Chapter 9:Appology Accepted

37 6 0
                                    

Cassandra's POV

One week.

One week niya na akong hindi pinapansin.

One week siyang naging cold sa tropa.

One week kong hindi nakita yung jolly na siya.

At sa one week na 'yun ay napaka-lungkot. Sobrang lungkot, kasi tahimik kami, kasi walang nang-aasar, walang maingay.

Naguguilty ako nang sobra kasi kung hindi ko siya sinabihan nun hindi siya magagalit, hindi niya ako iisnobin, hindi siya magiging cold sa tropa.

Pero ngayong maychance na ako. I mean lakas ng loob para kausapin siya ay gagawin ko na. Ayoko naman na lilipas na lang yung galit niya ng hindi pa ako nagsosorry sa kanya.

Ngayong kaharap ko na siya.

Masasabi ko na sa kanya lahat.

"Sorry"

Nagulat kami ng sabay kaming nagsabi ng sorry..

Pero bakit siya nagsosorry kasalanan ko naman yun,wala siyang kasalanan pero nagsosorry siya?ang gulo ah.

"Sorry Cass"malungkot na sabi niya at napayuko.

Huwat!? Anong kasalanan niya?

"Bakit ka nagsosorry? Ako itong maykasalanan" tama naman diba,kasalanan ko tapos siya magsosorry.

"Masyado ko kasing dinibdib yung sinabi mo,kaya umabot pa tayo sa ganito" malungkot parin na sabi niya.

Lumapit ako sa kanya at inangat ang ulo niya. Nakita kong nagngingilid na ang mga luha niya.

Hala!!

"Huy 'wag kang umiyak kasalanan ko yun"

"Pero nabigla ka lang naman diba?"inosenteng tanong niya. Hay! Bata pa nga siya.

"Oo nabigla ako. Pero syempre hindi ko na sana sinabi sayo yun,para hindi kana masaktan. Pinagtanggol mo lang naman ako sa kanya,pero ako pa itong mayganang sabihan ka ng 'nanggugulo ka lang' I'm sorry talaga. Kasalanan ko"sabi ko at hindi ko na napigilang mapaiyak,nagulat na lang ako nang bigla niya akong niyakap,kaya niyakap ko na lang siya pabalik. Namiss ko siya sobra...

"Sorry din Cass. Nagtampo lang ako sayo kasi ilang linggo ka na niyang pinipirwisyo pero hindi mo parin sinasabi sa amin. Kung hindi ko pa maririnig sa ibang estudyante,hindi ko pa malalaman. Ano pa't naging magkakaibigan tayo kung hindi mo sinasabi sa amin mga problema mo."mahabang sabi niya habang naiyak parin..

"Sorry!Sorry talaga"sabi ko at niyakap pa siya ng mahigpit.

"Uhh..ok-ay na!ok-ay na. H-indi n-a ako maka-hinga"hirap na sabi niya kaya napabitaw ako agad sa kanya..

"Bati na ba tayo?"kinakabahang tanong ko. Kasi naman eh ayoko talaga nang maykaaway sa amin.

"Pagiisipan ko"napasimangot naman ako sa sinabi niya. Sa hinaba-haba nang sinabi ko. Sinabi niya,nagiyakan pa nga tapos pagiisipan pa niya.. hah! Ano to lokohan. Ihh...

"Hahahaha"

Nagulat ako nang bigla na lang siyang tumawa na malakas. Luh problema neto.

"Yung mukha-haha..mo...hahahha....epic-hahaha"

Tawa lang siya nang tawa. Napatawa na lang din ako kasi bati na kami. Pano ko nasabi? Kasi tinatawanan niya na ako yieee bati na kami...

Tawa lang kami ng tawa nang biglang nagpeke ng ubo.

Bestfriends Today Enemies Tomorrow (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon