Hanggang sa HuliAng Kwento Nating Dalawa (Keiffer & Aliyah)
"Pagkagising ikaw ang bungad, hanggang sa gabi'y ikaw ang nagtatapos ng natatanging hangad." - Aliyah
Aliyah's POV
Nakakasawa na bang subaybayan ang istorya namin ni Keiffer? Masyado bang ordinaryo? Masyadong plain. Masyadong paulit-ulit. Pero paano kung sa dulo nito ay isang emosyon at twist na hindi niyo inaasahan? Handa ba kayong magtiyaga hanggang dulo? Wala pa to sa kalahati ng kwento naming dalawa. Sana'y malaki ang inyong pag-unawa na boring man sa inyong paningin ang aming istorya, hindi naman mapapantayan ang saya mula ng siya ay aking makilala.
Ako nanaman ang napuntirya ng tadhana. Ako nanaman ang napuntiryang panain ni Kupido. Walanjo. Ayoko ng maging tanga ulit. Basta kung anong mangyari yun na yun.
Usual day. Hahanapin si Keiffer. Pupunta sa locker para makadaan sa court kung saan malaki ang chance na makita ko si Keiffer mula sa building nila. Hindi naman ako nabibigo eh. Bakit ba ganun? Parang may magnet? Ang saya saya ko tuwing nakikita ko siya. Parang siya yung nakakaapekto sa mood ko. Natatakot akong mas lumalim pa nararamdaman ko para sakanya. Isa na sa kabaliwan ko ang puntahan ang motor niya at kabisaduhin ang plate number niya. Shocks. ANO BANG NANGYAYARI SAYO ALIYAH?!!
Keiffer: Ate, pabor ka ba sa mga lalaking nagpapaalam muna manligaw sa girl? Diba mararamdaman naman yun ng babae?
Aliyah: Hmm. Magandang magpaalam bunso pero may point ka nga. Mararamdaman naman yun ng girl kung nanliligaw eh. Kaso mahirap ding mag-assume.
Na-realize ko nga lang. Pag nagpapaalam kasi parang takot ma-busted, takot sa rejection unlike sa mga todo manuyo hanggang sa mapasagot yung girl. Infairness, Keiffer ha.
Keiffer: Ikaw ba ate? Sa tingin mo po ba?
Aliyah: Anong sa tingin ko?
Keiffer: Satingin mo ba nanliligaw ako?
OMG! DI AKO READY! Kasi akala ko naga-assume lang talaga ko pero shet naman. Uy ang awkward na. Hanuna besh? Uy uy! Help naman diyan sheteng malupet.
Aliyah: Uhmm.. nanliligaw? Kanino?
Maang-maangan pa more!
Keiffer: Sayo syempre..
Aliyah: Uhm.. siguro? Eh ayoko namang mag-assume.
Keiffer: Ano bang nararamdaman mo?
Aliyah: Uhmm.. siguro? Oo?
Keiffer: Pwede naman siguro diba?
Aliyah: Hmm hala seryoso yan? Pero kaka-break niyo lang ng ex mo..
Keiffer: Edi i-apply natin yung 3 month rule.
Aliyah: Hmm sure ka? Kayo mo? Bakit ako? Dami-daming iba diyan. Magaganda, matatalino, sexy, mas gifted.
Keiffer: Hindi naman yun yung tinitignan ko. Yung personality.
Aliyah: Awie.
Pwede na po akong mamatay Lord! Jusko! Isang Keiffer lang naman ang nanliligaw sakin? Jusmiyo pano na to. My heart, my heart. Kalma lang.
--
A/N: Aliyah, umayos ka ha? Masyado yatang mabilis.
BINABASA MO ANG
Hanggang sa Huli (COMPLETED)
Short StoryIkaw at ako, hanggang sa hangganan. Ikaw at ikaw lang hanggang sa huli. Kahit na hindi ako ang iyong huling mamahalin.