayo sa mga katanungan mula sa 3 piling tagahanga niyo dito ngayon."
"Hi Miss Eunica ako po si Jayla! Number one fan niyo po ako at isang achievement ang masagot niyo po ang tanong ko. Miss Eunica, ano po ang masasabi niyo sa fans niyo?" Napangiti naman si Eunica sa sinabi ng babaeng nagtanong sakanya nito.
"Unang-una, nagpapasalamat ako sayo Jayla para sa pagsuporta sakin. Natutuwa ako dahil ang daming tao ngayon dito upang masaksihan ang paglabas ko sa publiko. Maraming maraming salamat sainyo, tagahanga man o hindi. Salamat dahil nang dahil sainyo ay nagkaroon ako ng lakas ng loob upang maibahagi ang lahat ng ito. Sana ay huwag kayong mapagod na suportahan ako at mahalin ang mga gawa at isinulat ko. Mahal na mahal ko kayo!" Nagpalakpakan ang mga tao.
"Ako naman po ang pangalawang taong nagkaroon ng oportunidad na makaharap ka ng malapitan at magtatanong. Ako po si Kevin, Miss Eunica. Ang tanong ko po ay, bakit sa dinami-daming kategorya ng istorya, tungkol sa pag-ibig ang napili niyong isulat?"
"Maraming salamat sa katanungang iyan, Kevin. Salamat din dahil nandito ka ngayon. Napili kong magsulat ng istorya tungkol sa pag-ibig dahil alam naman nating sa panahon ngayon ay ulitin mo kabataan, marami nang nagpapabulag sa pag-ibig. Lahat tayo ay dumadaan sa kanya-kanya nating pag-ibig hanggang sa nararanasan natin ang pinakamasasakit na pangyayaring di natin inaasahaan. Kaya sa paraan ng pagsulat ng kwentong ito, gusto kong malaman niyo na ang pag-ibig, minsan ma'y masakit, ito parin ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay sa mundong ito. Matutunghayan niyo sa librong ito ang istorya ng dalawang taong nag-iibigan na minsan naging hiram ngunit pilit kong binigyan ng magandang katapusan para sa isang babaeng nanatili ang pag-ibig sa iisang lalaki lamang kahit na sila nabigyan ng magandang katapusan sa totoong buhay. Nais kong irebisa ang kwento ng buhay nila na sa totoong buhay ay hindi maganda ang kinahinatnan." Nakangiting sagot ni Eunica.
"It seems like you really have an inspiration while writing this story, Miss Eunica." Sabat ng host. At napatango naman si Eunica.
"Ako po si Liana. Ako ang huling magtatanong sayo. Isa niyo rin po akong tagahanga simula nung ika-unang taon niyong sumikat. Ang tanong ko po ay, bakit Hanggang sa Huli ang napili niyong pamagat ng libro o kwento?"
"Maraming salamat sa pagpunta mo dito, Liana. Sa totoo lang, nahirapan akong pumili ng pamagat ng librong ito dahil ang pag-iisip ng pamagat ang isa sa pinakamahirap na pagdesisyunan. Kailangan konektado ito sa kwento. Pinili ko ang pamagat na 'Hanggang sa Huli' dahil ang takbo ng istorya nito'y tumatakbo sa pag-ibig ng isang dalaga sa isang lalaki hanggang sa huli. Wag kayong mag-alala dahil matutunghayan niyo naman ang kanilang kwento kapag bumili kayo at nagbasa ng librong ito."
"Maraming salamat sa inyong tatlo. Mamaya ay may tsansa kayong magkaroon ng litrato kasama si Miss Eunica. At para naman sa huli, magsasalita si Miss Eunica sa nais niyang iparating sainyo bago tuluyang magtapos ang event na ito" wika ng host.
"Magandang hapon po ulit sainyong lahat. Nasa inyong harapan ngayon ay isang manunulat. Ako po si Eunica Buoena, ang manunulat ng librong Hanggang sa Huli. Nagpapasalamat po ako sa pagdalo niyo ngayon sa isang napakahalagang araw ng buhay ko. Salamat sa oras na ibinigay niyo bilang suporta sa akin at sa kwentong isinulat ko. Umaasa akong patuloy ang inyong pagsuporta sa kwento isinulat ko at sana'y hindi kayo magsawa. Mahal na mahal ko kayo at maraming maraming salamat ulit!"
"Salamat, Miss Eunica. At mabibigyan ng pagkakataon ang unang 20 taong nakarating dito kanina. Umakyat na po kayo sa stage."
At pagtapos ng pagkuha ng litrato, agad na nagpalakpakan ang tao at patuloy ng natapos ang event.
BINABASA MO ANG
Hanggang sa Huli (COMPLETED)
Short StoryIkaw at ako, hanggang sa hangganan. Ikaw at ikaw lang hanggang sa huli. Kahit na hindi ako ang iyong huling mamahalin.