9th Chapter

3.7K 135 2
                                    

HINIHILA ni Cee-Cee ang isang malaking kahon sa pasilyo ng apartment building. Mga regalo iyon na gusto na niyang itapon dahil hindi naman na niya magagamit ang mga iyon. Nagulat na lang siya nang may kung sino na lang na bumuhat ng malaking kahon.

"Kung ganito kabigat ang ilalabas mo, sana tinawag mo agad ako."

Nag-angat siya ng tingin sa nagsalita. "Strike."

Eksaheradong sumimangot siya. "Para saan pa na magkapit-bahay tayo kung hindi tayo magtutulungan?"

Binigyan niya ito ng tipid na ngiti. "Pasensiya ka na. Hindi lang kasi ako sanay na humihingi ng tulong sa ibang tao."

"Hindi ba sinabi ko na sa'yo na magkaibigan na tayo? Friends help each other. Nakakasama ka ng loob," naghihinanakit na sabi nito.

Ngumiti lang siya. Magkaagapay silang naglakad pababa ng apartment building. Nagtungo sila sa basurahan.

"Itatapon mo 'to?" kunot-noong tanong ni Strike pagbaba nito ng kahon sa kalsada

Tumango siya. "I don't need to keep them anymore. Wala naman nang kasalang magaganap."

"You mean..."

"'Yan sana ang ireregalo ko sa mga kaibigan ng ex fiance ko. Hindi ko nga alam kung bakit tinago ko pa ang mga 'yan."

"Cee-Cee..."

Nag-squat siya paupo sa kahon. Isa-isa niyang nilabas ang mga regalo sa loob ng kahon. "Alam mo namang mahiyain ako, kaya hindi ko nagawang makipagkuwentuhan sa mga kaibigan ng dati kong fiance. Pero madalas ko silang in-o-obserbahan, para alam ko kung ano ang mga bagay na gusto at ayaw nila.

Si Ur at Coleen, mahilig sila sa make-up. Kaya bumili ako ng malaking make-up kit na may laman nang mga gamit mula sa paborito nilang brand ng make-up. Si Josei naman, sports enthusiast siya kaya binilhan ko siya ng athletes shoes na magagamit niya. Si Cleo, napansin kong mahilig siya sa mga diamond. Kaya pinag-ipunan ko ang pinambili ko ng diamond bracelet para sa kanya. Si Colin naman... he's a big pervert. Nakakahiya, pero bumili ako ng mga pack ng iba't ibang flavor ng condom, enough to last him a year. Well, depende kung gaano ka-active ang sex life niya..."

Nagpatuloy siya sa pagkukuwento kay Strike tungkol sa mga regalo. Kung para kanino ang mga iyon, at kung bakit iyon ang binili niya. Nanatiling tahimik ang binata at hindi niya rin alam kung anong emosyon ang meron ito dahil hindi naman siya nakatingin dito.

"And the last gift... is for my ex fiance's best friend, na kahit kailan ay hindi ko nakilala," halos pabulong na sabi niya.

"Your ex fiance's best friend... anong alam mo tungkol sa kanya?" tanong ni Strike.

Umiling siya. "Wala akong alam sa kanya. I don't even know his name. Ayaw ng ex fiance ko na pinapakialaman ang pribado niyang buhay, hangga't hindi pa siya handang ibahagi iyon sa'yo. 'Yon ang dahilan kung bakit kahit masakit, hindi ko siya pinilit na ipakilala ako sa best friend niya. I don't know why he doesn't want me to meet his best friend, kahit pinakilala naman niya ako sa ibang kaibigan niya. Hindi ko rin naman ugaling mag-usisa. Gano'n ang naging relasyon namin. Tinatanggap ko kung ano lang ang kaya niyang ibigay, kung hanggang saan lang ako puwedeng pumasok sa buhay niya. Iyon siguro ang naging pagkakamali ko. Masyado akong naging kuntento sa ibinibigay niya, na nagbulag-bulagan na ako sa mga pagkukulang niya."

"Cee-Cee..."

"His best friend. I wanted to meet him. Kahit hindi binanggit ng ex ko ang pangalan ng best friend niya, minsan niyang ikinuwento kung gaano kabait ang taong iyon sa kanilang magkakaibigan. Ang taong iyon daw ang naging tagapagtanggol niya simula pagkabata. He said his best friend never left him when his parents died. Simula noon, kahit wala na kong ibang alam tungkol sa taong iyon, tumaas na ang paghanga ko sa kanya. Sayang nga lang at hindi ko na siya makikilala."

Nag-squat din paupo sa tabi niya si Strike. "What did you get for your ex fiance's best friend?"

Malungkot na ngumiti siya, saka inabot kay Strike ang kahon. "Open it."

Tinanggap ni Strike ang kahon at binuksan iyon. Napakurap-kurap ito. "Pulang kapa?"

Nakangiting tumango siya. "Kahit isang beses lang ikinuwento ng ex fiance ko ang tungkol sa best friend niya, isang hero na agad ang tumatak sa isip ko dahil siya ang tagapagtanggol ng mga kaibigan niya." Bumuntong-hininga siya. "Pero sigurado naman akong hindi niya magugustuhan 'yan. Hindi kasi talaga ako magaling pumili ng regalo."

"Hindi totoo 'yan," mariing kontra naman ni Strike. "Sa tingin ko, magugustuhan niya ang kapang 'to."

"Talaga? Paano mo naman nasabi 'yan?"

"Lahat ng lalaki, pinangarap maging Superman sa buhay nila. Tingnan mo ko." Tumayo ito at sinuot ang pulang kapa. Pagkatapos ay tinaas nito ang kamay nito na animo'y si Superman na naghahanda sa paglipad nito. "Bagay ba?"

Natawa siya sa itsura ni Strike. "Strike!"

Tumakbo-takbo naman ito habang nakataas pa rin ang kamay. "Look, look! I'm flying!"

Lalong lumakas ang tawa niya. Napaupo na siya sa kalsada habang nakahawak sa tiyan na. "Hey, stop that! You look silly!"

Himbis na huminto ay ipinagpatuloy lang nito ang ginagawa nito. Hindi niya akalain na ang dapat ay masakit na pagbitaw niya sa tanging bagay na nag-uugnay sa kanya sa nakaraan niya ay naging gano'n kagaang sa kalooban niya.

"Okay na na?" mayamaya ay tanong ni Strike.

Bumuntong-hininga siya nang mahimasmasan na siya. "Okay na ko. Salamat, Strike. Pinagaang mo na naman ang loob ko."

Huminto si Strike sa pagtakbo. Nanatili itong nakatayo at nakatitig lang sa kanya. Pero sa kabila ng ngiti nito ay may nabasa siyang lungkot at sakit sa mga mata nito. "Cee-Cee, I'm sorry."

"Para saan?" gulat na tanong niya.

Umiling lang ito, saka nilahad ang kamay sa kanya. "Tulungan na kitang tumayo."

Tinanggap niya ang kamay nito. Hinila siya nito patayo. Pero kahit nakatayo na siya ay hindi pa rin siya nito binitawan. He even squeezed her hand. "Strike?"

Yumuko ito habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa kamay niya. "I will do everything to make you happy, Cee-Cee. 'Wag ka nang kumontra. Hindi mo rin naman ako mapipigilan."

"Strike..."

Nag-iwas siya ng tingin dito, pero hinila pa rin siya nito. "Kain na tayo. Ang ayoko sa lahat ay 'yong papayat ka."

My Favorite Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon