Hanggang sa HuliAng Kwento Nating Dalawa (Keiffer & Aliyah)
Aliyah's POV
Nagdaan pa ang mga araw na lumalalim ng lumalalim ang nararamdaman ko para kay Keiffer.
October 21, 2017
Intrams ngayon! May defense din sila Keiffer. Gusto ko rin siya makausap. Tuloy na yung pag-alis namin. Ang hirap. Ang sakit.
Nasa isang silid kami sa Junior Highschool Building. Magiging memorable tong room na to. Yun nga lang mixed happiness and sadness. Masaya dahil magkakasama kami ng matagal at makakapag-usap ng mahaba for the first time, malungkot dahil kailangan ko ng sabihin sakanya yung totoong aalis na ko. Lilipat lang naman ng lugar pero sa Quezon City lang. kahit na. Mas mahirap parin.
Napilit lang ako ng mga kaibigan ko kasi wala naman akong planong kausapin si Keiffer. Kaso kailangan eh.
"Uy okay ka lang?" Huhubels. Bakit tila anghel ang nasa harapan ko ngayon.
"Huh? Oo naman. Ikaw ba? Diba may defense ka pa?"
"Okay lang din. Mamaya pa yun. Usap muna tayo." Shocks di ko mahandle to.
"Ow see." Iniwan kami ng mga kaibigan namin. I can feel the pressure sa room na to!
"May sasabihin ka daw sakin. Sabihin mo na po" Keiffer.. ang hirap. Hindi ko kayang tumingin ng direcho sa mga mata mo. Nakakatunaw.
"Hala wala yun. Wag mo ng isipin"
"Bakit ba anlayo-layo ng upuan mo sakin? Hindi naman kita kakainin"
"Ay sorry. Eto na nga po."
"Oh cellphone naman. Akin na yang cellphone. Mag-uusap tayo eh. Pagsamahin natin sila ng phone ko." GEEZ I KENNAT! Bakit ka ba ganyan huhu. Pinagpatong phones namin. Mag-focus daw ako mga besh. So eto ang lapit na namin sa isa't isa.
OMFG! Hinawakan kamay ko. So eto. Intertwined hands at the moment. Halika na kwentuhan na kase tayo. Di ko na carry to.
"Gwapo mo no. Alam mo ba ang hirap saking sabihin tong bagay na di ko inexpect na mangyayari pala talaga. Keiffer, lilipat na kami sa QC. Pinilit kong mag-stay muna ko dito para man lang tapusin yung school year but I failed. Hindi ko agad sinabi kasi umasa akong hindi siya matutuloy katulad ng mga plano before. Naduduwag ako. Kasi ayokong mawala ka sakin." Bakas sa mukha niya yung lungkot na may pagkahalong dismaya. Ang hirap tanggapin. Hindi pa nga rin nagsisink-in sakin. Huling linggo narin namin halos na magkakasama. Wala pa nga kaming label. Aasa pa ba ko?
"Hindi ko alam sasabihin ko sayo ngayon. Kahit naman siguro pigilan kita walang mangyayari diba? Wala tayong magagawa kundi tanggapin nalang kahit na masakit. Hindi naman magbabago trato natin sa isa't isa diba? Payakap nga." Keiffer, mas lalo akong nahihirapan. Gusto kong ilet-go ka nalang kahit wala namang tayo pero bakit ganun? Ang gaan gaan ng pakiramdam ko sayo. Parang nakalutang. Pwede bang ihinto nalang yung oras sa panahong to? Ayoko na kasi siyang mawala sa tabi ko. We're too close to each other. Ang komportable lang tignan. Magkahawak padin yung mga kamay namin. Para bang nagkakaintindihan ang mga puso namin. Then I cried.
BINABASA MO ANG
Hanggang sa Huli (COMPLETED)
Truyện NgắnIkaw at ako, hanggang sa hangganan. Ikaw at ikaw lang hanggang sa huli. Kahit na hindi ako ang iyong huling mamahalin.