Katapusang Binigyang HustisyaNapakasakit kay Aliyah ng mga nangyari. Ang malayo sa mga taong mahal niya, ang malayo sa lugar na nakasanayan niya, at ang magbago ang lahat sa paligid niya. Bagong mundo para sakanya.
November 2017
Hindi naman nanibago nang husto si Aliyah. Hindi naman siya tulad ng ibang hangad ang sobrang rangyang buhay. Gusto niya lang ng katahimikan at kaayusan.
Nagsimula ng dumating ang mga pagsubok nila sa relasyon ni Keiffer. Sinet-up nung bestfriend ni Keiffer sa ex niya. Sobrang sakit para kay Aliyah dahil pakiramdam niya'y pinagtakluban siya ng langit at lupa. Ang buong akala niya'y maghihiwalay na sila ni Keiffer ngunit nanumbalik ang dati nilang pag-iibigan ni Aliyah.
December 2017
Nagtagpong muli ang mga landas ng dalawa. Isang gabing hindi malilimutan dahil damang-dama muli ang pagkakaintindihan ng dalawang puso. Nagkasama kahit isang oras lamang pero ang pakiramdam ay tila panghabambuhay nang alaala. Muling nagdikit ang mga puso at pinagdikit ang mga labi, bilang simbolong iisa sila at totoo ang kanilang mga nadarama. Iba ang saya, iba ang sigla. Parang langit ang nadarama.
January 2018
Bagong taon para sa dalawa. Nagsimulang mawalan ng tiwala si Aliyah dahil sa pakiramdam niya'y di na siya ganun kamahal ni Keiffer. Normal na ayaw-bati. Mula silang nagkita at nakasama ang guardian ni Aliyah. Iba ang nagagawa ng pag-ibig. Laban kung laban.
February 2018
Dito na nagsimula ang malalang bangayan nila. Nagkasama si Keiffer at ang ex niya sa Palawan. Nagsimula nanamang saktan ni Aliyah ang kanyang sarili. Bumalik sa dating gawi. Pinatawad niya rin agad si Keiffer dahil naniniwala siyang pag mahal mo, patatawarin mo.
March 2018
Nagsimula nang lumabo ang lahat para sakanilang dalawa. Naramdaman na ang kawalan ng gana sa lahat. Sa kadahilanan naring nanggaling si Aliyah Leira sa broken fam kaya may trust issues. Pakiramdam niya ay lagi siyang lolokohin.
April 2018
Napakasakit para kay Aliyah nang manghingi ng space sakanya si Keiffer. Naghabol siya, nangulit, hanggang sa siya na mismo ang magsawa. Ang tagal niyang nag-suffer sa pain. Pero nanatili siyang positibo sa likod ng sakit at pait. Maraming nagbago sakanya ngunit mas natutunan niyang mahalin ang kanyang sarili.
Akala ng lahat, yun na ang huling parte ng kwento nila. Ang pagbinbin ni Keiffer kay Aliyah at ang pagbabalik niya sa ex niya. Pero hindi pala.
Hindi nagtagal, nagkabalikan si Aliyah at Keiffer. Sinubukang magtiwala ni Aliyah at magmahal muli. Nagsisi si Keiffer sa mga maling ginawa niya. Alam naman nilang parehas silang may kasalanan at siya nang nagkapatawaran. Nagkabalikan ang dalawang indenial.
Syempre naunang naka-graduate si Keiffer at natupad ang pangarap maging pulis at pagkaraan ng ilan pang taon, si Aliyah naman ay ganap ng flight attendant.
Akala nila hindi na muling magwo-work ang relationship nila. Ipinagpasa-Diyos nalang yung mga nangyari. Pero nag-propose si Keiffer kay Aliyah sa school nila before kung saan sila unang nagkakilala nung August 30, 2026. August 30 yung araw na nagkakilala sil at nagkausap. Aliyah said yes.
One year preparations. Lahat ay excited. Sino ba namang mag-aakalang, magkakatuluyan sila sa dami ng pagsubok na hinarap nila at sa dami ng mga hadlang sa pag-iibigan nila?
Nagpapatunay lang na hindi porket nagsimula habang bata pa, hindi na magkakatuluyan. Love is really complicated. Hindi mo alam yung mga mangyayari in the future.
October 23, 2027
10 years mula nang magkakilala sila.
At ngayon oras na para mag-isang dibdib ang dalawa.
~
"Keiffer, nagpapasalamat ako sa Diyos kasi ikaw yung binigay niya sakin. Sobrang daming humadlang satin dati at ngayon andito na tayo. Akala ko before nung umalis ka sa buhay ko, tuloy-tuloy na yun. Pero napakalakinh lesson that time sakin na I should love myself first before giving love to other people. Hindi ako perpekto but I promise you na gagawin ko ang lahat to be a better person each and everyday. I want to spend the rest of my life with you habang gumagawa tayo ng pamilya. You're my first true love and akala ko hanggang dun nalang but we're here kasama si God na naging center ng relationship natin. Napakaswerte ko dahil ikaw yung nakasama ko at makakasama ko hanggang sa huli. Wala talagang imposible pag si God yung ginawang sentro ng lahat. Ang sarap sa pakiramdam dahil sa simbahan din pala ang tuloy. Keiff, my love, I promise you na ibibigay ko yung tiwala ko sayo ng buong-buo. Sabay nating haharapin ang lahat, sa hirap man yan o sa ginhawa. Ikaw lang ang aking mamahalin, hanggang sa huli." Panalo yung vow ni Aliyah. Pang-teleserye eh.
"Aliyah, mahal, andito tayo ngayon sa harap ng nasa itaas, kaharap ang maraming taong nakasubaybay ng kwento nating dalawa. Hindi rin ako makapaniwala na aabot tayo sa ganito. Gusto kong magpasalamat sa Diyos dahil ibinigay niya sakin at pinagbigyan ako ng isa pang pagkakataon para maitama lahat. Gagawin ko ang lahat para magkaroon tayo ng masaya at buong pamilya. Alam kong mahirap para sayo ang magtiwala ng lubusan ngunit nagpapasalamat ako dahil sinubukan mo para sa akin. Love, lahat gagawin ko para sayo at sa mga magiging anak natin. Alam kong kakayanin natin kahit pa anong dumating na pagsubok sa atin. My heart and eyes are only fixed on you. Lagi lang tayong mananalig sa Diyos and everything will be alright. Walang bibitaw, mahal. Mamahalin kita hanggang sa huli. Mahal na mahal kita at hinding-hindi kita iiwan." Keiffer's vow.
After 2 years, nagkaroon sila ng baby boy and after another 2 years, biniyayaan naman sila ng babaeng anak. At sa ngayon ay bumubuo sila ng masaya at buong pamilya.
Hanggang sa Huli, pag-ibig parin ang mananaig.
June 02, 2018
BINABASA MO ANG
Hanggang sa Huli (COMPLETED)
Cerita PendekIkaw at ako, hanggang sa hangganan. Ikaw at ikaw lang hanggang sa huli. Kahit na hindi ako ang iyong huling mamahalin.