Hanggang sa HuliAng Kwento Nating Dalawa (Aliyah & Keiffer)
Ang puso ko'y biglang tumibok ng kakaiba. -Aliyah
Siya nga. Siya nga yung babaeng lagi kong nakikita sa canteen. Naguguluhang isip ni Keiffer.
Magtigil. Di ka nga kilala ni kuyang chinitong gwapong pogi. Ay over sa adjectives. -Aliyah
Bakit kaya siya nahagip sa lente ng kamera ko? -Keiffer
~
Sa paglingon sa lente ng kamera,
Nagbago bigla ang ihip ng tadhana
Sapagkat agad na nagtugma
Ang mga mata at puso ng dalawa.~
Keiffer Paul Mendoza added you on Facebook.
Nabigla si Aliyah ng makita niya ang isang friend request na ito.Shocks! Siya nga si kuyang chinitong gwapong pogi. Yung nagtake ng videos and photos kanina sa room!! Pero pano niya nalaman pangalan ko saka bakit naman niya ko in-add? Malaking palaisipan kay Aliyah kung bakit siya in-add ng lalaking iyon.
Ganda ng pangalan niya. Ang pogi bagay sakanya. Shet ang harot ko may ka-MU akong tao. Oo, yung ka-MU ko nga palang walang pake sakin. Tutulugan ako o di kaya ipagpapalit sa gitara niya. Zzz isip bata kasi. Panglilito ni Aliyah sa sarili niya.
I-accept ko ba friend request niya? Hmp. May girlfriend pala si kuya baka mamaya masangkot pa ko sa kung ano pag inaccept ko. Kaso sayang naman no. Bakit friends lang naman sa Facebook bakit ba. Baka mamaya sabihin pa-fame ako pag di ko inaccept. Saka di naman kami close nun para mag-usap. Wow daming thoughts ni Aliyah.
Aliyah Leira Villanueva and Keiffer Paul Mendoza are now friends on Facebook. Shocks. Taray ni ate mo girl. Pasimple din eh. Zzz. Ingat ka girl, pag gwapo, manloloko. Plus chinito pa. Char! (Eksenadora ang author niyo. Bitter eh)
Keiffer Paul is waving to you! Ay nako readers, kung nakikita niyo lang hitsura ni Aliyah ngayon nako! Daig pa ang fangirl. Samantalang di naman niya kilala si Keiffer. Di ko rin pala siya kilala.
~
Sa paglingon sa lente ng kamera
Kakaibang tadhana na pala ang dala.
Simula na ng bagong kabanata
Sa buhay ni Aliyah Leira.~
A/N: Hi guys! Don't forget to vote and comment sa bawat chapter ng story na to. Di ko mamadaliin na matapos ang story na to. Expect short updates sa Kabanata 1 hanggang Kabanata 15. Shorter updates, more exciting plot twists. Syempre di pwedeng walang twist sa dulo. Pinag-iisipan ko na po ngayon yung pagu-update unlike before 😹 And yes, i-expect niyo na epal si author sa buhay ng mga bida. ;) Thank you guys! I love you ❤️
BINABASA MO ANG
Hanggang sa Huli (COMPLETED)
Short StoryIkaw at ako, hanggang sa hangganan. Ikaw at ikaw lang hanggang sa huli. Kahit na hindi ako ang iyong huling mamahalin.