Kean's POV
"Ano?! One room nalang ang available?! Miss, tinanong kita kanina bago kami makapunta dito and sinabi mo sa akin na magrereserved ka ng two rooms for us!" nakatingin lang ako kay Venus na nasa harap ng babae ngayon. Nakasandal lang ako sa table at pinagmamasdan silang dalawa.
"Sorry po, ma'am. Ang pagkakaalam ko po kasi ay two bedrooms ang kailangan niyo."
"Yeah, two bedrooms and ibig kong sabihin doon ay dalawang kwarto."
"Sorry po talaga, ma'am."
"Teka nga." pagsingit ko na sa usapan. "Venus, kung gusto mo matulog ka na diyan sa room na available tapos ako, hahanap na lang ng iba pang hotel dito. I'll just text you. Huwag ka mag-alala susunduin naman kita dito." lumingon ako dun sa babae. "Miss, pakibigay na sa kanya yung susi. Tawagan niyo na lang ako kapag may problema."
"Teka nga, sir. Umuulan tapos magdadrive ka pa? Aish, sige na. Magshare na lang tayo sa one room. Dalawa naman ang kama at wait, maluwang ba yun, miss?"
"Yes po, ma'am."
"Okay. Kukunin na namin." sabi nito at nauna ng maglakad palayo sa akin. Sus, ayaw pa kasing amining nag-aalala pa rin siya sa akin.
"Ah miss, salamat ha? Pagpasensyahan mo na yung girlfriend ko, may dalaw eh." natatawa kong sabi at kinindatan yung babae. Hindi naman masamang mangarap, Kean. "Hoy, hintayin mo naman ako."
BINABASA MO ANG
indelible || j.hs
Short Story【bangtan epistolary series #6】+ Kean just chatted you, ❝Hindi ka pa rin naaalis sa isipan at puso ko.❞ ↪ It's so hard to remove someone into our life who still have a part in our heart. The moment that you want to forget her but yourself keep on tel...