Hanggang sa HuliAng Kwento Nating Dalawa (Keiffer & Aliyah)
Aliyah's POV
October 26, 2017 - 2nd Day (Booth Day)
Ilang araw nalang ang ilalagi ko dito sa eskwelahang ito. Halos 10 taon narin ako dito. Dito ko natagpuan yung sarili ko. Dito ako natutong bumasa, magsulat. Dito ko nailabas yung mga tagong talento ko. Dito lumabas yung lakas ng loob ko. Dito ako unang na-bully pero bumangon. Dito ako unang nakatanggap ng parangal, unang sumali sa kompetisyon. Ilang beses akong nadapa pero bumangon. Andito rin yung mga huling alaalang nakasama ko ang aking ama upang tumanggap ng parangal. Dito ko unang natagpuan ang mga kaibigang nagturing sakin bilang kapatid, mga gurong itinuring akong anak, mga staff na itinuring akong kamag-anak, lahat-lahat. Dito rin ako unang nagka-crush haha! Maraming dumaang lalaki sa buhay ko. At ngayon, natagpuan ko ang iisang lalaking unang itinibok ng seryoso ng puso ko. Yung walang pag-aalinlangan.
Another day. Benta benta ulit ako and syempre hihintayin ko ang Keiffer ko. Yes Keiffer ko, hindi Keiffer niyo.
"Mami koooo!" Ow yes. Mami ko at Dadi ko ang tawagan pero laging nakakalimutan. Ikaw ba naman masanay sa ate at bunso eh.
"Yes dadi koooo?" Sana hindi na talaga matapos ang araw na to. Hindi ako magsasawang kasama ka, Keiffer. You are the best thing that ever happened to me.
Nasasaktan ako tuwing pumapasok sa isip ko yung katotohanang, lilisanin ko ang lugar kung saan kita natagpuan at kung saan ako natutong magmahal ng walang hinihinging kapalit. Bakit? Bakit ngayon kung kailan ang saya saya ko na? Bakit ngayon kung kailan handa na kong lumaban at sumugal? Bakit ngayon pa kung kailan kaya ko nang harapin ang lahat?
"Halika na. Tapos ka naman na diba? Doon nalang ulit tayo sa Disco Booth para walang epal." Ang damot ng mundo. Ibinigay ka nga sakin pero agad din naman tayong paglalayuin. Alam kong hindi pa sapat yung pagmamahal ko sayo pero alam kong sapat na rason ito para matutong lumaban at harapin ang lahat ng kinatatakutan.
"Okaaaay po. Halika na."
"Kumain ka na ba?"
"Oo naman. Ikaw ba? Baka mamaya di ka nanaman kumakain pa."
"I'm fine. Nothing to worry about me."
~
Andito lang kami sa loob ng Grade 11 room, sa Disco Booth. Magkatabi, magkadikit, na para bang walang pwedeng ibang tumabi at makihalubilo sa amin. May sarili kaming mundo sa sulok ng silid.
Walang pake sa iba. Ang tanging hangad ay ang maging masaya. Lambingan, asaran, pikunan, hampasan, at tawanan. Walang katapusang mga katanungang bumabalot sa aming mga kaisipan. Hanggang sa magkatitigan nalang. Na para bang kinakabisado ang bawat parte ng kanya-kanyang mga mukha. Bakas ang pagmamahalang hatid ng tadhana. Ang pagmamahalang inihatid ni Bathala upang magbigay ng aral na siyang didikta sa kung paano ako muling magsisimula. Keiffer, mahal na mahal kita.Napunan ng katahimikan ang paligid na para bang nakasentro ang mundo sa ating dalawa. Nang bigla kang may ibinigay na keychain.
I love you not only for what you are, but for what I am when I am with you.Para sa karamihan, isang simplang keychain lang ito na may quotation. Pero sakin, it means alot. Tugma ang ibig sabihin ng pangungusap. Mahal kita hindi lang dahil sa kung ano ka, kundi dahil sa kung ano ako pag kasama kita. Ibang-iba ang mundo ko pag ikaw ang kasama. Iba ang mundo ko pag wala ka. Napunan mo ng saya ang mundo kong puno ng pagdurusa.
"Thank you, Keiffer."
"Walang anuman." You gave me a smile na mahirap kalimutan. A genuine smile kung saan naramdaman kong mahal mo talaga ako.
"Ngayon yung canvassing niyo diba?"
"Yep. Mamayang hapon daw. Anong oras ka uuwi?"
"Uhm hindi ko alam. Sasamahan ko si Biboy sa canvassing kasi wala siyang kasama eh. So magkakasama rin tayo later dun."
"Hmm. Mami-miss kita, sobra. Baka mamaya hiwalayan mo agad ako pag alis ko dito kasi makahanap ka ng mas better."
"Better ka diyan. Ikaw yung mahal ko. Bakit ako maghahanap ng iba? Para namang wala kang mga kakilala dito jusko."
"Bantay sarado ka sakanila hahaha!"
Natapos nanaman ang oras na kasama siya. Pumunta na kami sa Grade 2 room para sa canvassing. Nang bigla siyang sumenyas sakin.
"Dito ka nalang umupo sa tabi ko." Wow clingy. Enebe kinikilig ako eh. Hahaha!
"Andito yung teachers, mahal oh."
"Hayaan mo na. Tabi lang naman tayo eh. Sige na, magtatampo ako sayo sige ka." Clingy mo naman po. Hays. Pahirap ng pahirap para sakin. Hindi ko naman kasi gustong lumipat kami pero kailangan talaga para kay lola.
Natapos ang canvassing at 2nd placer siya. Not bad pero omg. Kung ako papipiliin, walang wala sila sa boyfriend ko. Ehem. He's the most stunning and most handsome among them. Bakit ba kasi money contest to? Lols. Kung sa utak lang din naman, he is the wittiest guy I know.
Nagkasama kami hanggang sa hinatid niya ko malapit samin. We were so happy. I am so happy.
BINABASA MO ANG
Hanggang sa Huli (COMPLETED)
NouvellesIkaw at ako, hanggang sa hangganan. Ikaw at ikaw lang hanggang sa huli. Kahit na hindi ako ang iyong huling mamahalin.