32

312 22 19
                                    

Venus' POV

Nagdadrive na ako papunta sa company ng maalala ko ulit ang chat ni Sam sa akin kanina.

"Birthday ko na sa wednesday kaya huwag ka mawawala, okay? Sama mo na rin sila tita, theo and nisha, yiiee.. aasahan ko yan ha!" Ano kaya magandang iregalo sa kanya? Balutin ko kaya si Ron? Hahahays.

Napatingin ako sa relo ko at 6:20 palang pala. Nagmaneho lang ako at saktong pagdating ko sa KBVT company ay paparating palang ang mga ibang empleyado.

"Goodmorning po ma'am Camreigh." nagulat ako ng batiin ako ng guard. Nashook ang kuya niyo. Kilala niya na ako agad?

"Kilala mo po ako kuya? By the way, goodmorning!"

"Opo ma'am. Nagandahan po kasi ako sa inyo nung pumasok kayo kahapon kaya inalam ko po ang name niyo. Sige po ma'am, pumasok na po kayo." at nagbow siya. Wow, compliment from a guard. Nasaan na kaya si Vienne?

Pumasok na ako sa office ko at nilagay ang mga dala kong gamit. Napalingon ako sa side ko at nakita kong nandiyan na ang gamit ni sir. Sht, naghihintay na siya siguro sa meeting room. Lumabas ako agad at naglakad na papunta dito.

Habang naglalakad ako ay binabati ko ang mga nakakasalubong kong empleyado. Kinakabahan ako. Sa text palang ni sir parang masungit na. Sana lang hindi siya yung katulad ng mga ibang boss na masayadong mapangtake advantage sa mga secretary nila. I hope he's nice.

Nandito na ako ngayon sa harap ng pinto at nagdadalawang isip kung kakatok pa ba o hindi. Hays, kaya mo 'yan Venus. Kapag hinarass ka, sipain mo ang kaligayahan. Woo!

"Goodmorning po sir, this is your secretary." sabi ko mula sa labas ng pinto.

"Come in. It's open." sabi nito na may malalim na boses. Dahan dahan kong pinihit ang knob at pumasok dito. Laking gulat ko na lang ng....

Kean's POV

"Yes, I'll check my sched kung makakapunta ba ako. Just give Taylor a "hi" from me." sabi ko sa kabilang linya. I heard her giggles kaya napakunot ang noo ko. "Any problem?"

"Wala naman. Masaya lang ako na nagagawang alalahanin si Taylor." sabi nito na ikinatango ko na alam kong hindi naman niya makikita. "No work?"

"Nah, meron. Hinihintay ko lang ang secretary ko." at napatingin ako sa orasan. 6:30 palang.

Napalingon ako sa pinto ng may kumatok dito at hinintay na may magsalita dito. "Goodmorning po sir, this is your secretary." Napatigil ako saglit. Ang aga niya naman ata? Pero mas maganda yun para matapos namin agad 'tong mga paperworks.

"Come in. It's open." sabi ko. "I need to hang up, Tracy. Goodbye." paalam ko naman sa kausap ko at nilagay na ang phone sa bulsa ko. Saktong pagbukas ng pinto ay ang pagtingin ko sa pumasok.

...

...

...

...

putangina..

indelible || j.hsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon