Chapter 14: Stop!

34 8 6
                                    


Amanda's POV

Here I am. Far from home and walking alone.

Have you ever feel lonely when you're walking alone? Of course you do because you're alone right? What am I saying?

Omy! Nagdudugo na ata ang ilong ko.

Bakit nga ba kasi ako nag-eenglish? Bakit ang drama ko? Bakit lagi na lang akong nag-iisa? Bakit parang lagi na lang ako ang may kasalanan? Bakit ang ganda ko? Bakit ang dami kong tanong!?!?!

Tama na Amanda. Lumakad kana. Baka ma-late ka pa.

*blag*

"Ay nadapa!"

Kawawang bata tsk!tsk!tsk!. Patakbo akong pumunta sa bata at tinulungan tumayo. Mangiyak-ngiyak niya akong tiningnan.

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap at umiyak ng malakas. Hala! Hindi ko naman kasalanan kung bakit siya nadapa diba?

"Bata tahan na"

Maslalo niyang hinigpitan ang yakap at maslalo niyang nilakasan ang pag-iyak. Naku! Male-late na ako kung hindi pa ako makaka-alis dito.

Hinayaan ko na lang siya umiyak. Maya-maya ay tumahan din siya. Nag-punas siya ng luha habang humihikbi parin. Cute. Napatingin siya sa akin

"Sorry po"

"Wala yun sa susunod mag-iingat ka hah"

"Opo"sabi niya at tumakbo na. Nakalimutan kong tanungin ang pangalan niya ang cute pa naman niya.

***

"Hit you with that ddu-du ddu-du du"

"Aye aye"

"Saglit nga!"napatigil kami sa pagsasayaw ng biglang maysumigaw sa amin

"Kanina pa kayo ang iingay!"inis na sabi sa amin ni Jerry.

Pag-sila naman nag-iingay hindi namin pina-pansin.

"Masama bang mag-sayaw?!"

"Ang iingay niyo kasi!"sabi naman ni Peter

Wow hah! Akala mo siya hindi. Makapagsabi eh!

"Hindi naman sinabing bawal mag-ingay ah!"katwiran naman ni Cassandra. Oo nga wala namang sinabi. Wala naman kasi kaming teacher eh! Maybiglaang meeting.

"Kahit na!"

"Hayaan niyo na sila. Ang gagaling kaya nilang sumayaw"sabi ni Melvin sabay kindat sa akin. Napairap naman ako. Napaka talaga neto, hindi ko alam kung bakit ako lagi pinagtitripan niya.

"Edi wow!"

"Ang galing mo kaya Amanda my loves"sabi niya habang ngiting-ngiti tapos kinindatan na naman ako. Dukutin ko mata mo eh!

"Alam ko magaling ako"

Kung hindi niyo natatanong ako ang pinakamagaling sumayaw sa amin lima.

"Manahimik ka Amanda. Masmagaling ako"sabi naman ni Keila.

In your dreams!

"Ako kaya!"sabi ni Cass

"Nagsalita ang parehas kaliwa ang paa"

"Grabe ah!"inis niyang sabi. Ako nga kasi pinakamagaling sumayaw sa amin.

"Masmagaling ako. Wag na kayong umasa"sabi ni Xio. Ako nga kasi ang magaling!

"Masmagaling si Rie!"singit ni Jerry.

Bestfriends Today Enemies Tomorrow (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon