TINANGKA ni Strike na kumatok sa pinto ng apartment ni Cee-Cee, pero nang makita niya ang drawing sa kaliwang kamay niya ay natigilan siya.
Parang tangang napangiti siya. Hirap na hirap siyang maligo kanina dahil nag-iingat siyang mabura ang drawing ni Cee-Cee do'n. Alam niyang hindi iyon puwedeng manatili habambuhay pero hangga't kaya niya ay pipilitin niya iyong tumagal. Sana lang ay huwag isipin ni Cee-Cee na hindi pa siya naliligo.
With one last sigh, he finally knocked on the door. Mayamaya pa ay bumukas na ang pinto. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang makita si Cee-Cee kaya napaatras siya.
Nakasabog ang mahabang buhok ni Cee-Cee. May mga butil din ng pawis sa noo nito na tumulo pababa sa gilid ng mukha nito, hanggang sa leeg nito patungo sa collarbone nito. Nakasuot ito ng loose shirt na sa sobrang luwag ay na-expose na ang kaliwang bahagi ng dibdib ng dalaga, pero may suot naman itong manipis na itim na sando sa loob. Napakaiksi rin ng suot nitong working shorts kaya exposed din ang mapuputi nitong hita.
"Good morning, Strike," bati ni Cee-Cee sa kanya.
Mabilis niyang ibinalik sa mukha ng dalaga ang atensiyon niya. Tumikhim siya. "Good morning, Cee-Cee. Are you headed to the gym?"
"Nope. I'm not good at dealing with people, kaya sa bahay lang ako nag-e-exercise." Niluwagan nito ang pagkakabukas sa pinto. "Tuloy ka."
"Hindi ba ko nakakaistorbo sa'yo?" tanong niya, pero walang pagdadalawang-isip na tumuloy pa rin siya sa apartment nito.
"Hindi naman."
Napansin niya ang malakas na musika na kasalukuyang tumutugtog. Napansin din niyang maluwag ang sala ng dalaga. Isang sofa at isang flat screen TV lang ang kasangakapan ro'n. Nasa sahig lang ang stereo na pinagmumulan ng kanta.
"I gained a little weight from consecutively eating fast food meals." Namaywang ito at marahang inikot-ikot ang ulo. "I need to get back in shape."
He quickly scanned her body once again. She had curves at all the right places. "Hindi ka naman tumaba."
"Hindi totoo 'yan. I don't fit in my clothes anymore."
"Kung gano'n, mas payat ka noon. Tama lang naman ang pangangatawan mo."
Sinulyapan siya nito. May munting ngiti sa mga labi nito na tila ba nagsasabing masaya ito sa narinig nito. "Ano nga palang ginagawa mo rito? May kailangan ka ba?"
"Gusto ko lang sanang ayain kang mag-breakfast. Kung okay lang naman."
Tumango siya. "Sandali. Tatapusin ko lang 'tong morning exercise ko. Okay lang ba kung ikaw na lang ang kumuha ng inumin mo sa kusina? Pasensiya ka na kung hindi kita maasikaso ng maayos."
"Nah, don't mind it. I came here unannounced anyway. Painom ng tubig, ha?"
Natawa ito ng marahan. "May juice din sa fridge," anito, saka tinuro ang maliit na kusina.
Ngumiti siya bilang pasasalamat, saka ito nilagpasan. Pagdating niya sa kusina ay kumuha siya ng isang pitsel ng malamig na tubig, at isang baso naman sa cabinet. Pagkatapos niyang uminom ay napangiti na naman siya. Hindi pa rin siya makapaniwala kung gaano na siya kalapit ngayon sa pinakapaborito niyang tao sa buong mundo.
Natigilan lang siya sa pagmumuni-muni nang maiba ang tugtog na naririnig niya. Naging nakakaindak na kanta 'yon – ang "Party in the USA" ni Miley Cyrus.
Kunot-noong lumabas siya ng kusina. Napa-"whoa" na lang siya nang makitang sumasayaw si Cee-Cee. Natigilan siya habang pinapanood ito. At ilang beses siyang napalunok sa bawat paggalaw ng balakang nito. He didn't know she could move her hips so sexily!
Nakapikit si Cee-Cee habang sumasayaw. Ang bawat galaw ng ulo, kembot ng baywang at tila paghagis ng balakang nito sa ere habang patuloy sa paghataw ay nagbigay ng kakaibang init sa kanyang katawan. She was so hot, so sexy, so elegant and so beautiful at the same time.
Bumalik siya sa kusina at muling uminom ng isang basong tubig.
Pinunasan niya ng kamay niya ang namuong butil ng pawis sa noo niya. "That was so hot. She's so sexy," bulong niya sa sarili, saka inihilamos ang mga kamay niya sa mukha niya. "Calm down, Strike. Hindi naman 'yan ang unang pagkakataong nakakita ka ng babaeng sumasayaw. And damn! Why are you hiding here? Sayang ang view!"
Pagkatapos makipag-usap sa sarili ay muli siyang lumabas ng kusina para panuorin si Cee-Cee. Nagsasayaw pa rin ito, subalit ilang sandali pa ay natumba ito at napaupo sa sahig.
"Cee-Cee!" nag-aalalang sigaw niya saka ito dinaluhan.
Himbis na hayaan siyang tulungan itong tumayo ay umiling lang ito at padapang humiga sa sahig. Nilingon siya nito, dahilan para dumikit ang kanang pisngi nito sa sahig. And dang, she looked so adorable in that angle.
"This is why I hate moving my body. Nakakapagod," nakalabing reklamo nito. "Nagugutom na ko, Strike."
Natawa siya ng marahan sa pagiging cute nito. "Then, let's eat. My treat."
Ngumiti ito, saka pumikit. "Five minutes. Just give me five minutes to rest."
"Okay."
Sa limang minutong hiningi nito ay wala siyang ibang ginawa kundi ang titigan ito at masuyong punasan ang pawis sa noo nito sa pamamagitan ng daliri niya. Pinaypayan din niya ito gamit ang kamay niya, kahit may ceiling fan naman.
He sighed. He couldn't stop caring for this woman. Naalala tuloy niya ang sinabi ni Colin sa kanya noon: "The problem with you is that, you don't trust other people easily. Pero kapag may nagustuhan ka naman, you really get attached to that person to the point that you care too much."
BINABASA MO ANG
My Favorite Girl (Completed)
RomanceNag-suggest lang naman si Strike sa best friend niyang si Kraige na piliin si Cleo---ang one true love nito--- kesa pakasalan ang fiancee nito na alam niyang hindi talaga nito mahal. Siya rin ang mastermind sa planong binuo ng squad nila para magkat...