34

321 19 8
                                    

Kean's POV

Putangina, totoo ba 'to? Kaharap ko yung babaeng matagal na akong kinalimutan? Kaharap ko yung babaeng matagal ko ng gustong hagkan? Kaharap ko yung babaeng hindi ko naisip na lokohin ni minsan? At kaharap ko yung babaeng gusto ko na ring kalimutan? Puta, ang gago mo tadhana. Mali na naman ba ulit? Ulok, hindi na book 1 'to!

"V-Venus?" yan lang ang lumabas sa bibig ko ng makita ko ulit siya. Ang ganda niya pa rin. Ang ganda ganda niya at siya pa rin yung babaeng minahal ko. Halatang nagulat din siya at napakuyom ng kamao.

"K-Kean?"

"Ano ang ginagawa mo dito?" tanong ko na ikinayuko niya. Naiilang rin siguro siya.

"Ah, ako kasi yung secretary ng boss dito sa company na 'to." Wtf? Secretary ko siya? Bakit? Bakit hindi rin nasabi ni Vienne sa akin ang bagay na ito?

"So, you're my secretary?" napatingin ako sa reaction niya at nakita kong nanlaki ang mata niya. "Lol, I know it kinda awkward but forget the past. I'm Kean Buenaventura, the owner of this company. Nice to meet you again." sabi ko na lang at inilahad ang kamay ko for a shakehands. Tinitigan niya lang ito at parang nagaalinlangan hawakan kaya tatanggalin ko na sana ito ng bigla niyang hinila sabay shakehands.

"I'm Venus Camreigh and I'm assigned to be your secretary, Sir Buenaventura."

"Have a seat." sabi ko at umiwas ng tingin. Ang lambot pa rin ng kamay niya tapos yung boses niya ang nipis pa rin, damn.

"So, kailan ka pa nakapagpatayo ng company? Good to you that you're independent now." sabi niya at ngumiti. Huwag Venus please, nahuhulog ang puso ko— puta baduy.

"2 years ago." sabi ko na ikanatango niya. That was 2 years ago. After the day you left me without listening to my reasons. Napailing naman ako. "Let's check all the paperworks here para matapos na rin agad." sabi ko at itinuloy ang mga sinusulat ko kanina bago tumawag si Tracy.

"Uh, sir Kean?" pagtawag nito sa akin kaya napalingon ako. Great, Kean. Napangiti na lang ako ng mapakla ng manggaling sa kanya mismo ang pagtawag sa pangalan ko tapos kay sir pa, puta.

"Hmm?" sabi ko ng hindi lumilingon.

"Hindi ba nasabi sayo ni Vienne na ako ang secretary mo?"

"Hindi. Sayo ba? Sinabi ba niya sayo na ako ang boss mo?"

"H-hindi rin." sabi nito. Wala ng umimik after that discussion at napuno na lang ng katahimikan ang loob ng meeting room.

indelible || j.hsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon