NAPABUNTONG-hininga na lang si Cee-Cee nang sa pagmulat ng mga mata niya ay sumalubong sa kanya ang guwapong mukha ni Strike. Mahimbing itong natutulog. Nakahiga sila no'n sa sofa at magkayakap habang komportable sa init na hatid ng comforter. Sumilip siya sa bintana. Tumila na ang ulan pero hindi pa rin maaliwalas ang panahon.
Tumingin siya sa payapang mukha ni Strike. Mukhang nakatulog sila kagabi dala ng lamig ng panahon. She gently traced her finger on his forehead, down to his pointed nose. Hindi na niya napigilang masuyong haplusin ang pisngi nito. Ah, his skin was so warm, so soft and so smooth. Except his chin with its early growth of stubble. Nevertheless, he still looked perfect.
Bigla niyang naramdaman kung gaano siya kasuwerteng nagustuhan siya ng isang lalaking gaya nito. Akala niya noon, si Kraige na lang ang lalaking magkakagusto sa kanya, kaya marahil nasaktan siya ng iwan siya nito. But she was wrong.
Niyakap niya uli si Strike at inihilig niya ang pisngi niya sa dibdib nito upang pakinggan muli ang tibok ng puso nito. "Strike, alam kong gising ka na."
Narinig at naramdaman niya itong tumawa, kasabay ng masuyong pag-angat-baba ng kamay nito sa baywang niya. "Good morning, baby. Anong iniisip mo habang pinagmamasdan mo kong matulog? XXX ba?"
Pabirong hinampas niya ito sa dibdib na lalo lang nitong ikinatawa. "Horror ang naiisip ko."
"Horror? Sa guwapo kong 'to, horror ang naiisip mo?" natatawang tanong nito.
Nag-angat siya ng tingin dito. Tumigil ito sa pagtawa nang marahil mapansin na seryoso siya. "Strike. Natatakot ako kasi ayaw na kitang pakawalan."
He cocked his head at one side. "Anong nakakatakot do'n?"
Bumuga siya ng hangin. Bumangon siya at sumandal sa likod ng sofa at sumimangot. "Hindi mo naiintindihan."
Bumangon din ito at sumandal naman ito sa armrest ng sofa. Hinawakan nito ang mga binti niya at pinatong iyon sa mga binti nito. "Ipaliwanag mo para maintindihan ko."
Yumuko siya. "Gusto kita, Strike. Hindi ko alam kung bakit ganito kabilis, pero gustung-gusto na kita. Nalulungkot ako 'pag wala ka. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya kapag magkasama sa'yo. I'm so used to people who comes out of my life. But when it comes to you, ayoko. Tumututol ang bawat hibla ng pagkatao ko, isipin pa lang na isang araw, iiwan mo rin ako gaya nilang lahat."
Matagal bago nagsalita si Strike. "Ask me, Cee-Cee. Ask me to stay."
Nakaramdam siya ng takot dahil sa pinapagawa nito sa kanya. Buong buhay niya, nagmakaawa siya sa mga taong mahal niya na huwag siyang iwan, pero lahat ng mga iyon ay iniwan siya. Pero nang naging malinaw ang pagmamahal sa mga mata ni Strike, biglang nawala ang lahat ng takot niya.
"Stay with me, Strike," halos pabulong na sabi niya.
Ngumiti si Strike. Hinawakan siya nito sa braso saka hinila, dahilan para masubsob siya sa dibdib nito. Agad naman siya nitong niyakap ng mahigpit. "Of course I will stay with you. Dahil kung ga'no mo ko kagusto, doble no'n ang nararamdaman kong pagkagusto sa'yo."
Nag-angat siya ng tingin dito. "Kahit maliit lang ang mundo ko? Kahit mas gusto ko sa bahay kaysa lumabas? Kahit nagsusulat ako sa braso ko? Kahit mas gugustuhin kong pumunta sa bookstore kaysa sa amusement park? Kahit boring akong kasama? Kahit mataba ak –"
"Hindi ka boring at hindi ka mataba," natatawang sansala nito sa sinasabi niya. "At oo, kahit ilan pa 'yang "kahit ganito ako, kahit ganyan ako" mo, gusto pa rin kita."
"Then, let's give it a try." Hinawakan niya ang kamay nito. "You and me."
"Together," nakangiting sabi nito. "I like that."
Bumuntong-hininga siya saka muling inihilig ang ulo niya sa dibdib ni Strike, habang patuloy ito sa marahang paghagod sa likuran niya. She closed her eyes and went back to sleep.
Best birthday last night, best morning today.
BINABASA MO ANG
My Favorite Girl (Completed)
RomanceNag-suggest lang naman si Strike sa best friend niyang si Kraige na piliin si Cleo---ang one true love nito--- kesa pakasalan ang fiancee nito na alam niyang hindi talaga nito mahal. Siya rin ang mastermind sa planong binuo ng squad nila para magkat...