HINDI mapakali si Strike habang naghihintay sa pavilion kung saan nakahanda ang candlelight dinner na hinanda niya para kay Cee-Cee. 'Yon ang lugar kung saan may magandang view ang dagat, kahit pa may kadiliman na dahil pinuno naman niya ng iba't ibang klase ng naggagandahang ilaw ang paligid.
Ang sabi ng chauffeur na naghatid kay Cee-Cee ay kanina-kanina pa ito dumating. Tinawagan na niya ang dalaga kahit masisira niyon ang sorpresa sana niya para rito. Matagal bago sinagot ni Cee-Cee ang tawag niya.
"Cee-Cee. Where are you? Bakit pinaghihintay mo ko?" kunwari ay naghihinanakit na tanong niya rito.
"Strike. May itatanong ako sa'yo kaya sana sa pagkakataong ito, maging totoo ka sa'kin."
Natigilan siya. Napakaseryoso ng boses ni Cee-Cee. "Cee-Cee, what's wrong?"
"Ikaw ba ang best friend ni Kraige na nasa America noon?"
Naramdaman niya ang biglang panlalamig ng buong katawan niya, kasabay ng pagdagundong ng puso niya dala ng pinaghalong kaba at takot. "Nasaan ka, Cee-Cee?"
"Sagutin mo muna ang tanong ko," kalmado pero may diing utos nito.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone niya, habang ang isang kamay niya ay mariing nakakuyom na bumaon na nga ang mga kuko niya sa palad niya. "Ako nga."
"Kung gano'n, nagsasabi nga ng totoo ang mga kaibigan mong nandito rin ngayon sa resort mo," mapait na wika nito.
Nabigla siya. "They're here?" Hindi na sumagot si Cee-Cee. Sa halip ay busy tone na lang ang narinig niya. "Cee-Cee!"
Umalis na siya sa pavilion at patakbong pinuntahan ang entrance ng resort. Habang tumatakbo siya ay saka niya naalala ang posibleng dahilan kung bakit naroon sina Colin.
"Strike, mabuti naman at bumaba ka na. Pinag-uusapan lang namin ng barkada na sa beach resort mo na lang ganapin ang birthday bash ko next week."
Nagagalit siya. Bakit ba nakalimutan niyang sa resort nga pala niya balak ni Colin na i-celebrate ang birthday nito?
Pagdating niya sa entrance, nakita niya si Cee-Cee na nakatayo lang habang nasa harapan nito sina Ur at Coleen na pinipigilan nina Colin at Josei.
Mapait na ngumiti si Cee-Cee. Hindi pa siya nito nakikita. "Ang kapal ng mukha niyong isipin na magagawa kong guluhin ang nalalapit na kasal nina Kraige at Cleo. Akala niyo ba hindi ko alam na kayo ang gumawa ng paraan para si Cleo ang piliin niya at hindi ako? Natatakot ba kayo ng bawiin ko si Kraige mula sa mang-aagaw niyong kaibigan?"
Sinampal ni Ur si Cee-Cee. "Bawiin mo 'yong sinabi mo kay Cleo! Hindi siya mang-aagaw dahil no'ng una pa lang, siya na ang mahal ni Kraige!"
Sinampal din ni Cee-Cee si Ur. "Ako ang fiancee. Kaya kahit ano pang sabihin niyo, si Cleo pa rin ang nang-agaw."
Akmang muling susugurin ni Ur si Cee-Cee nang pumagitna na si Strike sa dalawang babae. Tumayo siya sa harap ni Cee-Cee.
"Stop it, Ur!" galit na saway niya rito.
Halatang nagulat at natakot si Ur sa pagsigaw niya. "Strike..."
Akmang pagsasabihan pa niya si Ur nang makita niyang naglalakad na palayo si Cee-Cee. Agad niya itong hinabol.
"Cee-Cee, wait!"
Pumihit paharap sa kanya si Cee-Cee, kasabay ng malakas na pagdapo ng palad nito sa pisngi niya. "Congratulations, Strike. Dahil ginawa mong distraction ang sarili mo sa'kin, hindi ko na magagawang sirain ang kasal nina Kraige at Cleo." Mapait na ngumiti ito. "Ganyan pala kababa ang tingin mo sa'kin."
"Cee-Cee –" Bigla siyang natigilan sa pagsasalita nang pumatak ang mga luha nito.
"Masaya na ba kayo, Strike? Siguro, sa tuwing nagkikita-kita kayong magkakaibigan, pinagtatawanan niyo ko."
"Cee-Cee, hindi totoo 'yan!"
Napahikbi ito. "Ano bang kasalanan ko sa inyo? Ako ang inagawan, ako ang sinaktan at ako ang iniwanan. Ako pa rin ba ang masama?"
With one last accusing look, Cee-Cee started to walk away again. Gusto niya itong pigilan, pero nang makita niya ang sakit sa mga mata nito, alam niyang mas lalo lang niya itong masasaktan.
Muli niyang naikuyom ang mga kamay niya. Hindi niya gustong saktan ito. At mas nasasaktan siyang malamang siya ang dahilan ng pag-iyak nito.
"What was that all about, man?" nagtatakang tanong ni Josei nang balikan niya ang mga kaibigan niya.
"Anong sinabi niyo kay Cee-Cee?" galit na tanong niya sa mga ito himbis na sagutin ang tanong ni Josei.
"Kung ano 'yong totoo," sagot ni Colin sa seryosong tinig. "Hindi ba't plano mo naman talaga na bantayan si Cee-Cee para hindi niya guluhin ang kasal nina Kraige at Cleo?"
Lalo siyang nagalit sa sarili niya dahil siya ang nagsimula nang kasinungalingang iyon, kahit pa si Colin ang naghayag niyon. "Pero sinong nagsabi sa'yo na niligawan ko lang si Cee-Cee para i-distract siya?"
Halatang nagulat si Colin. "Strike, 'wag mong sabihin..."
"Fuck, yes! I'm in love with Cee-Cee!" Naiinis na inihilamos niya ang mga kamay niya sa mukha niya. "I was about to tell her that I am Kraige's best friend, at handa rin akong sabihin sa kanya na ako ang pasimuno ng pakikipaghiwalay ni Kraige sa kanya, pero hindi sa ganitong paraan!"
Gumuhit ang galit sa mukha ni Kraige. "Naririnig mo ba ang sarili mo, Strike? Mahal mo si Cee-Cee?" hindi makapaniwalang tanong nito, saka siya hinablot sa kuwelyo niya. "Fuck you, Strike! She is your best friend's ex-fiancee! May balak ka bang sirain ang barkada natin?!"
Marahas na tinabig niya ang mga kamay ni Colin sa kuwelyo niya. "Kung isang malaking pagkakamali para sa inyo na mahalin ko ex-fiancee ng best friend ko, 'wag kayong malala. I quit as Kraige's best friend. And I'm also quitting in this group," mapait na sabi niya saka niya tinalikuran ang mga ito.
BINABASA MO ANG
My Favorite Girl (Completed)
RomanceNag-suggest lang naman si Strike sa best friend niyang si Kraige na piliin si Cleo---ang one true love nito--- kesa pakasalan ang fiancee nito na alam niyang hindi talaga nito mahal. Siya rin ang mastermind sa planong binuo ng squad nila para magkat...