66

318 19 7
                                    

Kean's POV

"Hindi kaya mababankrupt ang kompanya kung masyado nating bababaan ang presyo ng mga products?" seryosong tanong ko kay Slater, isa sa mga kaibigan ko noon na kasundo ko pa rin ngayon dahil sa bagay na 'to.

"Tama, masyadong mababa ang sinuggest mo na price at kapag nangyari 'yun, marami ngang bibili pero hindi natin mareareach ang goal natin." pagsang-ayon naman ni Slater.

"Okay, sorry. I didn't realized that pero tama nga kayo. But atleast, we need to release some prices na kayang bilhin ng lahat. Good quality naman ang products natin kaya for sure may bibili at bibili pero iilan nga lang." sabi naman ni Robi, isa pa sa mga kasama namin. Napatango naman ako at inikot ikot ang upuan ko habang nag-iisip ng maisusuggest.

"Wait, bakit nga ba price ang pinag-uusapan natin agad? Hindi ba kailangan pa nating lumibot para makita ang ibang materials para maging succesful yung product?"

"Oo nga naman, Robi. Tama si Kean. Saka na lang natin pag-usapan ang presyo kapag nasigurado na natin kung magkano ba ang magagastos every one product. May 6 days pa naman."

"Oh sige. So paano ba 'yan? Kean, mauna na kami ni Slater. Uuwi kami sa bahay kasi may celebration sa amin at ito namang si Slater, meron daw siyang inaayos pa. Babalik na lang kami ulit ng maaga dito." nagulat ako sa pinaalam nila pero tumango na din. Nakakapagod naman sa byahe nun, tss.

Tumayo na agad si Venus ng makita niyang umalis na sina Robi at nagpaalam dito. Lumapit ako sa kanya at nginitian ito ng nakakaloko.

"Hindi ka ba nabagot?" hindi niya ako inimik at inirapan lang ako. Kanina pa siya ganyan, ano ba ang problema niya?

"Huy, ayos ka lang? Ano ba ang problema mo?" tanong ko ulit pero wala pa rin akong natanggap na sagot mula sa kanya.

"Napipi ka na naman sa kagwapuhan ko, hays. Pero galit ka pa ba? Dahil ba sa kanina?"

"Tangina, nakakaewan kausapin ang saril—"

"Bakit ba kasi ang tagal mo kanina?!" nagulat ako ng bigla siyang sumigaw. Nagiging dragon na naman siya.

"Ah, so yung kanina nga yung problema? Eh anong magagawa ko? Pinamoved nga nila yung schedule eh." sabi ko. "Sa tingin mo ba ginusto kong paghintayin ka ng matagal?" dagdag ko pa na ikinalaki ng mata ko ng mapagtanto ko kung ano ba talaga yung sinabi ko.

"I don't have any problem kung pinamoved or hindi but my point here is hindi mo sinabi sa akin agad. Ngayon, mukha akong bangag dahil ang aga kong nagising at kulang ako sa tulog."

"Tatlong oras ka lang naghintay, Ve—"

"Tatlong oras lang?! Nakakainip maghintay, sir."

"Kung gusto mo, gagawin mo." sabi ko ng seryoso. I looked into her eyes at ngumiti ng mapakla. "It's just 3 hours. Me, I've waited you for almost 2 years yet hindi ako nagreklamo because I know, it's worth it. Let's go." dagdag ko pa at tuluyan ng lumabas.

pacheck ng grammar, salamat : )

indelible || j.hsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon