Keila's POV
I wonder kung bakit kailangan pang maghirap bago makalasap ng sarap? Hindi ba pwedeng kumain na lang kami? Ang dami pa kasing pakulo eh!
"Ano na Keila?"masama kong tiningnan si kuya dahil masyado siyang panira. Lagi na lang siyang hadlang sa kasiyahan ko.
"Gagawin mo ba o hindi?"nakangising saad niya
"Bakit ko naman gagawin?"
"Kasi sayo nakasalalay ang lalaman sa mga tiyan niyo"napairap ako sa kawalan dahil sa sinabi niya. This is nonsense!
"Keila gawin mo na please! Gutom na ako"pagmamakaawa sa akin ni Xio
"Kaya nga Keila please.."
"Gutom na kami"
"Please Keila!"
"Bakit kasi ako pa? Tsaka ang layo-layo ng main office dito eh!"reklamo ko. Pano ba naman kasi pinapapunta nila ako sa main office ng resort na ito, tapos maydadalhin pa akong pagkabigat-bigat na bag. Nice right? Pshh
"Bahala ka. Magutom kayo diyan"ngiting-ngiti paring saad ni kuya na prenteng nakaupo sa sofa.
"Dadalhin mo lang naman itong bag dun sa main office. Hanapin mo si ma'am Anna then bigay mo yung bag. After nun pwede ka ng bumalik dito at makakakain na kayo"paliwanag ni kuya
"Bakit hindi na lang ikaw! Hindi ko din alam kung saan yung main office"katwiran ko
"Hanapin mo"
"Niloloko mo ba ako?!"napatayo na ako sa inis at nilapitan si kuya. Isang sapak lang ayos na ako..
"Keila please bigay mo na yan dun. Kaninang umaga hindi tayo kumain, pati na rin ng tangghalian. Keila wala pang laman tiyan natin maggagabi na.."pagmamakaawa ni Xio. Lahat sila ay nakatingin sa akin na tila sa akin nakasalalay ang buhay nila. Sa akin naman talaga nakasalalay...
"Kaya nga Keila please kaya mo yan!"
"Bili na Keila!"
"Pleaseeeee..."
"Nagmamakaawa kami!"
BAKIT BA KASI AKO PA?!?!?!?!?
"Bakit hindi na lang kayo?"inis konb sabi at pasalampak na umupo sa sofa
"Kung pwede lang talaga kanina ko pa yun binigay!"tila nagtatampong saad ni Xio
"Kaya nga! Ibibigay lang naman diba?"pagsang-ayon naman ni Amanda
"Tsk! Oo na! Ako na!"inis akong tumayo at hinablot yung bag na nasa lapag. Malapit na akong makalabas ng biglang nagsalita si kuya
"Goodluck lil sis"nakangiting saad niya--nakangisi pala.
"Heh! Panget!"pabagsak kong sinara ang pintuan ng makalabas ako. Mabagal ang lakad ko ng makalabas na ako ng tuluyan sa hotel. Saan ba yung main office?
Lakad lang ako ng lakad hanggang makarating na ako sa labas ng hotel. May nakita akong guard kaya nilapitan ko ito.
"Kuya saan po ang main office nito?"tawag pansin ko kay kuya. Napatingin naman siya sa akin kaya ngumiti ako. Bumalik naman ulit yung paningin niya sa logbook niya. Snob, ouch!
"Kuya.."
"Malayo ang main office"sagot niya habang nakatingin parin sa logbook niya.
BINABASA MO ANG
Bestfriends Today Enemies Tomorrow (On Hold)
DiversosMeron limang magkakaibigan sila sina.. Marie De Vera Cassandra Guello Keila Suarez Amanda Selly Xiomara Peña Sila ay magkakaibigan...sabihin na nating matalik na magkakaibigan Ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari magbabago ang lahat. "Not all...