70

272 20 11
                                    

Kean's POV

"Venus, tara."

"Huh? Aalis ulit?"

"Let's have some deserts. Nagugutom ako eh. Gusto mo bang sumama?"

"Uh.."

"I think hindi ka sasama. Okay, just stay here." sabi ko at kinuha na ang susi ng room namin.

"Wait, sasama ako. Ayoko maiwan mag-isa dito."

"Now you know how it feels like." bulong ko at napatawa ng mahina.

"Ha?"

"Wala, bilisan mo dyan kako."

"Eto na nga."

Lumabas na kami at pumunta sa restaurant. Naglalaro lang ako ng phone ko habang siya naman ay nagtitingin ata ng mga posts sa facebook or instagram.

"Akala ko ba nagugutom ka?" tanong niya at kumain sa pagkaing nasa harap niya.

"Actually, gutom naman talaga ako pero ikaw kasi eh."

"Huh? Anong ako?"

"Boses mo lang busog na ako eh." napatigil siya sa pagkain niya at nasamid. Bwisit ka Kean, napakabaduy mo talaga kahit kailan.

"Inaatake ka na naman ng kalandian mo, tigilan mo ako."

"Binibiro ka lang."

"Sabagay, lahat naman para sayo biro eh. Kailan ka ba nagseryoso?" Teka, personalan na ata ito ah?

"Noong panahong tayo pa—"

"Kung seryoso ka bakit hanggang 'noon' na lang ang salitang tayo?"

"Kasi hindi mo pinakinggan ni isang paliwanag ko."

"Paliwanag na alam nating pareho na wala namang katotohanan."

"Okay, let's end this. I don't want to fight with you. Alam kong talo ako lalo na kapag ikaw na ang kalaban ko. Just finish your foods." sabi ko at napaiwas na lang ng tingin.

"Ikaw ang nauna."

"That's why I end it. Sorry na." at hindi siya umimik pa. "Alam kong nakuha mo kung ano ba ang kinakasorry ko. Wait, tatae lang ako." wala akong maisip na sasabihin eh. Nakakahiya, ang baboy ko.

indelible || j.hsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon