Kean's POV
"Venus, can we talk?" sabi ko agad pagkapasok na pagkapasok ko sa office niya. Napakunot ang noo niya at tumango na lang.
"Uh, okay sir. Dito na po ba?"
"Follow me." sabi ko at pumunta sa meeting room. Ramdam ko namang nakasunod siya.
Umupo ako sa upuan ko at ganon din siya. Napuno ng katahimikan ang buong room kaya bigla na lamang niyang binasag ito.
"Ano ba ang pag-uusapan natin?" Napatitig ako sa mata niya na ikinailang niya bigla.
"Venus.. anak mo ba talaga si Nisha?" seryoso kong tanong.
"Huh? Syempre oo--"
"I mean, biologically?" napansin kong nagulat siya sa tinanong ko kaya napalingon siya sa iba.
"Oo." seryoso niyang sabi. "Bakit mo ba tinatanong? Would you mind your own life?"
"You're my life."
"Kean, ano bang kalokohan ito? Is this a prank? If it's yes then tama na. Madami pa akong gagawin."
"Tell me the truth, Venus."
"Truth? For what? Bakit ikaw ba? Nagawa mo bang sabihin sa akin lahat ng totoo?"
"So tungkol na naman sa atin ang usapan? Damn, Venus! Ano pa bang gusto mo? Kasalanan ko bang hindi ako nakapagpaliwanag sayo dahil iniwan mo ko?!"
"Iniwan kita kasi nagloko ka! If there's someone that we need to blamed here, that's you! It's all your fault!"
"Paano mo nasasabi ang mga bagay na 'yan eh hindi mo nga alam lahat ng buong istorya?!"
"Oh sige, pag-usapan natin. Ano ba talaga ang totoo? Teka,tama ba ang tanong ko? Okay,ano nga ba ang kasinungalingan?"
"Tangina naman, Venus! Kailan ba ako nagsinungaling sayo?! Kung nabuntis ko siya edi sana pinanagutan ko! Narinig mo naman yung sinabi ko sa principal kahapon diba?! Tito lang ako ni Taylor!"
"Bakit mo naman papanugatan yun? Ikaw nga si Kean Buenaventura, hindi ba?" napatayo na ako at napasapok na sa noo ko.
"Bakit ba ang kulit mo?! How many times should I tell you na wala ngang nangyari sa amin ni Tracy?!"
"Sino ang ama ni Taylor? Ano yun? Nabuo na lang bigla? Nirape ni Tracy yung unan tapos nagkaroon na lang ng bata bigla, ganon ba?!"
"May nakabuntis na kay Tracy bago pa kami magkita sa party! Sinabi niya yun kasi gusto niyang akuhin ko ang responsibilidad nung gagong nakabuntis sa kanya!" napatahimik siya bigla kaya binabaan ko na ang boses ko. "Tombs, nalaglag yung bata. Nabaliw si Tracy that time kaya sinamahan ko siya. We adopted some child na alam naming makakapagpabalik sa dating Tracy. Ayun si Taylor."
Hindi siya umimik at nakita ko na sa mga mata niya ang mga luhang alam kong kanina niya pa pinipigilang bumagsak.
"Tombs naman. Huwag naman sanang ganito. Mahal kita eh. Mahal na mahal kita, alam mo yan. Hindi ako gagawa ng bagay na alam kong ikakahiwalay natin. Gumawa ako ng paraan. Sinundan kita sa US kaso tangina eh. Alam mo bang ang sakit gago."
"Ang sakit sakit na makita kitang may kasamang ibang lalaki sa labas ng room mo sa hotel at magkayakap pa kayo? Putangina Venus. Hindi mo ba alam kung gaano ako nabaliw nung araw na yun? Gusto ko siyang sugudin kasi gusto ko akin ka lang. No one else can hug you. No one else can kiss you. No one else can make you happy. No one else can do all the things the way I do to you. Kasi tombs gusto ko, akin ka lang."
"Pero sino ba ako? Tinanggal mo na ako sa buhay mo diba? Ang sakit kasi ako gumagawa ng paraan para magkabalikan pa tayo pero ikaw, may iba na pala. Chinat kita sa emails mo pero hindi mo na ginagamit. Nagdeactivates ka sa iba mong accounts. Nagtext ako pero nagbago ka ng number. Tinanong ko mga kaibigan pero ni isa sa kanila walang nagbigay ni isang balita tungkol sayo. Ito ba yung sinasabi mong sinungaling?"
"Siguro iniisip mong nagsisinungaling na naman ako. Ikaw bahala kung maniniwala ka o hindi pero nandyan si Vienne, sila fa, si mama at ako. Kami ang may alam lahat ng totoo. Huwag mo na paniwalaan lahat ng sinabi ko pero please sana naman maniwala ka sa limang salitang sasabihin ko. Tombs, mahal na mahal kita." sabi ko at pinunasan ang luha ko. Gago, nakakabading.
"Hanggang ngayon, hindi ka pa rin naaalis sa isipan at puso ko."
"I don't know what to say, Kean. I'm sorry." sabi niya at patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Can you please stop crying? Pinaiyak na naman kita sa pang-ilang pagkakataon and I fucking hate that. Ayokong umiyak ka ng ako na naman ang dahilan. I feel too much pain. Hindi lang tripleng sakit ang nararamdaman ko sa nararamdaman mo. So please, don't Ven. I'm begging you."
"Kean.. I'm sorry.."

BINABASA MO ANG
indelible || j.hs
Nouvelles【bangtan epistolary series #6】+ Kean just chatted you, ❝Hindi ka pa rin naaalis sa isipan at puso ko.❞ ↪ It's so hard to remove someone into our life who still have a part in our heart. The moment that you want to forget her but yourself keep on tel...