Hanggang sa HuliAng Kwento Nating Dalawa (Keiffer & Aliyah)
Aliyah's POV
"Kay saya ng bawat simula, wag naman sanang paglaruan ng tadhana" -Aliyah
Sa totoo lang binabagabag ang aking isipan. Hindi alam kung anong gagawin. Aaminin ko, sobra nakong nahuhulog sakanya at hindi na basta simpleng pagtingin lang ang nararamdaman ko para sakanya. Mahal ko na siya. Pero sa kabilang side, pakiramdam ko magkakabalikan parin sila ni Celine. Anong laban ko sa relasyon nilang halos mag-2 taon na. Sa relasyon nilang sobrang proud sa buong mundo, travel everywhere, supportive. Takot ako. Takot akong mahulog at mawalan nanaman ng taong minamahal.
Walang bago. Araw-araw si Keiffer parin inaabangan ko. Yun nga lang umiiwas din naman ako. Ayoko ng issues at ayokong mas lumalim pa turing ko sakanya.
Hanggang sa dumating yung araw na nagkakaroon na ng lakas ng loob si Keiffer na lumapit kay Aliyah.
"Aliyah, usap tayo" Hala siya oh. Pero bat andami niyang kasama hmm. Uy wait di ako ready.
"Tungkol saan po?" Ay wow galang ko ba masyado hahaha!
"Makinig ka mabuti. Ganito kasi yan. May kumakalat kasi ngayon na issue sa Grade 12 na kesyo kawawa daw si ate mo Celine kasi nga diba di naman nila alam na wala na kami? Kaya ayun. Tapos yung issue kasi na yung sating dalawa nga. Alam mo naman mga chismis chismis. Napatulan ko nga yung isa ayun umiyak. Nakakainis kasi talaga ate. Naiintindihan mo naman po siguro. Wag ka sanang magpaakto sakanila."
Di ko napigilan kaya heto napatakbo ako sa cr. Ang sakit naman po. Wala pa mang kami ganito na yung nangyayari. Masyadong mabilis. Jusko. Hindi ba talaga ako pwedeng maging masaya? Bakit nga ba ako nagkukulong sa cr? Bakit ako naaapektuhan sa bagay na di naman ako dapat naaapektuhan. Diba alam ko naman na yung susunod na mangyayari? Na hindi naman talaga kami ni Keiffer para sa isa't isa. Na ang layo-layo namin. Hindi pwede maging kami. Hindi kami bagay.
JUSMIYO! Anong ginagawa ng mga tropa niya sa labas ng cr?
"Nagkulong boi"
"Umiiyak yata"
Jusmiyo bakit nasa labas sila? Paano ako lalabas? Alam ko na.
1...2...3..takbo!
"Aliyah!" Aw shet Keiffer.
I really need to escape first. Bakit ba kasi sobrang affected ko.
Buti nalang hindi ako late sa klase dai. Kapagod. Di mawala sa isip ko yun. What if patigilin ko nalang siya? Kasi wala pa man din kami issue na eh. Bakit ba ganun? Lagi nalang akong sagabal. Parang wala akong karapatang maging masaya. Scratching my wrist using staples. Ay husmiyo nakita pa ng bestfriend ko.
"Anong ginagawa mo, Aliyah?" Hala si Yanna! Nubayaaan.
"Wala. Di ko alam. Samahan mo nalang akong bumaba"
UGHHHHH! DI AKO MAPAKALI! So eto bababa ako tutal wala naman na kaming ginagawa.
"Aliyah" O M G ! Uy shet wait. Si Keiffer nanaman pano na to?
"Uy! Bakit?" Patay malisya. Kunware walang nangyari.
"Usap tayo. Diba sabi ko naman sayo, magtiwala ka lang sakin? Bakit ka umiiwas?"
"Hindi ako umiiwas.."
"Eh bakit tumakbo ka? Makinig ka sakin." Uy wait si Yanna tingin ng tingin sa wrist ko parang may pinapahiwatig siya. Sumesenyas siya kay Keiffer. YANNA NAMAAAN! WAAAG! Huhu!
"Ano yun Yanna?" Hala ang seryoso ni Keiffer.
Tinuro niya yung wrist ko. Hala feeling betrayed si ako. Lah ka. Wag ganon.
"Usap lang kami, Yanna." Lumayo muna si Yanna :( syet.
"Anong meron?"
"Patingin, Aliyah." Pinakita ko yung kanan. Yung walang scratch.
"Yung kabila." SHET! Hala ang seryoso ng tingin niya.
"Wala yan" Hinawakan niya yung scratches. Ni-rub niya. LUH? Loko loko.
"Anong wala? Anong ginagawa mo sa sarili mo? Ano masakit?"
"Hindi.."
"Sa susunod na gagawin mo yan, sabihan mo ko ha? Tulungan na kita. Sa leeg mo pa ha? Para sigurado na. Diba sabi ko sayo wag kang magpaapekto? Anong ginagawa mo?"
"Sorry, Keiffer"
"Jusko naman Aliyah. Ano ba namang pinag-iisip mo?"
"Wala.. baka tama sila.. kawawa naman si Celine. Dapat magkabalikan talaga kayo."
"Please naman wag kang makinig sakanila. Wag kang magpaapekto. At sa susunod na gagawin mo yan ulit, lagot ka sakin"
Naiilang ako pag kaharap ko siya. Di mapakali yung mga paru-paro sa sikmura ko. Ano ba to nakakaiyak.
"Sige na. May klase pa kami." Palusot ko.
"Aliyah.."
"Ano yun?"
"Mahal kita. Tandaan mo yan." OMG! First time kong narinig sakanya yan. Hindi sa chat. Hala wait. Ano ba to? Ang bilis yata shet pero..
"Mahal din kita, Keiffer"
-
"Hindi makakalimutan ang unang beses na isinambit niya ang mga salitang 'Mahal kita'" -Aliyah
-
A/N: Kapit lang mga dzai. Salamat sa pagbabasa!
BINABASA MO ANG
Hanggang sa Huli (COMPLETED)
Short StoryIkaw at ako, hanggang sa hangganan. Ikaw at ikaw lang hanggang sa huli. Kahit na hindi ako ang iyong huling mamahalin.