Chapter 19: Strange Feelings

30 6 1
                                    

Amanda's POV

"Usog nga dun!"umusog naman ako

"Usog pa!"umusog ulit ako

"Usog pa!"umusog ulit ako

"Us--

"Isa pang sabi ng usog sa amin Jerry masasapak na kita!"napatigil naman sa pagpapa-usog sa amin si Jerry ng magsalita si Xio. Nasa jeep kasi kaming walo ngayon pupunta kami ng terminal papunta sa Maynila

"Ang sikip kasi!"katwiran naman ni Jerry

"Hindi masikip. Pabibo ka lang!"inis na sabi ni Xio. Tama naman siya hindi naman talaga masikip. Ewan ko kung bakit pa kami pinapausod ni Jerry. Natahimik naman si Jerry at hindi na kami pinausod pa

"Tayo pa lang naman ang laman ng jeep nasisikipan na agad siya!"rinig kong inis na bulong ni Xio. Nilingon ko naman siya

"Ok lang yan Xio"sabi ko at tinapik ang balikat niya, napairap naman siya sa kawalan. Ang sungit na naman nito. Nilibot ko ang tingin ko sa buong jeep. Pinaggigitnaan ako ni Xio at ni Cassandra. Ang katabi naman ni Xio ay si Marie. Ang katabi naman ni Marie ay si Jerry. Ang katabi naman ni Jerry ay si Peter. Ang katabi naman ni Peter ay si Melvin at ang katabi naman ni Cassandra ay si Keila. Gets niyo?

|K|C|A|X|MA|J|P|MEL|

Ganyan ang pwesto namin sa jeep. Siguro naman gets niyo na. Tiningnan ko si Cassandra na busy sa cellphone niya. Simula ng mag kaayos sila ni Ezekiel lagi na niyang hawak yung phone niya, lagi na kasing magkatext. Hindi pa siya nauubusan ng load. Amazing right?

Npatingin naman ako sa katabi ni Cassandra na si Kiela. Naka earphones lang siya at nakatingin sa malayo. Nung isang araw pa siya tulala at malalim ang iniisip. Sana ayos lang siya, sa tuwing tatanungin ko kasi siya kung ayos lang siya tango lang ang sinasagot niya at bumabalik sa pagkatulala niya. Pero buti na rin at nagkaayos na kami.

Naalala ko nung pinuntahan niya ako sa garden eh nagdadrama ako nun dahil nga magkaaway kami..

*flashback*

"Ang drama mo talaga kahit kelan!"napataas ang tingin ko ng may nagsalita.

"Kailangan mo?"inis kong tanong. Makapagsalita kasi siya akala mo magkaayos kami. For her information magkagalit kami sa isa't-isa

"Hindi ikaw ang pinunta ko dito. Naisipan ko lang tumambay kaya dito ako napadpad. Wag assuming!"sabi niya at umupo sa ilalim ng katapat kong puno. Ako pa naging assuming tsk! Napairap na lang ako at tumingin sa malayo. Nagdadrama nga kasi ako ano ba!

"Akala mo nasa music video"rinig kong bulong ni Keila. Pero sa totoo lang hindi bulong yun eh, nagpaparinig na siya. Ano na naman bang problema ng babaitang ito? Tiningnan ko naman siya at nakita ko siyang naglalaro lang ng mga bato sa gilid niya. Napatingin na lang ulit ako sa malayo

"Alam mo Amanda minsan naiisip ko na napaka OA na natin eh!"narinig ko namang sabi niya kaya napadpad sa kanya ang tingin ko. Akala ko ba galit toh sakin?

"Maliliit na problema pinalalaki natin. Nadadamay pa tuloy yung buong tropa"pagpapatuloy niya. Tama nga naman pero kasi pinagtulungan nila ako!

"Kung inintindi niyo lang naman kasi ako edi sana maayos tayo!"

"Hindi lang naman kasi ikaw ang kailangan intindihin!"sagot niya sa akin

"Kahit na! Edi sana hindi niyo ako pinagtulungan diba!"medyo pasigaw ko ng sagot

"Sinabi ko bang pagtulungan ka namin? Hindi naman ah!"medyo pasigaw niya na ring sagot sa akin

"Eh basta! Pinagtutulungan niyo ako!"

Bestfriends Today Enemies Tomorrow (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon