TAHIMIK lang si Cee-Cee habang hinahayaan si Strike na burahin ang mga sinulat niya sa braso niya. Marahan nitong binubura ang mga iyon gamit ang bimpo na binabad nito sa alcohol. Naroon na sila ngayon sa apartment niya.
Tiningnan niya si Strike na seryoso at maingat sa pagpunas ng bimpo sa braso niya. "Strike, hindi mo ba ko tatanungin kung anong nangyari kanina?"
"Ayoko lang sumama uli ang loob mo kapag inalala mo na naman 'yong bagay na nagpaiyak sa'yo kanina."
Kung gano'n, pinoprotektahan pala nito ang damdamin niya. Bumuntong-hininga siya. "I saw my... my ex fiance with his new fiancce."
Natigilan si Strike. Nagpatuloy siya sa pagkukuwento. Pakiramdam niya, kailangan niyang ilabas ang saloobin niya, kung hindi ay baka hindi na siya makahinga sa sama ng loob.
"I was supposed to marry my boyfriend six months ago. But he broke up with me, because he's in love with his best friend. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero mukhang nagbago ang isip niya sa pagpapakasal sa'kin no'ng gabi ng reunion nilang magkakaibigan. Sigurado akong may kinalaman ang mga kaibigan niya do'n."
Parang napaso na binitawan ni Strike ang braso niya. "Anong ibig mong sabihing may kinalaman ang mga kaibigan niya sa pagbabago ng isip niya?"
Nagkibit-balikat siya. "His friends... don't like me. Siguro 'yon ay dahil hindi talaga ako marunong makisama sa ibang tao. Saka simula pa naman noong una, nararamdaman ko nang mas gusto talaga nila ang best friend ng fiance ko para rito. Ayoko sanang mag-isip ng masama. Pero malakas talaga ang pakiramdam ko na sila ang dahilan kung bakit biglang umatras ang ex fiance ko sa kasal namin. Hindi magagawa 'yon ng ex kung walang nagbuyo sa kanya. Because marrying me and fulfulling his promise was supposed to be the right thing to do... but still... he left me for another woman. He –"
"Cee-Cee. Stop."
Napakurap siya nang marinig ang mariing salita ni Strike. No'n niya lang namalayan na kanina pa pala pumapatak ang mga luha niya. "That woman my ex fiance chose over me... she's lucky and I envy her. She has great friends. Mga kaibigang handa siyang tulungang mabawi ang lalaking mahal niya mula sa'kin. Wala akong mga kaibigan na gagawa no'n para sa'kin."
"Cee-Cee..."
Lumingon siya kay Strike. Sa kabila ng panlalabo ng paningin niya dahil sa mga luha niya, may nabasa siyang kakaibang emosyon sa mga mata nito. Simpatya, awa, lungkot.
Bumuntong-hininga ito, pagkatapos ay inakbayan siya. Kinabig siya nito pahiga sa dibdib nito. "Cee-Cee... I'll be your friend."
"Ha?"
"I'll be your friend," pag-uulit nito, mas mariin. "I'll be a friend who'll go against everyone and anyone just to protect you."
Napangiti siya kasabay ng mas mabilis na pagpatak ng mga luha niya. Napasaya siya ng mga salitang 'yon. "That's so sweet, Strike." Humiwalay siya rito para makita niya ang mukha nito. There was genuine care in his eyes. "Bakit ba ang bait mo sa'kin?"
He lightly poked her forehead. "Dahil suki ka ng HappyChic. Pinapayaman mo ang kompanya ko. And you're my... most favorite person in the world."
Napangiti siya, kahit bahagyang napakunot din ang noo niya. "Favorite?"
Tumango ito. "Yep, you're my favorite. Kakaiba ka kasi." Tumingala ito habang hinihimas-himas ang baba nito, halatang nagpapanggap itong nag-iisip. "You always space out, and you even slept on a bed in a furniture shop. Ginagawa mong papel ang braso mo, parati kang may drawing sa kamay mo, at parati ka ring may tinta ng ballpen sa mga daliri mo."
Natawa siya. "Hey, I'm a writer!"
Sinalubong nito ang mga mata niya. His eyes were smiling at her. "Adik ka sa amoy ng mga pre-loved books. Hindi ka rin magaling makisama sa kapwa mo. Pero kapag napalapit ka naman sa isang tao... you become a completely different person. You're sweet, you're thoughtful and you're very kind.
Sa totoo lang, hindi ko gusto ang tulad mong introvert. I thought people like you are boring. But you proved me wrong. Kapag ikaw ang kasama ko, nakakaramdam ako ng kapayapaan na hindi ko na nararamdaman kapag nando'n ako sa maingay kong mundo. You give me peace, Cee-Cee. Don't envy other women. You're unique, because you're my favorite girl."
Natahimik siya. She was overwhelmed. Hindi na rin niya magawang maitanggi ang nakikita niyang emosyon sa mga mata ni Strike. He... he admired her. Hindi niya dapat bigyan ng malisya 'yon dahil sandali pa lang naman silang nagkakakilala.
Lumayo siya kay Strike at pinunasan ang mga luha niya. "Wow. Thank you for boosting my ego, Strike. Lumalaki na yata ang ulo ko."
Natawa ito, saka masuyong ginulo ang buhok niya. "Do you feel better now?"
Ngumiti siya. "Thank you for cheering me up." Humugot siya ng malalim na hininga bago nilabas ang huling sama ng loob niya. "Sayang. Akala ko pa naman, makakapagsuot na ko ng magandang diamond ring," biro niya.
"'Yon lang ba ang ikinakasama ng loob mo? Madali lang naman 'yan."
"Ha?"
Kinuha ni Strike ang kamay niya, pagkatapos ay dinukot mula sa bag niya ang isang ballpen. Then, he drew a ring on her finger. "'Yan. May diamond ring ka na."
Inangat niya ang kamay niya sa mukha niya para mapagmasdan ang "singsing" sa daliri niya. Natawa siya dahil literal na diamond ang d-i-n-rawing nito, na nilagyan lang ito ng band. "Hmm. This must be a very expensive diamond ring."
Inihilamos nito ang kamay nito sa mukha niya. "Hah! You're a closet bully! Inaapi mo ang drawing ko."
BINABASA MO ANG
My Favorite Girl (Completed)
RomanceNag-suggest lang naman si Strike sa best friend niyang si Kraige na piliin si Cleo---ang one true love nito--- kesa pakasalan ang fiancee nito na alam niyang hindi talaga nito mahal. Siya rin ang mastermind sa planong binuo ng squad nila para magkat...