14th Chapter

3.8K 138 1
                                    

NAPAHIKBI si Cee-Cee habang binabasa ang librong Daughter of Smoke and Bone. Hindi niya alam kung bakit pero kagabi pa niya iniiyakan iyon, kahit hindi naman iyon drama. Gano'n lang talaga siguro siya kapag nakakabasa ng magandang libro. She gently closed the book and heaved a heavy sigh. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatitig lang sa kawalan nang biglang may sumulpot na mug ng kape sa harap niya.

Nag-angat siya ng tingin kay Strike. Nakangiti ito kahit bahagyang nakakunot ang noo. "Thanks, Strike. Gaano katagal akong nawala sa mundo?"

Natawa ito. "Three hours. Nakaligo na nga ako at nakapagluto ng agahan."

Napangiti siya. Maaga siyang nagising kanina kaya nagpunta siya sa apartment ni Strike. Pero wala naman siyang ginawa do'n kundi magbasa lang. "Pasensiya na kung naistorbo kita."

"Nah, it's fine." Pinunasan nito ang mga luha sa pisngi niya. "I can't believe a book can make you cry hard. It's cute."

Napangiti siya dahil sa papuri nito. Bigla naman niyang naalala ang pinunta niya ro'n. "Strike, pahingi nga palang picture mo."

"For what?"

Nilabas niya ang blankong scrapbook na binili niya no'ng nakaraan. "I bought a scrapbook. Gusto kong ilagay dito lahat ng memories nating magkasama..." Natigilan siya nang ngumiti si Strike. "It's childish, isn't it?"

"It is but..." Biglang namula ang mga pisngi nito. "It's sweet. Ngayon lang may gagawa ng scrapbook para sa'kin."

Ngumiti lang siya at nilahad ang mga kamay niya rito. "Then, give me your picture."

Dinukot nito ang wallet nito mula sa backpocket ng pantalon nito. Pagkatapos ay umupo ito sa armrest ng sofa. Nilusot niya ang ulo niya sa pagitan ng mga braso nito para masilip niya ang nasa loob ng wallet nito. Natawa lang ang binata saka siya hinalikan sa tuktok ng ulo niya.

"Hmm. Ganyan ka ba ka-excited sa picture ko?" tukso nito sa kanya.

Ngumiti lang siya. Nang alisin nito ang picture nito sa wallet nito ay may nakita siyang litrato na pamilyar sa kanya. "Hey, is that my picture?"

Tinaas ni Strike ang kamay nito para hindi niya maabot ang wallet nito. "Of course not."

"That's my picture!" giit niya. Lumuhod siya sa sofa at pinatong niya ang isang kamay niya sa balikat nito para maabot niya ang wallet. Nagtagumpay naman siya, pero natagpuan na lang niya ang sarili niyang nakaupo na sa kandungan ni Strike.

Hindi na lang niya pinansin ang posisyon nila, at ang pagpalupot ng mga braso ni Strike sa baywang niya. Binuksan niya ang wallet nito at natagpuan nga niya ang larawan niya sa loob niyon. Kuha iyon no'ng natutulog siya sa queen-sized bed sa furniture section ng mall.

Gulat na nilingon niya si Strike na ngingiti-ngiti lang ng mga sandaling 'yon. "Bakit may picture mo ako? At kuha ito no'ng nasa mall tayo."

He smiled bashfully at her. "Kinunan kita ng picture sa phone ko habang natutulog ka, pagkatapos pina-print ko. Ang cute mo kasi d'yan."

"Matagal ka na bang may gusto sa'kin?"

"Oo, matagal na."

Napayuko siya nang maramdaman niya ang pagwawala ng mga paru-paro sa tiyan niya. Kinamot niya ang pisngi niya pero napapiksi siya nang humapdi iyon.

"What's wrong, Cee-Cee?" nag-aalalang tanong ni Strike.

Tiningnan niya ang mga kuko niya. Mahahaba na ang mga iyon. "Mukhang nahiwa ako sa pisngi ng mga kuko ko."

Pumalataktak si Strike, pagkatapos ay hinalikan nito ang pisngi niyang may hiwa. Bago pa siya makapag-react ay tumayo na ito, at sinama siya nito sa pagtayo nito ng walang kahirap-hirap. "Wait here," anito saka nagtungo sa kuwarto nito.

My Favorite Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon