Chapter 6: Bullied

43 7 0
                                    

Cassandra's POV

Lumabas si Xio kasama si Jettro

Ohhh I smell something fishy! Hahaha

Anyways nandito lang ako sa room at nagbabasa ng story sa wattpad, alam niyo kasi lahat kami wattpader mahilig kami magbasa 'yun narin yung isa sa pinaka bonding namin, ang magbasa ng magkakasama, walang imikan pero hanggang magkakasama kami bonding na yun.

Sabi nga nila 'Friends that read together,stay together'

Oh diba! diba! maypaganon haha..

"Haaaayyyy kakaantok naman!"biglang sabi ni Marie habang naguunat nagsawa na sigurong magwattpad.

"Saan kaya pumunta sila Xiomara?"tanong ni Kiela

"Oo nga "

Si Xio talaga ang bilis makahakot ng lalaki, joke!

"Tara sundan natin sila"suhestiyon ni Amanda. Mga suggestion naman nitong babaeng toh!

"Paano? eh hindi nga natin alam kung nasan sila"tanong ni Marie. Kaya nga! Nasaan ba sila?

"Edi hanapin natin. Easy!"

"Hala sige hanapin mo, sa laki nitong school tingnan natin kung hindi ka abutin ng siyam-siyam"sabi ni Marie. Ang nega naman niya ngayon.

"Eh kung hanapin na kaya natin hindi yung nagbabangayan pa kayo diyan, sayang lang sa oras, Tsk!"sabi ni Keila at tumayo na.

"Sungit!"

"Sungit!"sabay naming sabi ni Marie kaya nagkatinginan kami at sabay tumawa hindi na lang kami pinansin ni Kiela at naglakad na, sumunod na si Amanda kaya sumunod narin kami.

Naglalakad-lakad kami hinahanap kung saan pwedeng magsusuot yung dalawa. Lakad dun lakad dito hays saan ba kasi talaga kami pupunta sunod lang kami ng sunod kay Kiela. habang naglalakad kami nakasalubong namin si Calix.

"Hi Marie"bati ni Calix. Ay wow si Marie lang talaga! Hello.. nandito rin po kaya kami.

"Oh! Hi din"balik na bati ni Marie tumingin naman sa amin si Calix at kinawayan kami, tapos tingin ulit kay Marie

"Saan kayo pupunta?"tanong ni Calix. Secret!

"Sa--hindi namin alam"sagot ni Marie haha tama nga naman hindi namin alam kung saan kami pupunta.

"Huh?"tanong ni Calix

"Ah kasi hinahanap namin si Xio tsaka si Jettro"ako naman ang sumagot napatingin naman siya sa akin tapos tumango tapos tumingin ulit kay Marie

"Ah ganun ba, baka nasa tambayan lang"sabi ni Calix kay Marie ay oo nga si Marie nga lang yung kinakausap niya eh. Onti na lang sasabihin ko na talagang may gusto toh kay Marie eh

"Sa tambayan?"tanong ni Marie

"Ah oo sa tambayan namin sa garden, dun siya lagi pumupunta pagtatambay siya eh"sabi ni Calix na nakatingin kay Marie. Oo si Marie nga lang yung nandito eh.

"Ah pwede mo bang ituro kung saan?"tanong ulit ni Marie. Sige na kayo na lang mag-usap. Hindi ok lang talaga. Hindi ok lang promise. Ok lang talaga. Sabing ok lang eh!

"Ah oo ba! Tara?"tanong niya tumango na lang kami at sumunod sa kanya. Naglalakad kami papunta sa garden, ang laki kaya ng garden. Lakad lang kami ng lakad ng may natatanaw akong dalawang taong naguusap sa ilalim ng malaking puno.

"Ayun sila oh"turo ni Amanda, mukang hindi nila kami napansin kaya dumiretso kami sa tapat nila pagdating namin dun nagulat kami ng biglang akbayan ni Jettro si Xiomara. Isa pa toh! Dalawa pala sila. Nakakabitter na ah!

Bestfriends Today Enemies Tomorrow (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon