83

277 17 7
                                    

Kean's POV

"Lol, even if I say it's okay, wala naman mangyayari eh. Meron ng nakahigit sa akin. There's no other way para maging tayo pa ulit. Pero oo nga naman, sorry nga lang pala ang sinabi mo. Hindi mo nga sinabing mahal mo rin ako. Okay lang, tombs."

"Kean.."

"Sorry for hurting you and causing you too much pain, tombs. That was all unintentionally, I swear—"

"Shh. Yeah, naniniwala na ako."

"Tombs, before I accept na hindi na talaga tayo pwede, pwede bang magtanong ulit ako?" tumango naman siya. "Anak mo ba talaga si Nisha?"

"Oo, Kean."

"Tell me the truth, Ven please. Alam kong hindi mo siyang anak—"

"Anak ko siya, Kean. Bakit mo ba natanong 'yan?"

"Bago kami umalis ni Taylor kahapon, tinawag ka ng adviser ni Nisha na ms. camreigh. Kung anak mo siya at kasal na kayo ni Theo, hindi mo na dapat gamit pa ang apelyido mo at dapat misis na. I check all the papers na finill-upan mo nun bago ka ilipat dito sa company. Camreigh talaga ang nakalagay sa surname mo. Venus, can I know the truth? Nabuntis ka ba ng iba bago ka umalis? O nagpabuntis ka sa lalaking 'yon ng hindi pa kayo kasal? Really, tombs? Ganon ka bang babae—" at ayun, nakatanggap ako ng malakas na sampal mula sa kanya.

"Kean, kilala mo ko. Hindi ako ganong klase ng babae. Pinangako ko sa sarili ko na hindi ako magpapabuntis hangga't hindi pa ako kasal!"

"Edi ayun nga! Edi hindi mo nga anak si Nisha!"

"Anak ko nga siya! Tinuring ko na siya bilang anak, okay?!"

"But not biologically!"

"Oo na! Hindi ko anak si Nisha! Anak siya ni Theo! Nagkakilala kami ni Theo sa trabaho ko sa US. Niligawan niya ako at nalaman kong may anak siya. He's a single dad. Iniwan sa kanya yung bata nung babae dahil mas pinili niya ang career niya kesa sa pamilya niya. You don't know how it feels like kapag nalaman mong hindi buo ang pamilya mo. Nung naging kami ni Theo, I considered Nisha as my daughter. Gusto ko lumaki ang bata ng may kikilalanin siyang ina pero syempre alam niya na na hindi talaga ako ang mama niya. At alam mo ba ang kinakatakot ko Kean? Yung dumating yung araw na bumalik ang nanay ni Nisha at bumalik sa buhay nila."

"Bakit ka natatakot?! Hindi ba ikaw ang nagbuo sa pamilyang binitawan niya?! Sa tingin mo ba papayag yung gago mong boyfriend na bumalik yung babaeng nang-iwan sa kanila?"

"Hindi malabo."

"Ha? Naririnig mo ba ang sarili mo?! Hindi ba mahal niyo ang isa't isa?!"

"Kean, kahit magmahal ka man ng ibang tao.. Yung taong una mong minahal, siya pa rin ang hahanap hanapin mo. Hindi mo agad makakalimutan yung taong yun dahil siya ang pinakaminahal mo ng lubos."

indelible || j.hsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon