40

294 17 13
                                    

Kean's POV

Nakangiti akong pumasok sa office ko at sumisipol sipol pa. Hindi ko alam pero ang ganda ng araw ko. Feeling ko ang gwapo gwapo ko, hays. Ay hindi lang pala feeling. Nakikita ko ang mga empleyado na nagtataka at tinatanong kung anong nakain ko. Nung sinabi kong mani yung kinain ko, hinampas nila ako. Ayan hirap sa kanila eh.

Umupo na ako sa upuan ko at binuksan ang laptop ko. Napalingon ako sa side ko at nakita ko siyang busy na nagsusulat sa table niya. Napangisi ako bigla at kinuha ang telepono.

Tinignan ko siya ng may ngisi pa rin sa labi habang nakadikit sa tenga ko ang telepono. Mukhang nagulat siya ng tumunog ito at nilingon ako. Tinaasan ko naman siya ng kilay at kinindatan siya. Ewan ko pero natutuwa akong naging secretary ko siya. Maganda nga talaga ang epekto ng mani.

"Oh?" bungad niya na ikinakunot ng noo ko. Maya maya ay natawa ako at napailing.

"Ganyan ka ba bumati sa boss mo?"

"Aish! Yes sir? What can I do for you?" bakas na sa tono ng pananalita niya ang irita. Bakit ko nga ba siya tinawagan? Para marinig ang boses niya?

"Pft, give me some cup of coffee. Marami akong gagawin dito kaya kailangan ko ng maiinom na kape." sabi ko agad at pinatay na ang tawag. Hindi ko alam pero parang natense ako nang masabi ko sa sarili ko na gusto ko lang marinig ang boses niya.

Umiling na lang ako at binuksan ang laptop ko. Habang nagtatype ako ay bigla na lang akong napatingin sa pinto ng bumukas ito. Niluwa nito si Venus na may dala-dalang kape habang nakatingin sa akin ng masama.

"Oh." sabi niya at nilapag sa desk ko ang kape. Napangisi ako at ininom na ito.

"Pwe! Bakit puro coffeemate at asukal lang 'to?!"

"Sinadya ko iyan. Kanina pa ako nanggigigil sayo dahil sa kanina ka pa utos ng utos. Hindi pa tapos yung isa, ayan na naman."

"Ano pa't secretary kita?"

"There's a difference between secretary and maid. Alam kong mas nakakataas ka sa akin pero know your job, sir." sabi niya at iniwan ako. Masyado na ata akong sumobra? Gusto ko lang naman siyang makita eh.

indelible || j.hsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon