Kabanata 16

37 3 0
                                    






Hanggang sa Huli


Ang Kwento Nating Dalawa (Aliyah & Keiffer)


Aliyah's POV

Nagdaan ang mga araw na masaya kami. Yung sayang walang katumbas na kung pwede lang sana wala ng katapusan ang lahat ng ito.

October 25, 2017 - 1st Day (Booth Day)

And yes! Ang saya naman nitong araw na to. First time kong magbebenta sa booth at malamang huling beses narin dito.

Ang sayang magbenta ng food. Grabe tiba tiba talaga. Ubusan kung ubusan eh. Aga palang kapagod na.

Alas nuwebe na wala pa si Keiffer. OMGGG SHOXX! Nasa gate na ehem.

"Busy ka ba?" Mah Keiffer. Mah Keiffer. Yes, he's mine. So back off btches! Hahaha just kidding pero seryoso yan kung ayaw niyong masapak.

"Hindi tapos nakong magbenta dun sa booth namin. Ang saya pala. Ikaw? Kala ko nga di ka papasok. Pasaan ka?" Hays. Di ko inexpect na magiging akin tong lalaking to. Napakaswerte ko. Hays. Bakit ba kasi kailan pa naming lumipat? Kung kailan ang saya saya ko na at natuto akong magmahal eh.

"Great. Dapat nga di nako papasok kasi tinatamad ako pero si Vin kasi nag-ayang pumasok. Nalibot mo na ba yung ibang booths? Halika." Omg. Kilig kilig lelang ko neto.

"Hindi pa. Pero may tickets ako. Sige sama nalang ako sayo. Hinahanap ko rin bestfriends ko. Wala naman. Saka maiintindihan naman siguro nila. Ilang araw nalang tayo magkakasama. Hays."

"Ay tara dito nalang tayo sa Disco Booth. Wala masyadong epal. Hayaan na natin yung mga human CCTV diyan. Upo tayo dun sa dulo. Chill chill lang. Init sa labas eh. Atleast dito may aircon." Keiffer, ang bango bango mo talaga shet. Ang sarap mong yakap-yakapin nalang. Yung scent mo dumudikit sa ilong eh.

"Sige sige. Eto nalang tickets ko ipambayad mo. Para naman diba. Baka sabihin di tayo nagbabayad. Hahaha."

Chill chill. Sobrang close namin sa isa't isa. Sobrang magkadikit. Ayaw akong pakawalan. Hinarangan pa ko. Binakuran. Paano ako makakaalis diba?

"Kamusta ang mahal? Na-miss kita. Na-miss mo ba ko?" Pakilig husmiyo.

"Okay lang po. Ikaw ba? Miss kita always. Yie cheesy natin. Kala mo di nagkikita eh. Bango mo nakakainis."

"Hmm. Okay lang ako. Masaya kasi nandyan ka. Dito nalang tayo sa Disco Booth. Magulo sa baba eh. Hindi naman sus."

"Seryoso. Ang sarap mo ngang yakap-yakapin. Harot ko haha!"

"Edi yakapin mo. Wag na magdamot. Ilang araw nalang stay mo dito sa Caloocan diba? Nakakatawa ka kanina sa Blind Date Booth. Sigaw ka ng sigaw haha."

"Eh kasi naman. Di ko alam na ikaw pala yung ka-blind date ko. Syempre pag di ikaw, di ako papayag no. Magagalit boyfriend ko eh. Ikaw lang gusto ko." Luh san nanggaling yan? Syempre sa puso. Kasi naman nalurkey ako. Di ko alam na iba-blind date kami kala ko joke joke lang ni bespren.

"Naks may pa ganun? Patay na patay ka sakin eh no. Hahaha joke!" Lambingan to the max lang kami eh. Nasa isang sulok. Disco lights ang nagsisilbing liwanag.

"Grabe naman po. Parang ayaw mo nakong paalisin sa pwesto natin eh no? Harangan daw ba talaga."

"Bakit ka naman aalis aber? Dito ka lang sakin. Inaantok ako, mahal. Nap lang ako. Diyan ka lang ha?"

"Sige, mahal. Babantayan lang kita. Bango bango mo kagigil. Paano naman ako makakaalis eh binakuran mo ko. Duh. Nap nalang din ako. Hindi naman tayo close nito."

"Oh siya. Tabi ka lang sakin. I love you."

"I love you too po."

Dito ako bilib sakanya. Napaka-vocal niyang tao. Minsan nga nahahawa nako. Napakasweet at clingy niya which is tagong side ko pero lumalabas pag sakanya. Di nga lang yata halata. Ang sarap mong pagmasdan, Keiffer Paul. You look perfect. Every inch of you is a perfection. I will never regret loving you. You just deserve everything in this world. Di na ko magtataka kung bakit ang daming babaeng nagkakandarapa sayo. Ang hirap ng maraming kaagaw ano? Gwapo, witty, talented, mabait, sweet, caring, lahat na yata na sayo eh. Sayang nga lang kasi kung kailan tayo nagtagpo, saka naman ako ilalayo sa kung saan nagsimula ang buhay ko.

*after 25 minutes

"Nakatulog ako, mahal?"

"Oo naman. Anong oras na oh. Dapat kumakain ka na ng lunch."

"I'm fine, mahal. Ikaw? Ikaw ang dapat kumain na. Samahan kita?

"Busog pa ko eh. Kakakain ko ng kung ano-anong tinitinda sa mga booth."

"Sure ka ah? Halika nga dito, payakap."

"Bango bango mo talaga. Di ako makamove-on. Selfie tayo mahal. Kaso ang dilim argh."

"Dito nalang sa phone ko." Yie kilig kilig si inday.

"Pangit ko kainis." Sa gigil ko sakanya kinagat ko siya sa braso. At binawian ako sa leeg. Hanep.

"Mahal naman bakit sa leeg? Bampira ka na ngayon? Supremo? Hala ka baka namula. Daya mo naman ih"

"Rawr. Hahaha! Hindi yan. Ang sakit kaya nung kagat mo. Sige ka matagal yang breyshes mo." Nang-asar pa ang loko.

"Hay nako ka hahaha!" One of the best days of my life. Iba yung saya, parang nakalutang. Parang gusto ko nalang na ihinto yung oras. Para hindi na siya mawala sakin.

"Papasok ka ba bukas?"

"Oo naman. Ikaw ba?

"Hindi ko sure eh. Pero kasi diba canvassing bukas ng Mister and Miss chuchu natin dito sa school."

"Oo nga. Pasok ka na. Mami-miss kita niyan eh."

"Sus. Naglambing ang bata."

Natapos ang araw nang puno ako ng galak. Sobrang lambing niya. Bakit ganun? Ang sakit sakit saking iiwan ko yung isang tao dito. Shet lang.

-

"Kung pwede lang ihinto ang oras, gagawin ko upang magkasama nalang tayo hanggang sa huli." -Aliyah

Hanggang sa Huli (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon