Epilogo

70 3 0
                                    



Pinagtagpo pero hindi itinadhana ngunit nirebisa ang kanilang istorya upang sa huli ang katapusan ay maging maganda.

Sinubukang ayusin ang kahihinatnan ngunit  tapos na ang pakikipaglaban. Grabe pala ang pag-ibig, lahat hahamakin kahit walang kasiguraduhan sa dulo.

"Grabe pala yung pagmamahal, mauubos ka pag di ka marunong magtira para sa sarili mo. Kailangan marunong kang manindigan hindi lang sa nararamdaman mo kundi narin sa mga pinangako mo sa taong mahal mo. Hindi laro-laro lamang ang pag-ibig. Ang pagmamahal ay minsan siya ring dahilan kung bakit tuluyan na tayong hindi maniniwala sa pag-ibig kung kaya't habang maaga, kailangan nang maghilom ng puso at buuing muli ang sarili nang sa huli, ay piliin parin natin ang magmahal. Isa ito sa pinakamagandang aral sa buhay ko. Buong buhay ko, hindi ko minahal at pinahalagahan ang sarili ko. Laging yung ibang tao ang iniisip ko. Ang pagmamahal pala sa sarili ang pinakamatibay na pagmamahal bago ka magmahal ng iba. Kay Keiffer Paul na aking minahal at minamahal padin naman hanggang ngayon, salamat. Hindi kita susumbatan dahil malaki ang utang na loob ko sayo dahil sa mga bagay na nangyari, bumukas ang aking isipan. Nakita ko ang realidad sa pagmamahal, sa mundo, at sa lahat-lahat. Hindi pala pwedeng ipilit pag ang nakatakdang oras ay iba na ang pihit. Palagi mong tatandaang ikaw parin ang unang minahal ko ng totoo, at siyang pasasalamatan hanggang sa huli." -Aliyah Leira

"Nung una, ginusto kong magkaroon man lang ng maayos na ending yung kwento ni Keiffer at Aliyah. Ginusto kong i-revise yung nangyari sa dulo, gusto kong matuwa lahat ng tao sa ending, magkaroon ng hope na young love can lead to marriage ganun. Hindi ko sinasabing hindi nangyayari yun kaso bigla kong narealize na pinaniniwala ko nalang pala yung sarili ko sa isang kahibangan. Kasi by writing those fantasies, mas lalo lang akong nasasaktan at hindi nakakausad. Life will slap with reality na hindi talaga mangyayari at mapapasayo, kung hindi talaga nakatadhanang mapasayo. Kaya readers, do not lose hope. Always look at the brighter side of life. Pero bilang pangako ko, maglalagay ako ng special chapter para bigyan ng hustisya yung ending. I love you all! Magsusulat lang ako, hanggang sa huli." ~Eunica Buoena



Hanggang sa Huli
June 01, 2018 (7:25 pm)

Hanggang sa Huli (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon