Kean's POV
"Tito Kean?!" Napangiti ako ng makita ko si Taylor. Dali dali itong nagtungo sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Binuhat ko siya at tinapik ang ulo nito.
"Hey, Taylor. What's up?"
"Okay naman po. Nasaan po si mama?"
"Hindi siya makakarating eh. So ano pala ginagawa mo dito sa labas? Hindi ba dapat nasa loob ka?"
"Hinihintay ko po kasi si mama eh."
"I'm here don't worry. I'm going to attend the meeting." sabi ko. "Wait, why do you look pale? Ayaw mo bang may makimeeting sayo?"
"I'm just afraid po."
"Afraid on what?" kunot noo kong tanong.
"Tito Kean, I'm---"
"Hello po, sir. Are you the guardian of Taylor?" Napatingin ako kay Taylor at tumango sa babaeng kaharap ko ngayon. Nagulat na lang ako ng bigla akong yakapin ng bata.
"Can you come with us to the guidance office, sir?" napakunot ang noo ko at tumango na lang.
Naglakad na kami at pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay bigla na lang akong nakarinig ng isang boses ng babae na nagagalit.
"Ayan na pala ang guardian ni Taylor. Goodafternoon po, sir."
"Goodafternoon." bati ko at umupo sa gilid. Nagulat na lang ako ng malaman ko kung sino ang nasa harap ko ngayon. Tombs? Anong ginagawa niya dito?
"Sir and ma'am, nais ko po sanang malaman niyo na kaya ko po kayo pinatawag ay dahil po sa nagawang gulo ng mga anak niyo."
"Wait ma'am, hindi ko po siya anak." napatingin ako kay Venus dahil sa walang dahilan at mukhang nagulat siya sa sinabi ko.
"Ano niya po ba kayo, sir?"
"Kaibigan ako ng mama niya at ako muna ang umattend ngayon dahil malelate ito ng dating. Ano ba ang nangyari?"
"Nakita na lang po namin na nagsasabunutan iyang dalawang bata. Ngayon po sir at ma'am, nagkaroon po ng sugat itong si Nisha dahil nakalmot siya nitong si Taylor. Nais ko lamang po ipaalam sa inyo agad para mapag-usapan agad dahil alam naming maaaring sumugod ang magulang nitong si Nisha dahil sa nangyari."
"Hindi pwedeng sumugod basta ang mga magulang lalo na kung hindi pa nila alam ang katotohanan. Hindi ba?" pangangatwiran ko.
"Bakit hindi? Eh paano kung nabagok ang bata at hindi na nagawang magpaliwanag, wala na bang karapatang sumugod ang magulang sa paaralan?" inis naman na pangangatwiran ni Venus.
"Eh paano kung kasalanan naman nung anak nung magulang na sumugod?"
"That's impossible!"
"Hindi impossible yun."
"Wait lang po, sir and ma'am. Kaya hindi po magkakaayos ang mga bata dahil pati mga magulang nila, nakikisabayan sa gulo. Pwede po bang kumalma muna po?"
"Let us the children to tell the whole story." suhestiyon ko. Tumingin ako kay Taylor at tinanguan ito. "Taylor, will you tell us what happened?"
"Tito Kean.." nakayuko itong nagpapaliwanag. "It was lunch time and I was about to eat ng bigla niya pong sikuin yung kamay ko. Natapon po lahat sa akin yung mga pagkain ko. Nagawa ko lang naman po yun kasi nasayang po yung food na niluto ni mama."
"Wait, hindi pa rin tama na sabunutan mo na lang agad ang seatmate mo." sabi naman ni Venus.
"Sorry Taylor. Hindi ko naman sinasadya eh. I was just happy to eat my lunch because mama cooked it for me. Hindi ko naman sinasadya na matamaan eh."
"Then pareho kayong may kasalanan. Say sorry with each other. Go Taylor."
"Sorry na, Nisha. Hindi ko na uulitin."
"Sorry din, Taylor. Next time, mag-iingat na ako."
"Okay na po sa inyo yun, mga ma'am and sir?" Tumingin ako kay Venus at tumango.
"Akin, okay na."
"Yes, okay na sa akin. Pero sana next time ayoko ng mapunta pa sa physical na sakitan 'to."
"Sorry po, mama." sabi nung Nisha at niyakap si tombs. Tumayo na ako at kinarga si Taylor.
"Ms. Camreigh, thank you for coming and sorry rin po for not guiding your child that time. Sana po mas maturuan niyo pa ng good manners si Nisha because she will receive a high honor this year. Sana mamaintain niya pa."
"That's great! Thank you, ma'am."
BINABASA MO ANG
indelible || j.hs
Short Story【bangtan epistolary series #6】+ Kean just chatted you, ❝Hindi ka pa rin naaalis sa isipan at puso ko.❞ ↪ It's so hard to remove someone into our life who still have a part in our heart. The moment that you want to forget her but yourself keep on tel...