Chapter 2: New School, New Friends

76 9 0
                                    


Xiomara's POV

May bagong teacher naman na pumasok samin. Dahil bago nga edi nagpakilala naman kami. Ito ang ayoko kapag first day of school eh! Puros pakilala.

Kada pasok ng teacher ay nagpapakilala kami. Tapos pagsusulatin ng mga expectations namin. Mataas expectations ko kaya ang sinulat ko lang ay 'Ineexpect ko po na magiging maayos ang school year na ito' Ang taas ng expectations ko noh? Hehehe ^_^

*kring kring*

Napatayo na ako dahil recess na namin. Recess pa lang namin hindi pa lunch.

"Ouch!para saan yun?" Sabi ko habang hinihimas yung batok ko na binatukan ni Marie. Bakit bigla na lang itong nangbabatok?

"Para yan sa pagnominate mo sa akin"inis na sabi niya. Ah yun ba hahaha dapat nga pasalamatan mo pa ako eh kasi may kaloveteam kana!

"Bakit mo ako ninominate bilang muse?"tanong nito sa akin. Ang daming tanong!

"Bakit ayaw mo? Kung ayaw mo tara samahan kita puntahan natin si ma'am sabihin natin na ayaw mo para tapos ang problema"sabi ko sa kanya

"Wag na tapos na ako na muse"sabi niya at umiwas ng tingin. Gusto rin naman kasi niya. Pebebe lang!

"Alam mo kasi. Alam ko naman na gusto mong maging muse kaya ninominate kita. Dapat nga pasalamatan mo ako at mayka--"hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang may nagsalita

"Uhm hi po!"nahihiyang sabi ni...ano nga pangalan nito? Siya yung vice president namin eh ano nga yun?

"Hi bakit maykailangan ka ba?"medyo mataray na sagot ni Keila. Nakalapit na kasi sila sa amin. Ang taray naman nito.

"Uhm hello my name is Xiomara and you are?"sabi ko at inabot yung kamay ko sa kanya

"Angela"inabot niya rin yung kamay niya. Ah Angela pala name niya

"Ah ikaw yung vice president natin diba?"

"Ahh oo ako yun"tatawa-tawang sambit nito. May nakakatawa ba?

"Ah ok. Kakain ka naba?"tanong ko.

"Hindi pa mamaya pa kami kakain sa lunch. Sabay-sabay tayo kumain?"tanong niya. Wow ang bait niya hah.

"Sige ba! Pero pwede bang humingi ng favor?"tanong ko sa kanya. Wala ng hiya-hiya toh hahaha

"Uhm sige ano yun?"tanong niya sa akin

"Pwede mo ba kaming ilibot dito sa school? Hindi pa kasi namin nalilibot ito eh"ang laki kasi ng school na 'to.

"Oo ba. Wait tawagin ko lang si Yana ah"sabi niya na parang excited. Hinarap ko naman ang aking mga kaibigan

"Ano nakikinig ba kayo sa usapan namin? Kung nakikinig kayo tara na"sabi ko.

"Ang bipolar mo talaga!"rinig kong sabi ni Cass. Anong bipolar dun?

"Bipolar na kung bipolar. Basta maganda ako diba?"nakangiti kong sabi

"Tara na?"sabi ni Angela na may kasamang babae. Bakit ba bigla-bigla na lang itong sumusulpot?

"Angela ba't biglaan ka na lang sumusulpot. Kabote kaba?"tanong ko

"Hahaha hindi ah! Ito pala si Yana siya yung secretary natin"pakilala niya kay Yana

"Hi Yana ako si Marie"pagpapakilala ni Marie sa kanyang sarili

"Ako naman si Amanda"

Bestfriends Today Enemies Tomorrow (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon