21

343 21 9
                                    

Venus' POV

"She's here." Napalingon ako sa pintuan ng marinig ko ang bulungan ng mga kasama kong secretary rin pero ilalagay sa iba't ibang kompanya na may konektado pa rin dito. Nagpaalam na rin si Samantha dahil may date daw sila ni Theron, haha.

Tumayo na ako at inayos ang uniform ko sabay lingon sa pumasok.

...

...

...

...

Is that Vienne?!

...

...

...

"Goodmorning ma'am Bellatrix." sabi ng isa at sumunod sa kanya.

"Goodmorning too." sabi nito at tinignan kami. Wait, ngumiti siya sa akin? Omg Vienne, bakit hindi mo sinabi sa akin? Ang ganda niyang tignan sa suot niya. Tomboy na ata ako?

"Goodmorning people." Then she smiled. Lumingon siya sa akin at tinaasan ako ng dalawang kilay sabay kindat. Goosebumps. "Let's have a seat, first."

Umupo na kami gaya ng sinabi niya at binuksan na ang mga papers na nasa harapan namin.

"Sorry kung pinaghintay ko kayo. Nagkaroon lang ng konting problema sa isang orientation room for employees kaya sila muna ang nameet ko dahil wala pa ang naatasang gumawa nito. So dahil nakahabol naman siya, dumiretso na ako agad dito. So sa tingin niyo, what is secretary? Ano ba ang mga task nito at bakit kailangan pa nito?" Nagsimula na kaming magbigay ng iba't ibang opinyon sa mga nasasabi niyang discussion about us.

——

"Let's call it a day. Sana marami kayong maapply sa mga naturo at napag-usapan nating lahat. The more na ginalingan niyo sa job, the more na lalaki ang matatanggap niyong sahod. Huwag niyong kalimutan lahat ng sinabi ko, okay? Pagbutihin niyo. Good day." sabi nito at nagsipalakpakan na kaming lahat after of all her discussions in front. Ang galing niya talaga.

Nagsialisan na sila at hinintay ko namang matapos si Vienne sa pakikipag-usap sa iba. Lumapit ako sa kanya at ganon din siya so we hugged each other. "Vienne, namiss kitaaaa!" sabi ko sabay gulo sa buhok niya.

"Walanghiya ka talaga. Galawin mo na lahat huwag lang ang buhok ko, huhu. Pero namiss din kitaaa!"

"Bakit hindi mo sinabi sa akin agad?!"

"Haha, surprise! Buti naman at dito ka nilagay! Jusko, may naintindihan ka naman kanina?"

"Wala. Masyadong malalim yung english eh."

"Che, haha. So kamusta naman kayo nila tita?"

"Ayun, nasurprise din siya nung nalaman niyang uuwi kami, haha."

"Eh si Theo and Nisha?"

"Kasama ko na ring umuwi dito. Dito na rin namin pag-aaralin si Nisha dahil gusto ni Theo."

"Kyah! So, ano? Ilibot muna kita sa office mo."

"Sige, para makapag-ayos na rin ako ng mga gamit ko." sabi ko at tumawa. Nagkwentuhan kami habang naglalakad hanggang sa pumasok kami sa isang office na sa tingin ko ay pagpwepwestuhan ko.

"So ito yung office mo. As you can see, may katabi ka pang isa dito. Isang transparent glass lang ang nakapagitan sa office niyo and this office besides yours is your boss' office."

"Buti naman at mukha lang ang kita sa glass na nakapagitan sa amin dahil baka mailang ako kung walang takip ang bandang katawan kapag nakaupo na ako."

"Of course. Pinatakpan talaga ni sir yun."

"Ah I see. So bukas, mag-iistart na ako hindi ba?"

"Yas and galingan mo ha?"

"Haha, oo naman. Thank you Vienneq."

"Always welcome! By the way, kung may kailangan siya sayo, nandyan ang telopono para tawagan ka. So, tara? Let's have a date." sabi nito at tumawa. Tumango ako at nagdecide na kaming umalis na.

indelible || j.hsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon