16th Chapter

3.8K 128 1
                                    

UNTI-UNTING minulat ni Cee-Cee ang mga mata niya. Nagulat pa siya na ang sumalubong sa kanya ay ang natutulog na si Strike.

Nakasalampak siya sa sahig ng banyo niya habang halos nakayakap na sa bowl. Si Strike naman ay nakaupo sa tabi niya at nakasandal sa lababo. Basa ang polo na suot nito, magulo ang buhok at malalim ang itim na bilog sa mga mata nito.

Saka niya naalala ang ginawa niya kagabi. Itinuro at ipinatikim ni Strike sa kanya ang mga inuming puwede sa kanya sa bar. Pero hindi niya nalasahan 'yon dahil hindi siya pinayagan ng binata na ubusin ang mga 'yon. Kaya pagtalikod nito, inisang-lagok niya ang mga alak, na akala niya ay walang epekto. She probably got drunk.

Nilingon niya si Strike. Buong magdamag siguro siya nitong binantayan habang nakikipag-"date" siya sa bowl niya kaya hindi na nito naayos ang sarili nito. Amoy-suka ito, na siguradong siya ang may kasalanan.

Hinawi niya ang buhok ni Strike na nakatabing sa nakapikit nitong mga mata. "I'm sorry, Strike."

That was when he slowly opened his eyes. Napabalikwas ito ng bangon. "Cee-Cee! Okay ka na ba? Masama pa ba ang pakiramdam mo? Hindi ka dapat uminom kagabi."

Tumango siya. "Sorry."

His eyes softened. "You're probably hungry." Bigla itong napangiwi. "Naaamoy ko ang sarili ko. I'll just take a bath, and I'll cook for you. Wait for me, 'kay?"

Tumango siya, pagkatapos ay gumapang siya rito. Kahit tumutol ito dahil ayaw daw nitong kumapit ang amoy ng suka sa kanya, niyakap pa rin niya ito. Nakaupo na siya sa pagitan ng mga hita nito, habang nakasubsob ang mukha niya sa dibdib nito. Hindi siya nagsalita. Gusto lang niyang maramdaman na totoo ang lahat ng 'yon. Na may isang Strike nga na nag-aalaga sa kanya ngayon. Tuluyan na ngang nahulog ang loob niya rito.

"Cee-Cee?"

Tiningala niya ito. "Hmm?"

Ngumiti ito. "Let's go out on a proper date tomorrow. Ako nang bahala sa lahat. I'll give you a fairytale date."

Ngumiti rin siya. "Okay."

Bumuntong-hininga ito, kasabay ng pagguhit ng matinding pangamba sa mga mata nito. "Cee-Cee, bukas, may sasabihin ako sa'yong importanteng bagay. Kahit anong malaman mo, tandaan mo na totoong mahalaga ka sa'kin."

"Anong ibig mong sabihin?"

Umiling lang ito. He cupped her face and closed his eyes as he kissed her forehead. "Tomorrow, you'll know."


***

MASAYANG-masaya si Cee-Cee nang araw na 'yon. Tinotoo nga ni Strike ang sinabi nitong magiging fairytale date nila.

Nagulat na lang siya nang bandang ala-singko ng hapon ay may dumating nang make-up artist at hair and dress stylist sa apartment niya. May bitbit din ang mga ito na dress, mga alahas at sapatos na gagamitin daw niya. Ang lahat ay mukha at tiyak na mamahalin. Nakakahiya nga dahil may mga tauhan din na dumating para lagyan ng mga petals ng mga rosas ang maliit na bathtub sa banyo niya.

Pagkatapos ng mahigit dalawang oras ay natapos din ang pag-aayos sa kanya. Muli na naman siyang ginulat ni Strike nang pagbaba niya sa apartment ay may chauffeured limousine nang nag-aabang sa kanya. Iyon ang naghatid sa kanya sa date nila ng binata.

At ngayon nga ay nasa isang beach resort siya. Sinubukan niyang tawagan si Strike pero busy ang phone nito.

"Ma'am, this way please," nakangiting sabi ng isang lalaking sumalubong sa kanya.

Kiming ngumiti siya. "Okay."

Naglalakad na siya papasok sa pinaka-loob ng resort nang may marinig siyang sigaw ng babae, dahilan para mapahinto siya sa paglalakad. Lumingon siya sa pinaka-entrance ng resort kung saan may dalawang babae at isang lalaki ang hinaharang ng dalawang guwardiya.

"Hindi mo ba kami kilala? We are Strike's friends."

"Pasensiya na ho talaga, Ma'am. Pero binilin ni Sir na walang ibang puwedeng pumasok sa resort ngayon," hinging-paumanhin ng guwardiya.

"What? But I told him we're using his resort for my birthday."

Nanlamig ang buong katawan ni Cee-Cee nang makilala ang huling nagsalita. The guy just got off the car. Kilala niya ang mukhang 'yon – si Colin, ang kaibigan ni Kraige. Kilala ito ni Strike?

Dumako ang tingin ni Ur sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito. "Oh. You're here!"

Dahil sa sinabi ni Ur ay napatingin na rin sa kanya sina Coleen, Josei at Colin. Sinisigaw ng isip niya na dapat ay tumakbo na siya, na para bang may mangyayaring hindi niya magugustuhan. Pero nanatili lang siyang nakatingin sa mga kaibigan ni Kraige, habang kung anu-anong ideya ang nabubuo sa isip niya.

Coleen rolled her eyes. "I can't believe that Strike really dated her para lang mapigilan siyang guluhin ang kasal nina Kraige at Cleo."

To say that she was surprised was an understatement. Pakiramdam niya, may bombang sumabog sa magkabila niyang tenga. Hindi naman siya tanga para hindi maunawaan kung anong ibig sabihin ng mga ito. Nakipaglapit lang si Strike sa kanya para masiguro nitong hindi niya guguluhin ang kasal nina Kraige at Cleo. Ang lahat ng ipinakita nito sa kanya ay arte at pagpapanggap lamang. Mukhang may ideya na siya kung talaga si Strike.

Colin sighed. "Girls, sinabi ko naman sa inyo na huwag niyong sasabihin na sinabi ko inyo ang plano ni Strike. He'll kill me."

Umismid si Ur. "What? Eh nakakairita na ang babaeng 'yan."

Mapait na ngumiti si Cee-Cee. Hindi na niya makontrol ang galit na namumuo sa dibdib niya. "Ang kapal ng mukha mong sabihin 'yan."

My Favorite Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon